Hindi mo alam. Hindi kasi kita kasama nun. HIndi naman kalayuan ngunit nung gabing yon, tila magkaiba ang mundong kinalalagyan natin. Ikaw pa ang unang nagtext sakin. Ganun naman lagi eh. Kakausapin lang ako pag may kailangan. Pag ako naman naunang magtext, busy ka lagi. Nakakahiya namang mang-istorbo. Ngunit nung gabing yon, hindi ka busy. Eh nasa labas ka e, pa-chill chill lang. Inom inom. Tapos ako naman yung busy. Di naman sobra pero may ginagawa ako nun. Ayos lang sakin. Mas gutso kong kausap ka kapag may ginagawa ako. Inspiration kumbaga. Pero di mo alam, di mo ramdam, wala lang sayo. Pero para sakin, malaking bagay na yon.
Hindi ko alam kung bakit pinili mo akong kausapin dahil nasa labas ka na nga at may mga kasama ka naman. Hindi ko na natanong. Masaya lang akong naisip mo rin pala ako nung mga oras na yun. Kinukwentuhan mo pa nga ako eh. Ang sarap sa pakiramdam. Parang kasama kita kahit hindi pa tayo nagkikita, parang magkatabi lang tayo. Gusto talaga kitang kausap. Parang dati pa tayo magkakilala kahit iilang linggo pa lang talaga. Pero walang piniling oras at panahon ang pagbuo ng nararamdaman ko sayo. Hindi naman sa gusto kitang pakasalan o ligawan pero ang alam ko, ikaw yung kaibigang hinahanap ko.
Nung gabing yon, di ko alam kung pano mo nagagawang magkwento sakin habang may mga kasama ka. Syempre nakakahiya rin lalabas ka pero tinetext mo lang din ako. Hindi ko rin alam kung dahil lang naka-inom ka kaya gusto mo pa rin akong kwentuhan. Nagsimula akong mag-alala sayo. Natatakot ako para sayo. Kahit hindi dapat, ganun yung nararamdaman ko. Masakit isipin na wala ako sa tabi mo kung kailan mo ako kailangan. Pero di mo naman talaga ako kailangan. Akala ko lang yun. Hindi ko alam kung bakit masakit para sakin. Sorry na, tanga eh.
Lumala pa ang sitwasyon, hindi ko na mabanggit. Yung pag-aalala ko, dumating na sa puntong gusto kitang puntahan at patulugin. Yung sitwasyon mo kasi, tipong nasa kaguluhan ka na parang hindi mo pa alam kung anong nangyayari. Siguro sobra lang akong mag-alala. Tipong gusto lang kitang samahan pauwi. Tapos papatulugin, babantayan ka. Pero mali pala. Hindi pala dapat ganun. Dapat hinayaan na kita. Dapat hindi na ako nag-alala. Dapat di na kita inisip. Dapat wala nalang akong naramdaman.
Kasi yung iniisip ko hindi pala totoo. Ako yung umasa pero ako lang pala nagpaasa sa sarili ko. Yung akala kong ikaw, hindi pala para sakin. Medyo tanga lang. Akala ko pinapasok mo ko sa buhay mo kasi ganon ako kahalaga, hindi pala. Pero bahala na. Alam ko na rin yung totoo. Ayos lang din sakin. Natanga lang talaga ako. Nagkamali. Isang malaking pagkakamali.
Ngayon ayos naman. Natutunan ko na. Di ko alam kung bakit di na tayo masyadong nag-uusap. Alam kong busy tayo pareho. Ayos lang. Hindi na ako magmamadali. Maghihintay nalang ako. Okay na yung nasa radar mo ako. Masaya na ako para sayo. Ayos na rin yung ganto. Pampakalma ng nagulo kong damdamin. Lilipas din to. Hindi ko alam kung bakit natripan kong isulat to dito alam ko namang hindi mo mababasa. Wala lang akong makausap tungkol dito. Kung mababasa mo man, hi sayo. Magkaibigan nga tayo. Masaya ako pag nakakausap ka. Wala lang oras ngayon. Hinihiling ko lang na balang araw maalala mo ulit ako kagaya nung gabing yon. Kahit ano pang pagusapan natin ayos lang. Nung nakilala kita, naghahanap ako ng kaibigan. Buti dumating ka, masaya ako. Patawad kung naging masyado akong mabilis pero okay na ngayon. Gusto na kita makausap ulit.
No comments:
Post a Comment