Tuesday, 16 September 2014

Tapon Tuition

Di ko alam kung anong mangyayare sakin pagkatapos ng post na to.

Sa college, "normal" na daw yung paraan ng pagtuturo kung saan magbibigay ng gagawin ang prof tapos bahala na ang estudyante aralin ito. Kung normal yon, kebs lang. May mga nakagraduate naman na dumaan sa ganung paraan ng pag-aaral. Pero kung ganon lang din at isa kang street-smart na marunong lumusot sa mga butas ng buhay, pwede kang wag nalang magenroll. Tapos kunin mo yung kung anong pinapagawa sa mga kaklase mo. Tapos aralin mo. Edi nakatipid ka. Ang problema lang, di malalaman ng ibang tao na naaral mo yun dahil hindi ka naman dumaan sa prof na bibigyan ka ng grado dahil sa nagawa mo. Pero bakit ka ba nag aaral? Para matuto diba? Kung matututo ka nalang at ikaw nalang din ang teacher mo, grade-an mo na rin ang sarili mo. Sobrang nakamura ka na diba.

Di ko alam kung may gagawa nung sinabi ko, kung meron man, goodluck sayo.

Para sakin, hindi laging epektibo yung ganoong paraan ng "pagtuturo/pag-aaral". May mga subject kasing hindi nadadaan sa sariling aral. Pag nirason mo yan, sasabihin nila mag-"research" ka. Edi mag research. Tapos magpapakahirap ka magresearch. Nagpupuyat ka pa at hindi pumasok sa klase dahil sa pesteng pina-research sayo. Bakit peste? E mali ka daw e. Mag research ka pero mali pala ginawa mo. Bakit? Kasi may tamang paraan naman pala. E tinuro niya(ni prof) ba? Di ko alam, baka di ka lang nakikinig. At idadahilan naman ay "dapat tinuro na nung highschool". Aba, yung ulam ko nga kahapon di ko na maalala e yung tinuro pa kaya sa high school? (Hindi ako tanga, sinasabi ko lang na di naman lahat ng tinuro sayo maaalala mo).

Isa pang problema don, bigay sila ng bigay tapos ang laki ng reklamo pag mali ang output. At ang output na yon, nirerecord na?! Oo! Parang sinabing magluto ka ng nilaga at naging sinigang ang ginawa mo dahil di ka marunong magluto at nakasalalay dun ang buhay mo. Kasi yung nilaga mong naging sinigang, yun na yun, wala ng bawian, ipapakain sayo tapos sasabihin "Nilaga ba yan?!" tapos ingungudngod sa mukha mo yung kapalpakan mo. Sa edad na nagmamarunong ka sa buhay, umuulan talaga ng mga taong handa kang ipahiya at hindi mo alam kung bakit nila ginagawa yun, parang sila hindi tao ah. Masaquette.

Hindi ko alam kung pinoproblema ko to dahil nanghihinayang ako sa pera. Okaya naiisip ko lang na sayang. Pero totoo naman, ang dami kayang sayang. Imbis na nagagamit mo yung binabayaran mo, parang bumibili ka ng mapanglait na being na hindi mo kaanoano at di naman nakakatulong sayo, parang alien. Alien na tao. Di naman problema maghirap eh, basta tama yung mararating mong dulo. Pag mali, malamang sa alamang, sayang. Hindi naman masyado problema magsayang ng oras at experience, pero kung pera ang pag-uusapan, mahirap na yan. Ganito na sa mundo. Pera ang daan sa hinaharap. Pera ang titirik pakaliwa o pakanan sa buhay mo. Congrats, isa kang mamamayan ng mundo.

No comments:

Post a Comment