Wednesday, 5 September 2012

Tamad

Di ako tamad. Busy lang talaga ako. Seryoso. Pero di naman ganun ka-busy. Pero di ko gusto ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay lagi akong pagod. Kahit tatlong oras lang ako nag-aaral sa bahay ay parang bitin yung pahinga ko. Inaamin kong ngayon lang akong nagseryoso sa school pero ganto pala ang pakiramdam. Sigurado akong yung mga mas masisipag pa sakin mas pagod sila. Pero parang di talaga ako sanay. Hindi sa pag-aaral kundi sa buhay. Yung paraan na kung pano ako nabubuhay. Yung mga ginagawa ko araw-araw, parang ang hirap pagsabay sabayin ng pagiging estudyante sa pagiging bata. Oo, tama. Estudyante at pagiging bata.

Parang hindi bagay magkatabi ang salitang "estudyante" sa "bata". Ang pakiramdam ko hindi ako naging bata. Parang nasayang lang yung buhay ko. Nagmamadali ako tumanda. Di ko naman pala magugustuhan. Di ako naging pala-kaibigan. Lumaki na talaga akong mahiyain. Dahil diyan, nahirapan ako sa pag-aaral. Akala ko kahit matalino ka, hindi ka mahihirapan sa pag-aaral. Pero wala pala yun dun. Nasa ugali mo pa rin nakadepende kung pano ka mabubuhay.

Naisip ko minsang sana noong bata pa ko, makapal na ang mukha ko. At sana ay tumanda na akong ganun. Sa totoo lang makapal talaga mukha ko noong bata pa ako. Walang hiya hiya. Siguro minsan lang. Pero ngayon mahiyain na talaga. Ang hirap intindihin ng sarili pag teenager ka na. Mayroong identity crisis. Di mo alam kung ano ka ba sa mundo. Kasi eto yung panahong tatanungin ka ng mga magulang mo kung ano gusto mo maging pag laki mo. Hindi madali magdesisyon pag di mo naman alam kung san ka magaling. Okaya naman kung saan ka magaling, hindi naman maganda ang sweldo mo sa trabaho. Dati ayos lang na kahit ano trabaho mo, basta masaya ka. Kaso sa panahon ngayon, kakainin ka ng pera. Ang hirap pag walang pera. Nakakaiyak.

Kinakabahan na talaga ako dahil sa college. Hindi ako yung tipo ng taong masaya na kahit saang school. Kasi nappressure ako sa magulang ko. Magkaiba ang gusto nila sa gusto ko. Pero masunurin ako eh. Nakakainis. Ang hina ko sa pagdedesisyon. Ewan ko. Nakakalungkot na talaga. Sana maayos na ang buhay.