Sobrang malas naman oh. Walang internet nang isang linggo. Kung kelan kailangan eh. Tapos sobrang daming gagawin. Tapos ang nawala yung id ko dahil dun sa hiniram na table sa canteen. Ts nawala din yung project ko sa Electronics. Sana ako nalang din nawala.
Tapos eto nagkaroon ng internet. Ang daming gagawin. Leche talaga. Kaya ko naman eh. Eh yung kaya mo pa pero yung mga nasa paligid mo, di na kaya. Wala rin. Sayang lahat. Nakakaiyak.
Nakakainis din yung eto ako, fourth year high school. Nagsisipag. Para saan? Sa grade malamang. Eh kung di mo na kaya? Pwede namang dayain diba? Bakit kamo? Eh grade lang naman yun ah. Grade lang ang hinihingi mo sa teachers. Numero lang yon. Eh para saan yung numero? Para next year. Para pumasa ka. Eh akalain mo yun, yung mga pumepetiks, nakakahabol sa grade mo pero ikaw na naghihirap, halos kapantay mo lang din sila. Patas ba yun? Siguro kung sa ugali naka-base sa ugali yung grade lalabas ang mga tunay na kulay ng mga estudyante.
Iniiwasan kong magmura. O mag-mukhang masama. Pero masama na talaga eh. Kung anu-ano nalang talaga masasabi mo pag sabog-sabog na ang iniisip mo. Halo halo na. Tapos patigil tigil ka pa. Pwede naman kasing isa-isa lang muna eh. Pero sayang kasi sa oras. Bt ba naging ganito ang buhay. Bumibilis. Eh noong unang panahon nga eh umaabot ng 100 years old ang mga tao eh. Tapos ngayon, ewan ko nalang. Pero parang nasa ginagawa din nila yun eh. Siguro kung may computer na sila noon mabilis din ang trabaho nila. Pati buhay nila, bumilis na rin siguro. Parang ngayon. Di na pwede yung paisa-isa ang pagtrabaho, sayang oras. Yari ka. Parang ngayon. Aabutin ako ng siyam siyam dito. Para sakin ayos lang, pero yung deadline hindi ayos don. Nakakainis. Nakakaiyak.
Ngayong online na ako sa facebook at twitter, nakita ko nanaman ang mga taong ignorante. Tingin ko mas makaka-survive ako sa college kung bawas ang pag-iinternet. Sa college pa, di pwede ngayon. Kung ngayon, yari ako. Kasi nag-umpisa na eh. Tsaka pag nakasanayan, nagiging kailangan na. Sana di nalang ganon. Ang hirap naman pala talaga ng buhay.
Sorry sa lahat ng masamang mababasa mo. Patawad talaga. Di na pala safe ang internet ngayon eh, natatakot lang ako.
No comments:
Post a Comment