Dahil nag-aaral ako sa all-boys school, alam ko kung ano ang kadalasang ugali ng isang lalaki. Gamitin nalang natin ang kaibigan ko. Ang kaibigan ay kaibigan, meron lang talaga siyang ugaling hindi ko gusto at nakikita ko rin ito sa iba pang mga lalaki.
Bilang isang lalaki, ugali niya ang maging mayabang o maangas. Lalo na sa harap ng ibang lalaki. Yung tipong ang first impression sa kanila, gusto na nila ng away. Pero pag may babae naman, ang lakas maka-landi. Ganyan ang kaibigan ko. Pag may babae, todo pa-cute. Pero pag nilagay mo siya sa kwartong may babae at lalaki, mag-aangas siya. Para daw badass ang tingin ng babae sa kanya.
Eh ang mga babaeng mahilig sa lalaking badass, nakaka-stress lang. Ano matutulong niyan sa buhay mo? Palibhasa may itsura lang habol niyo eh. Di ko sinasabing lahat pero kung tumambay ka kung saan, pogi at magaganda pa rin ang habol ng isang tao.
May mga tao ring ugali ang habol. Kaso di ko alam kung bakit ang hirap dumisiplina ng bata ngayon. Gusto nila laging nagmamadali. Kala mo bukas magugunaw na ang mundo. Gusto nila nagmamadali, ayan namadali din ang anak. Nakakaawang mga nilalang.
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pag-aaral ang inaatupag ng mga kabataan ngayon. Hindi ako tutol sa mga indibidwal na mga gawain, tulad nito, pagbblog. Yung mga tipong mangengealam ng buhay ng iba, dun ako tutol. Kung makapag-syota akala mo alam na nila ang lahat ng bagay sa mundo. Pero pag tinanong mo naman, hindi marunong gumamit ng quadratic equation. Nakakaiyak.
No comments:
Post a Comment