Saturday, 13 July 2013

Matapobre

Ngayon lang ako nakakita ng matapobre. Dati alam ko kung ano sila pero hindi pa talaga ako nakakakita. Pero ngayon ko lang napansin na matapobre tong taong to. Nakakabadtrip eh. Yung mukha niya nagpapakita mismong matapobre at mayabang siya. Nakakabwisit.

Pikon ako sa mga mayayabang. Gusto kong ipa-mukha sa kanilang hindi sila ang may-ari ng mundo at hindi sila may-ari ng buhay ng ibang tao. Wala silang karapatang pag-tawanan yung mga simpleng pagkakamali ng ibang tao. Pero nakaka-asar eh. Yung nasa harapan mo mismo ts nang-huhusga siya. Kingina mo.

Alam kong pag dinikitan pa rin niya ko, baka di ko na matiis at mapa-away lang ako. Pero ayoko. Kaya minsan di ko nalang pinapansin. Nagsasalita siya bigla pero walang sasagot. Wala lang. Parang hangin lang siya. Yabang mo eh. Wala tuloy pumapansin sayo.

Ngayon ko lang nalaman na ganun ang epekto sakin pag may mayabang na nasa paligid ko. Grabe nakaka-kulo ng dugo na gusto ko na siyang sapakin at bugbugin. Pero wala, narerealize ko agad na galit ako at nakokontrol ko yung galit ko. Naiisip ko na kung anong mangyayare sa kanya eh kaya naawa pa ako nun. Pero kung di ko napigilan, matatanggal na siguro ako sa skwelahan.

Ang nakakainis sa lahat, wala akong choice na lumayo sa kanya kasi sumasama siya sa tropa. Kasi kami kami yung unang magkakasama kaya mahirap na umalis sa ibang tropa wala akong mapupuntahan. Badtrip talaga eh. Alam mo yung pakiramdam na may nakilala ka pero hindi mo siya gusto, as in yung ugali, tapos pinipilit niya na magkaibigan kayo na ume-fc siya sayo. Nakakaasar eh. Wala naman kayong pinagsamahan tapos napaka-feeler niya naman. Ibang tao pa to ah.

Siguro dahil sa pinaggalingan ng isang tao kaya siya nagkakaroon ng ugaling ganun. Nakakaasar pero wala akong magagawa. Pag ganun kasi, sarili lang niya iniisip niya. Wala siyang pakealam kung nakakasakit siya ng ibang tao. Immature. At yan ang problema ngayon. Mahirap makisama sa mga immature. Kaya ako mas pinipili kong mapag-isa para di ko na pinoproblema yung ibang tao. Kaso wala, minsan napipilitan ako. Minsan kaya ko pero wala, may mga tao talagang kailangan mong problemahin, at para sakin, yung mga mayayabang.

No comments:

Post a Comment