Monday, 20 August 2012

Aral

Dahil exam na sa miyerkules, eto ako. HINDI nag-aaral. Di ko alam kung bakit nakakatamad mag-aral. Pero nasa oras naman yan eh. Ganto naman ako eh. Minsan masipag, minsan tamad. Nakakainis.

6 na pala, ilang minuto nalang, sisipagin ako ulit. Di ko alam kung bakit mas nakakasipag mag-aral pag gabi. Nakakalungkot. Nakakaiyak.

Ayokong subject ang Filipino at English. Lalo na kung may "kwento" na topic at kailangang basahin. Minsan lang ako natuwa diyan. Kung isa kang teacher at binabasa mo to, sa katotohanan ay walang natutuwang magbasa. Siguro mayroon konti pero wala talagang natutuwa. May mga masisipag naman din diyan eh. Pero syempre, babasahin nila kasi napipilitan lang sila. Pero ako, ayos ako diyan. Mas maganda na nga kung napipilitan kesa naman sa puro aral at laro ang mga bata. Pero depende pa rin talaga kung ano topic nung babasahin eh. (Ang sinasabi ko nga pala dito yung mga babasahing mahahaba na pang book report.)

Noong first year ako, binasa namin yung Jonathan Livingston Seagull. Di ko gets yung storya, di ko alam kung di lang ako nakikinig o di ko lang talaga maintindihan. Ewan ko. Pero feeling ko, nagsayang ako ng pera eh. Dahil puro pictures lang ang makikita mo diyan. Pero ang "seagull" lang ang related dun sa pictures. Kasi iba yung storya kesa pictures. Basta. Tapos matutuyo utak mo sa kaka-imagine. Ewan ko kung bakit. Ganun talaga eh.

Pero nalaman kong malalim lang talaga yung meaning ng librong yan. Sa sobrang lalim, di kinaya ng kababawan ko. Pero ayos lang. Pumasa naman ako ng first year nang hindi nalalaman kung ano talaga nangyari diyan. Siguro dadating din naman yung panahon na mababasa ko ulit yan. Busy ako ngayon eh.

Noong second year, naburyo naman ako ng Things Fall Apart. Nakakabobo yung mga pangalan nila, pag maikli lang talaga yung memory mo, wala ka, ekis. Ang hirap. Ang hahaba ts ang hirap banggitin. Akala mo pinagtripan ng magulang yung pangalan eh. Konti lang nakatapos samin niyan. Kasi ang project namin, gagawing video presentation kung ano yung mga nangyari. Edi yung mga artista na extra, petiks. Nakakatuwa lang noong patapos na ng school year, tinanong samin ng teacher namin sa English kung sino ang mga HINDI nakatapos nung libro. Ayun, taasan ng kamay ang lahat. Napatawa nalang siya.

Nung third year naman, marami kaming "kwento" na tinalakay(hayip ang lalim). Pero medyo masaya yung Lord of the Flies. May movie nga yan eh. Minsan pinalabas sa HBO, kaso mga 2am na nun ts may pasok kami bukas. Malupet yan, di malalim yung storya. Pero siyempre may hidden meaning pa rin. Pero ayos lang.

Ngayong fourth year, Tuesdays with Morrie naman binasa namin. Maganda yan. Di malalim yung mga salita. Sobrang ganda nung storya. Kaso wala sa oras nung binasa namin. Hindi siya yung tipo ng librong babasahin mo habang nag-aaral ka pa eh. Siguro sa weekends. Basta. Yung timing niya, parang nagpapatunog ka ng Chris Brown habang may patay. Mas maganda siyang basahin sa summer. Pero kung masipag ka, pwede sa Sabado at Linggo. Wag lang pag may pasok. Ewan ko. Yan yung tipo ng mga bagay na hindi mo kailangang malaman kasi may quiz ka bukas. Di siya ganun eh. Yung tipong nagpapanic ka na pero pachill chill pa binabasa mo.

Madami na akong nabasa. Nabasa ko na yung Twilight Saga. Kung pampakilig trip mo, pwede na yan. Lalo na kung mahilig ka naman sa pantasya. Pero kung sinasabi mong "pangit" talaga yun dahil nakikita mo lang sa facebook at 9gag, tanga ka. Magbasa ka muna bago mang-husga!

Nabasa ko na din yung Percy Jackson. Wala akong gastos. Download lang eh. Petiks. Pero astig yung storya, Nakakaadik. Yung unang chapter pa lang, mabibitin ka. Hahanaphanapin mo eh. Tapos kahit madami yung characters, di ka maliligaw. Nag-adik pa nga ako diyan eh. Pero slight lang. Di ko kabisado family tree ng Greek gods. Masyado akong mababaliw non.

Syempre nabasa ko din yung Harry Potter. Lupet nun eh. Ang alam ng lahat, nabasa ko na yung buo pero ang totoo, di ko pa nababasa yung book 6. Kahit meron kami, tinatamad ako. Pero tanda ko pa ang chapter 1. Inulit ulit ko kasi yun. Wala din. Yung prime minister sa real word tsaka sa wizarding world, nag-uusap. Naiinis ako, related sa gobyerno eh. Pero astig talaga yung storya. Buti nga nabasa ko na yung book 7 bago ilabas yung movie ng HP7 part 1 eh. Ayos. Pero astig. Yung mga part na di ko gets nung binasa ko, naintindihan ko naman sa movie. Pero sigurado akong may mga parts na nabasa ko pero wala sa movie. Nakakadismaya. Pero ganun talaga ang buhay. Laging may nawawala. Asan na nga ba yung bolpen ko badtrep. Mag-aaral na dapat ako eh. Bahala na nga.

Tuesday, 14 August 2012

Blog

Sa totoo lang di ako marunong mag-"blog". Ang alam ko lang gawin ay humarap sa computer at magtype. Okaya maglaro. Lalo na ng Solitaire. Adik ako dun eh. Lalo na pag nagloloko ang internet. Sa katunayan, di ko talaga alam kung ano ang dapat nilalagay sa blog. Bukod sa mga post tulad nito, karamihan ay mga litrato o kaya video. Pero kung ako yung magpopost, bakit ko ipopost yung hindi ko naman video at hindi ko naman litrato? Eh hindi naman ako lumalabas sa bahay masyado dahil "strict ang parents ko", kaya di ako masyado nakakakuha ng litrato at hindi rin ako mahilig mag video kasi wala namang mavivideohan sa bahay. Matrabaho din naman kasi yun kaya sayang sa oras. Wala namang saysay. Sabihin na nating di ko talaga trip, baka kasi naooffend ka. So puro sulat nalang ilalagay ko dito? Sige, bahala na. Di ko naman alam kung may nagbabasa talaga nito oh niloloko lang ako ng stats dun sa blogger.com.

Eh sa facebook, ano ba talaga ang dapat nating nakikita doon? Bakit may mga taong naaadik dahil sa facebook? Bakit kailangan nilang magpost ng mga kung anu-ano, eh karamihan naman sa mga nakakakita non ay walang pakealam. Lalo na kung personal yung status mo.

"Dinner. Bbl"
"May nag-aaway sa labas ng bahay LOL"
"P*ta! Asan na yung charger ko?!"
"Lakas po ng hangin sa labas :/"
"Mahal ko pa rin siya :("
"HAHAHAHAHAHAHA"

(Sorry di ako magaling umisip ng halimbawa)
Dude. Wala kaming pakealam. Karamihan ng nakakakita niyan ay walang pakealam. Tulad nitong blog ko, wala din namang pakealam ang nakakakita nito eh. Ewan ko, ang weird ko din kasi eh. Ayos lang yan.

May mga iba naman na pictures ang trip sa facebook. Kahit walang katuturan ay ipopost. Ang pinaka nakakainis lang nito ay pag may mga sinasabeng i-share ay may mga tanga namang susunod. Ano bang natutulong niyan? Anong klaseng mga tao to oh.

Hello

Patawad noong mga nakaraang araw. Di ako nakapag post dahil ako ay isang dakilang tamad. Di ko talaga alam kung busy ba talaga ako o tamad lang talaga ako. Pero tingin ko dahil sa oras eh. Ewan ko. Tsaka wala din naman ako malalagay dito eh. Wala naman akong masyadong problema. Wala akong pinoporblemang nakakapang-high blood. Ewan ko. Nagsimula lang naman ako mag-blog noong marami akong pinoproblema. Wala kasi akong masabihan. Mga tao kasi ngayon eh. Halos lahat di mapagkakatiwalaan. O sadyang konti lang talaga ang mga kaibigan ko? Ewan. Eh ayun, nalabas ko na lahat ng gusto ko sabihin dito, edi wala na. Di ko na alam kung pano dagdagan. Kaya minsan parang paulit ulit nalang yung mga topic ko. Siguro dahil sa title. Nalilito ako dahil sa title. Kaya ngayon matinong title na ang gagamitin ko bawat post. Para astig. Ewan. Para masaya! Ang gulo ko kasi eh. Parang buhay. Pero ito na nga yung iniisip ko. Kasi dapat matino yung title, dapat yung laman related sa title. Edi iikli yung post ko kasi di ko mapapalawak kasi mauubusan talaga ako ng topic. Kaya eto lang muna masusulat ko ngayon. Ang tamad tamad ko eh. Pero wala pang sampung minuto, matatapos na to. Nasusukat ko yung oras dahil sa music. Astig diba. Yun. Bye na nga.

Wednesday, 1 August 2012

Estudyante Blues EP 17

Ngayon ko lang naintindihan kung ba't nagsisisi ang tao. May mga pagkakataon kasing noong nakaraan ay may mga desisyon silang hindi maganda ang kinalabasan. Maaari ding kasi may mga pagkakataon tayong pinalampas. At sa mga susunod na araw ay iniisip natin kung ano kaya ang mangyayari kung hindi sana natin pinalampas ang pagkakataon. Pero wala na. Nasa huli na ang pagsisisi. Kahit sabihin na nating hindi tayo nagmamadali sa buhay, ang oras naman yung nagmamadali. Nauubos ang oras. Tumatanda tayo. Hindi ko alam kung tamad tayo kaya nagiging mabilis ang pagdaan ng oras o sadyang mabagal lang tayo kumilos. Pero minsan, hindi tayo ang may kasalanan kung bakit may mga bagay na hindi tayo nagagawa. Pwede nating sisihin ang mga tao sa paligid natin. Bakit? Isipin mo nalang. Kung hindi ka sana kinulong ng magulang mo sa bahay niyo noong bata ka pa, edi sana naranasan mong makipag kaibigan sa labas at tumakbo sa kalsada at gumala sa village niyo. May karapatan ka namang sisihin sila eh. Edi sana hindi ka nagsisisi ngayon. May mga magulang talagang masyado mahigpit kaya nagiging kaparehas nila mag-isip ang kanilang mga anak. Tapos pag naging magulang na yung mga anak nila, ganun din gagawin nila sa sarili nilang mga anak. Ang iniisip kasi nila, tama yun. Kasi ganun sila pinalaki eh. Sayang ang buhay.

Ngayon ay nagsisisi agad ako, wala pa nga ako sa kolehiyo eh. Ganun talaga pag iniisip ko kung ano ang pagsisisihan ko sa hinaharap. Nakakaiyak ang sitwasyon ko ngayon. Hindi naman sa literal pero parang ganun na rin yun. Gusto ko sigawan ang magulang ko. Gusto ko banggitin lahat ng oras na noong kinulong nila ako dito sa bahay, nagkaroon na sana ako ng maraming kaibigan sa kapitbahay.  Natuto sana ako makipag-usap sa mundo. Pero parang huli na ang lahat. Kasi kahit sabihin ko pa sa kanila yon, wala na, nakaraan na eh. Ewan ko nalang kung sasabihin nilang "Di bale, anak. Next time nalang." Aba. Baka makasuntok ako ng tao sa bahay. Ang panahon ay hindi nababawi. Naaawa ako sa sarili ko. Nakakainis.

Siguro may mga tao talagang independent. Yung hindi madali maimpluwensyahan. Ang akala ko kasi, kung paano ako mag-isip, ganun din mag-isip ang ibang tao. Pero may mga tao pala talagang bobo na gaya gaya nalang. Mga nakiki-uso. Mga mahilig manghusga. Iba't iba pala talaga ang ugali ng tao. May mga taong pinanganak para sumikat. Meron din namang mga taong pinanganak nang madaldal. Tahimik. Mahiyain. Ganun tayo sa una. Noong bata pa tayo. Pero pag lumabas na tayo ng bahay, natututo na tayo. Hindi natin nararanasan ang nararanasan ng iba para matuto tayo sa kanila. Hindi porket tao tayo, kailangan na nating maranasan ang lahat. Isipin mo nalang, lahat ng sakit mapunta sayo. Matuwa ka pa kaya nun.

Siguro nga sa pagtanda natin, mas narerealize natin ang role natin sa buhay. Nalalaman natin kung ano ba ang dapat na ginawa natin noon. Nasa huli nga ang pagsisisi. Dahil nga matanda na tayo, marami na tayong naranasan at gusto nating balikan ang mga nangyari satin para lang alam natin ang gagawin sa sitwasyon noon. Pero wala na talaga. Dapat maisip nating ayos lang yon dahil hindi naman nabubuhay ang isang tao nang perpektong buhay. Ang nakaraan ay nakaraan. Maging handa nalang tayo sa hinaharap.