Di ko alam kung nasabi ko na to at kung nagkaroon ka na ng idea pero sasabihin ko na: karamihan ng problema ko ay hinuhugot ko sa pamilya ko.
Hindi kami palaging nagkakasundo. Laging sila ang masusunod. Hindi ako spoiled. Ayokong nagmumukhang masama, kahit saang bagay, pamilya man o kaibigan, basta kahit saan ayokong nagmumukhang masama. Gusto kong sila nalang masusunod para hindi na ako magmukhang masama. Kasi minsan pag ako yung pumipili, aangal sila, edi wag nalang. Gumagawa pa ng problema eh.
May mga oras din naman na siyempre, ako na ang masusunod. Pero yan ang mahirap para sakin. Kasi hindi ako pala-salita. Gusto kong nakikita nila yung resulta ng desisyon ko. Ayokong nagsasalita kasi umaasa sila. Ayokong nagpapa-asa. Ayokong maka-disappoint. Gusto ko yung pakiramdam na sa paghihirap ko sa pag-gawa/trabaho, magiging maganda yung resulta. Para sakin yun yung mahalaga. Gusto ko yung pakiramdam na sulit yung paghihirap na makakapag-bigay ka ng saya sa ibang tao. Ang sarap nun.
Kaso ipasok na natin sa pamilya. Dito na ako yari. Kasi sila, puro sila salita. Wala silang pakealam sa pag-gawa. Ewan ko ba. Basta ibang part yung mahalaga para sa kanila. Ayokong nakikita nila akong gumagawa. Gusto ko lang na pinapakita sa kanila yung resulta. Pero para sa kanila, wala talaga. Parang iniisip nilang niloloko ko lang sila. Parang nadadaya sila. Parang walang tiwala sakin.
Syempre masakit yun para sakin. Hindi ko talaga alam kung bakit magka-iba kami. Eh iba pananaw ko sa buhay eh, bakit kailangang pakealamanan? Alam ko namang concerned lang sila pero hindi ibig sabihin susundan ko yung yapak nila. Open naman ako sa mga opinyon nila eh pero wag lang nila kontrolin kung ano'ng akin.
Maaaring sinasabi ko lang to kasi barda ako ngayon pero wala, nakasanayan ko lang gawin to. Bahala na.
No comments:
Post a Comment