Thursday, 8 November 2012

Dahil nakalimutan ko password ko sa tumblr...

Habang naghihintay sa kaklase ko para dun sa materials list at experimental procedure para sa SIP, wala akong magawa. Ang bagay na nagpapanatili saking bukas ang computer ay ang dina-download kong video sa youtube. Di ko kilala ang internet kaya di ko alam kung san pupunta ngayon. Kaya naman eto, pa-blog blog nalang. Kahit mukhang diary to, bahala na. Ang gulo kasi netong blogger eh. Mas maayos yung sa tumblr kasi simple lang. Magpopost sana akong quote kaso pagka-log in ko, wala, nakalimutan ko na talaga. Tinignan ko na din sa yahoo mail ko pero wala eh.

Kakasubok ko palang. Nayayamot ako kasi paulit-ulit, lalabas yung captcha. Eh nakakainis lang. Siguro robot ako. Na mahina ang memorya. Ngayon pinoproblema ko nalang talaga yung kaklase ko. Hanggang 12 ako maghihintay. Tapos ngayon, di ko alam gagawin ko. Kakain nalang siguro ako. 

Friday, 2 November 2012

Kaguluhan ng Buwan

Minsan naranasan ko nang magpanic kasi ang gulo. Di lang magulo kung ano yung problema. Basta parang lahat ng bagay na magulo, magsasama-sama sa buhay mo para magulo ang mundo mo. Ang gulo diba?

Parang yung bag ko. Isa kasi yung bag ko talaga. Ts nagpabili ako. Eh ginagamit na ng kapatid ko yung bag kong luma, naging isa nalang ulit yung bag ko. Imbis na iba-iba ang bag ko sa iba't-ibang gamit, ang bag kong bago ay naging bag ko para sa lahat. Pag mag lalaro, may gala, pati sa school. Nabinyagan na nga yun ng ulan eh. Tapos ngayon, sembreak, wala lahat ng libro ko dun, nandun lang ay bola at plastik na lalagyan ng basang damit.

Yung mga gamit ko naman. Nasa ilalim lang yun ng computer table namin na hindi computer ang nasa ibabaw kundi printer. Di ko alam kung maayos pa dun yung gamit ko pero sana kumpleto pa sila bago mag pasukan.

November 5 ang pasukan, mag-eexam ako sa UST sa November 4. Hulaan mo kung anong bag ang gagamitin ko. Tama! Yung bag din na kaisa-isa kong bag sa lahat. Ang galing diba.

Sa totoo lang di ko alam kung ba't ko pinag-iinitan yung bag kong yun ngayon. Siguro dahil galit ako sa galuhan sa bahay. Ang gulo kasi eh. Ts dadalhin ko pa yung mga problemang yon kung san man ako pupunta. Eh siyempre estudyante, edi sa school.

Ayokong nagshe-share sa mga taong nakakausap ko sa personal. Eh may nakakausap lang ako sa personal sa school eh. Mahiyain kasi ako. Sa school lang ako talaga madaldal, sa mall hindi rin masyado at yamot ako sa mga tao. Depende rin kung nasaang mall ako. Konti lang ang mga sinasabihan ko ng problema ko. Ayokong may nakekealam kasi kahit naman malaman nila, alam kong wala silang matutulong. Wala na kong pake kung di sila informed ts maooffend nila ako, di ako naiinis sa mga ganoong bagay.

Noong Friday bago ako mag DLSU-CET, late ako umuwi non. Naglaro ako. Tapos kinabukasan, may "trabaho" ako dahil dun sa Elective ko. Yun yung project. 15 hours na trabaho. Tapos Sunday, yung La Salle ko. Eh hapon yun at ang layo ng La Salle. Mga 9 na kami nakauwi siyempre pagod na pagod ako. Ano ngayon? Eh ang balita, wala akong assignments na nagawa! Ts Thursday schedule non. Sa isang linggo, wala kaming English pag Monday. Eh may pinapagawang crossword. Edi wala ako. Tapos yun pinatayo kung sino yung wala. Konti lang kaming tumayo pero less/more than 10 yung wala sa isang grupo, eh dalawang grupo yun. So mga 20 pataas/pababa yung wala. Proud akong mag-explain kung ano nangyare saken nung weekend ko. Gusto ko na ishare sa klase kung bakit leche yung buhay ko. Eh kaso wala, sinabi ko lang na marami akong ginawa ts yun na yun. Ayoko tirahin yung pamilya ko, baka pag nalabas ko na eh mainis lang ako lalo sa pamilya ko.