Tuesday, 1 January 2013
NEW YEAR
HAPPY NEW YEAR! :D Wala lang. Ang tagal kong di nagpost, nakakatamad kasi eh. Eh eto lang magandang pagkakataon kasi wala naman ako ginagawa at walang pasok bukas. Petiks petiks din. Sana petiks din pag dating ng pasukan. Nakakatamad na pumasok, isang quarter nalang. Kaso may mga requirements pa sa 3rd quarter na kailangang isubmit. Nakakatamad na, sobra. Pag tapos na kasi, dapat wala ng itutuloy. Yun yung ayaw ko sa batas ng buhay. Kung mayroon mang batas ng buhay. Yung tipong fourth quarter na pero may hinihingi pa rin galing sa third. Eh tapos na nga eh, nakakatamad na please. Pero ngayong fourth quarter, eto lang tip ko. Gawin lahat ng kailangan gawin para tapos na lahat. Ang goal mo ay tapusin lahat, walang delay delay. Tsaka pag maaga ka matapos ayos na diba. Rule ko talaga yan dati pa eh, di ko lang nasusunod. Ang hirap maging bata. Di mo alam lahat. Tapos pinipilit kang gumawa ng ganto, ganyan. Eh bata ka pa naman eh. Nakakalungkot lang. Kaso ilang buwan nalang college na ko. Bata pa ba yun. Di na. Nakakainis sa bahay tinatanong ako ng nanay ko: "San ka magcocollege?" Ang hirap sagutin. Sakin naman, ayos lang kahit saan. Pero di talaga ayos ang kalalabasan. Ang gusto ko talaga, UST. Wala raw kaming pang-tuition. Ateneo naman gusto ko pero alanganin ang pagpasa ko dun. Lalo na sa UP. Ateneo at UP ang pinakamalapit samin kaya naman gusto ko dun. Pero as if naman papasa ako. Kaya pinipilit ko sa UST at Architecture naman ako dun, magaling naman ako sa Math at pagddrawing. Ang problema ko lang, sinasabihan ako ng kapatid kong mahal daw dun. Edi umiyak ako sa kaloob-looban ko kahit hindi talaga, pero nainis at nalungkot lang ako. Wala naman akong magagawa eh. Pumasa na rin ako sa UA&P pero di ako scholar, kung mag-aral na ako dun di na kami kakain. Ewan ko kung ba't nagsayang kami ng pera sa pag-eentrance exam eh, nakakayamot lang. Hassle lahat gumawa ng school works. Kaya nag-umpisa ang fourth year kong badtrip ako sa magulang ko eh. Ewan ko kung pano nawala. Yung tatay ko medyo nahulaan kung ba't gusto ng kapatid ko mag-exam sa iba't ibang school eh. Science school kasi siya, ts sa recognition, binabanggit kung saang school pumasa. Ewan ko lang. Baka awayin pa ko ng kapatid ko pag nakita niya to, pero di ko alam kung nagbabasa siya dito, bulok na rin naman tong blog na to eh. Ang blog ko kasi dapat may mga pictures kaso tinatamad ako kumuha ng pictures sa school last year kaya di na natuloy, naging mga storya nalang. Ngayong taon at sa fourth quarter, magsisipag na rin ako sa pagpipicture. Baka magamit ko balang araw. Tsaka may inspiration na rin ako eh, photographer siya, ka-age ko at nakakainspire yung mga pictures niya. Ayoko sabihin kung sino baka magmukha akong stalker eh. Hehe. Ayan naparami ang sulat ko kasi tuloy tuloy ako. Sana tuloy tuloy din ang sipag ko ngayong taon. At magsisimula yan sa pageedit ko ng blog ko ngayon din. Goodluck nalang sakin. :D Happy New Year ulit :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment