Monday, 29 October 2012

Galit

Naranasan mo na bang magalit dahil sa magulang mo? Bt nga ba ganun? Ano ba dapat ang magulang?

Ang magulang, sila yung gagabay sayo sa paglaki mo. Sila dapat yung tumutulong sayo pag may problema ka. Di dapat sila yung nagdadagdag at nagpapalaki ng problema mo. Pero bakit ganun, dumarating yung pagkakataon na parang di mo sila kakampi. Kaaway mo sila.

May mga oras na nakatulong na sila sayo. Pero mas masakit yung mga oras na kaaway mo sila. Yung mga oras na laging ikaw yung sinisisi nila. Eh di naman sila tumulong. Yung wala naman silang ginawa pero ikaw sinisisi nila. Bakit ganun.

May mga tao lang talagang di marunong magpakumbaba, isa na ang mga magulang ko dun. Nakakainis yung ugali nila. Pag may problema, kami lagi ang sinisisi. Hindi sila tumatanggap ng pagkakamali. Akala ko dati, sila ang magiging dahilan kung ba't uunlad ang buhay ko. Hindi pala. Sila pala yung magiging dahilan na pag umasenso ako, hindi ko babanggitin na "Salamat sa tulong ng aking magulang..." pero "Salamat sa aking magulang, dahil sa kanila nagpursigi akong mag-aral mabuti kasi inaapi nila ako at gusto ko lamang maghiganti"

Higanti. Isang bagay na dala ng galit. Sweet Revenge, ika nga nila. Yung feeling na may ex ka, ts yung boyfriend niya ngayon panget ts ikaw, umunlad na sa buhay. Ganun kasarap ang higanti. Yung nakaka-lamang ka sa mga kaaway mo. Sa magulang mo naman, gusto mong ipakita sa kanila na hindi ka "tanga." Kasi yun yung turing nila sayo noon. Puno ka ng galit kaya ka uunlad. Pero nangyayari nga ba yon?

Badtrip lang ako ngayon. Ang gulo ng mga sulat ko. Tangina kasi eh.

Friday, 5 October 2012

Kamalasan

Sobrang malas naman oh. Walang internet nang isang linggo. Kung kelan kailangan eh. Tapos sobrang daming gagawin. Tapos ang nawala yung id ko dahil dun sa hiniram na table sa canteen. Ts nawala din yung project ko sa Electronics. Sana ako nalang din nawala.

Tapos eto nagkaroon ng internet. Ang daming gagawin. Leche talaga. Kaya ko naman eh. Eh yung kaya mo pa pero yung mga nasa paligid mo, di na kaya. Wala rin. Sayang lahat. Nakakaiyak.

Nakakainis din yung eto ako, fourth year high school. Nagsisipag. Para saan? Sa grade malamang. Eh kung di mo na kaya? Pwede namang dayain diba? Bakit kamo? Eh grade lang naman yun ah. Grade lang ang hinihingi mo sa teachers. Numero lang yon. Eh para saan yung numero? Para next year. Para pumasa ka. Eh akalain mo yun, yung mga pumepetiks, nakakahabol sa grade mo pero ikaw na naghihirap, halos kapantay mo lang din sila. Patas ba yun? Siguro kung sa ugali naka-base sa ugali yung grade lalabas ang mga tunay na kulay ng mga estudyante.

Iniiwasan kong magmura. O mag-mukhang masama. Pero masama na talaga eh. Kung anu-ano nalang talaga masasabi mo pag sabog-sabog na ang iniisip mo. Halo halo na. Tapos patigil tigil ka pa. Pwede naman kasing isa-isa lang muna eh. Pero sayang kasi sa oras. Bt ba naging ganito ang buhay. Bumibilis. Eh noong unang panahon nga eh umaabot ng 100 years old ang mga tao eh. Tapos ngayon, ewan ko nalang. Pero parang nasa ginagawa din nila yun eh. Siguro kung may computer na sila noon mabilis din ang trabaho nila. Pati buhay nila, bumilis na rin siguro. Parang ngayon. Di na pwede yung paisa-isa ang pagtrabaho, sayang oras. Yari ka. Parang ngayon. Aabutin ako ng siyam siyam dito. Para sakin ayos lang, pero yung deadline hindi ayos don. Nakakainis. Nakakaiyak.

Ngayong online na ako sa facebook at twitter, nakita ko nanaman ang mga taong ignorante. Tingin ko mas makaka-survive ako sa college kung bawas ang pag-iinternet. Sa college pa, di pwede ngayon. Kung ngayon, yari ako. Kasi nag-umpisa na eh. Tsaka pag nakasanayan, nagiging kailangan na. Sana di nalang ganon. Ang hirap naman pala talaga ng buhay.

Sorry sa lahat ng masamang mababasa mo. Patawad talaga. Di na pala safe ang internet ngayon eh, natatakot lang ako.