Ang sakit talaga pag yung pag gising mo sa umaga, magpapagod ka sa eskwela tapos pag uwian na, ang uuwian mo ay tila ang pinaka-puso ng problema. Parang wala kang kawala. Nagkakaroon ka ng kalayaan pero pagtapos ng araw balik problema nanaman.
May mga tao kasing porket nasa isang grupo o pamilya, iniisip na nilang magkakaparehas sila. Eh pano pag mali ka? Wag kang mayabang na tila kilala mong lahat ng kasama mo, nagkakamali ka. Lahat ng tao may tinatago. Tarantado ka nalang kung ang taas ng pag-iisip mo pero sa totoo wala kang alam tungkol sa tao.
Kung tatanungin mo naman kung bakit hindi mo nilalabanan, kasi maaaring wala kang lakas ng loob. Lalo na kung nakatatanda yung "nagmamarunong" na yan. Kadalasan yan hindi na nakikinig at iniisip nilang tama sila lagi, matanda na kasi eh, alam na daw nila lahat. Siguro tanggap na nilang "matanda" na nga sila at ayaw na nilang magpaka-bata, sayang ang buhay.
Minsan pa ngang ina-assume na nilang alam mo na lahat. Bakit, nagbigay ka ba ng briefing kung pano ko bubuhayin sarili ko? Kung ano yung alam ko noon, yun lang din alam ko ngayon, alam mo kung bakit? Kasi hindi naman ako gumagalaw eh. Walang pinupuntahan yung buhay ko. Tuwid lang. Para akong asong nakatali sa bahay. Pano ako matututo kung pag may dumarating na bago, tinatakpan niyo ang mga mata ko.
Intindihin niyo namang magkaiba tayo. Kung gusto niyo akong may malamang bago, matuto magtiwala at magpakawala. Kung maganda yung resulta edi ayos, kung pangit, edi wala. Ganyan naman ang buhay eh, hindi perpekto. At matututo ka lang kung marunong kang umapak at tumayo, hindi yung lagi ka nalang nakakulong sa mundo mo.
No comments:
Post a Comment