Wednesday, 30 January 2013

Anong meron ngayon

May mga bagay sa mundong bigla nalang lilitaw sa harapan mo. Minsan may kwenta, minsan wala. Minsan may lilitaw na wala sa oras at minsan ay tama ang timing. Pero may mga bagay ding lilitaw sa harapan mo pero di naman para sayo.

Pero bakit ganun. Sa oras na to, walang lumilitaw sa harap ko. Di naman sa nag-eexpect ako ng multo o kung ano pang nilalang. Tila nakatigil ang mundo ko at wala akong magawa. Hindi ko alam kung mabagal ang takbo ng mundo ko o sadyang tumigil na ito. Di ko rin alam kung maganda ba ito o hindi.

Hindi ako natutuwa sa lagay ko ngayon. Hindi man lang ako pressured. Hindi ako pumepetiks dahil pakiramdam ko may kulang, kahit wala naman. At lalong hindi ako natutuwa sa mga tao sa paligid ko. Parang gusto kong maiba naman ang mga nakikita ko. Gusto ko na magbago. Pero para sakin, hindi maganda ang paghiling. Para sakin, pag may hiningi, may kapalit. Pag may bad luck, may good luck. Di ko alam kung bakit pero nakasanayan lang.

Ang gulo ng mundo. Hindi lahat ng bagay na plinano natin ay nangyayari. Magulo ang mundo dahil sa mga taong nasa paligid natin. Iba-iba tayo kung mag-isip. Tanggap ko na yan. Minsan kailangan ikaw na yung mag-adapt para makaalis ka agad dun sa problema. May mga tao kasing pagdating ng problema, bumabagal na sila. Sabi nga nila pag dumaan ka sa problema, daanan mo lang. Pag tumambay ka, wala ka talagang mararating.

Ilang linggo nalang talaga ay magtatapos na ako sa high school. Alanganin yung mga unibersidad na pinasahan ko. Yung dalawa, mahal yung tuition. Yung isa, wait-listed ako sa parehas na course. Hindi nakakatuwa kasi alanganin din naman score ko kahit average lang. Alanganin pa rin para sa akin. Hindi yon mataas para sakin dahil marami akong kaagaw dun sa course na yun. Tingin ko mapipilitan ako dun sa school na malayo na nga, mahal pa ang tuition.

Simula non, parang nahiya na ako dun sa score ko. Tsaka sa naranasan ko. Yung mga taong alam mong mas matalino ka pa, sila pa yung mas mataas yung score kesa sayo. Anong klaseng buhay naman yun. Hindi yan yung sitwasyon ko pero yan yung sitwasyon ng isang kaibigan ko. Pero naaawa talaga ako eh. Gusto mong makatulong pero wala kang magawa. At wala na talagang magagawa. Kahit naman hindi lang yun yung colleges sa buong Pilipinas, nakakalungkot pa rin na hindi mo nagawa ang akala mong magagawa mo. Umasa ka kasi may pag-asa pero wala, hindi natuloy. Yung simple mong pangarap gumuho na.

Sana sa lahat ng kamalasang ito ay may lumitaw na milagro sa harap ko/mo/nila. Sana nga masuklian ng tama ang mga pangit na nangyari sa buhay nila. At sana maging malinaw ang daan na aming tatahakin ilang buwan nalang ngayon.

Sunday, 13 January 2013

Malapit Na

Ilang linggo nalang matatapos na ako sa high school. Halos wala pa kong nagagawang makabuluhan para maging memorable ang karanasan ko sa high school. Kating-kati na rin naman ako makaalis. Pero susulitin ko na rin para walang sisihan. 2013 na, pero may mga bagay pa rin akong pinalampas. Minsan mas maganda pag inuuna mo yung sarili mo bago ka makatulong sa iba. Para hindi kayo parehas yung may problema. Maganda rin kung kaya mo naman, wag ka na humingi ng tulong para kung ano yung plano mo, yun yung masusunod. May mga tao talagang malakas manggamit. Pero sa mundong ginagalawan ko, ang high school, ay sample pa lang ng mga taong makikita ko pag labas ko dito. Napakarami pang pwedeng mangyari. Kahit dalawang buwan na lang, sobrang dami pang mangyayari. May mga bagay din na mangyayari nang saglit pero pwedeng makapagbago ng hinaharap. Kung nakikita mo dati ang sarili mo sa lugar na gusto mo, pero nagkaroon ng komplikasyon ay wala na, durog na ang iyong pangarap. Bilang isang senior, naranasan ko ang pagiging masipag at pagiging tamad. Di ako nagsisisi sa mga aksyong nagawa ko at hindi ko nagawa. Parte yan ng buhay at maliit pa lamang yan kung titignan mo ng buo ang buhay. Ang nangyari sa isang oras ay maliit na para sa nangyari sa labing-anim na taong nakalipas na sa buhay ko. At ang labing-anim na taong iyan ay maaaring wala pa sa kalahati ng magiging buhay ko. Pero pwede rin namang malapit na ang katapusan. Walang makapagsasabi talaga niyan. Ang nais ko lamang sa buhay ko ay mahanap ang mga sagot sa kung ano ako sa mundong ito at kung sino ba ako. Nagsasayang ako ng panahon para mag-isip. Para gumawa ng mga bagay na di naman talaga makakatulong sa buhay ko pero ginagawa ko pa rin kasi kailangan. Di naman lahat ng pinapagawa sa school ay makakatulong sa pag-unlad mo sa buhay. Pero may choice ka pa rin sa lahat ng bagay. Malaya ka. Pero sa pagsunod mo sa mga kailangan ay nalilimitahan ang kalayaan mo. May oras pa naman. Kaso nauubos din ang oras. Malapit na talaga. Susulitin ko na. Oras na.

Friday, 4 January 2013

Huling Sandali

Ilang araw nalang pasukan na. Konti palang nagagawa kong school works. Ang tamad tamad ko kasi. Tapos nagpupuyat ako para lang sa wala. 2013 na, ayos buhay din. Sana. Kailangan kong masanay para sa college. Kinakabahan ako kasi labasan na ng mga college entrance test results. Gusto ko talaga sa malapit lang para di hassle at pwede pa gumala kasi madali rin naman makauwi. Parang ang sarap ng buhay. Yung nag-iisa ka lang, di ka pinapakealaman. May mga tao lang sigurong pang-college. Yung kaya maging independent. Introvert ang tawag sa kanila. Hindi sila mahiyain. Mas productive lang sila pag mag-isa. Ang high school kasi, ang design niya ay pang extrovert. Yung puro teamwork. Bilang isang introvert, mas gugustohin kong gumawa ng project mag-isa kesa pakealaman ng mga kagrupo ko ang ginagawa ko. Kung may task kaming isa isang gagawin, wala nang pakealamanan. Ang akin ay akin. Pag ipapasa, compile tapos pasa. Para sakin ito ang dahilan kung bt mahirap ang high school. Puro cooperate. As if lahat kami masipag. Yung iba, sinuswerte lang naman sa mga kagrupo. Kahit sabihin mong iba-iba grade namin sa isang grupo, ayoko pa rin. Pag di tumutulong dapat alisin. Sa college siguro iba na. Matanda ka na eh. Iiwas na rin ako sa mga taong immature. Ewan ko. Parang madali magbago kasi baguhan kayo lahat dun. Parang uulit ka lang. Pero mas mataas na. Ang hirap magbago ngayon eh. Ginagawa ko pero mahirap. May araw na naiiwasan ko ang katamaran pero hahabulin nila ako. Sana maiba na lahat next year. Ayoko na dito. Gusto ko lang naman talagang magbago eh.

Tuesday, 1 January 2013

NEW YEAR

HAPPY NEW YEAR! :D Wala lang. Ang tagal kong di nagpost, nakakatamad kasi eh. Eh eto lang magandang pagkakataon kasi wala naman ako ginagawa at walang pasok bukas. Petiks petiks din. Sana petiks din pag dating ng pasukan. Nakakatamad na pumasok, isang quarter nalang. Kaso may mga requirements pa sa 3rd quarter na kailangang isubmit. Nakakatamad na, sobra. Pag tapos na kasi, dapat wala ng itutuloy. Yun yung ayaw ko sa batas ng buhay. Kung mayroon mang batas ng buhay. Yung tipong fourth quarter na pero may hinihingi pa rin galing sa third. Eh tapos na nga eh, nakakatamad na please. Pero ngayong fourth quarter, eto lang tip ko. Gawin lahat ng kailangan gawin para tapos na lahat. Ang goal mo ay tapusin lahat, walang delay delay. Tsaka pag maaga ka matapos ayos na diba. Rule ko talaga yan dati pa eh, di ko lang nasusunod. Ang hirap maging bata. Di mo alam lahat. Tapos pinipilit kang gumawa ng ganto, ganyan. Eh bata ka pa naman eh. Nakakalungkot lang. Kaso ilang buwan nalang college na ko. Bata pa ba yun. Di na. Nakakainis sa bahay tinatanong ako ng nanay ko: "San ka magcocollege?" Ang hirap sagutin. Sakin naman, ayos lang kahit saan. Pero di talaga ayos ang kalalabasan. Ang gusto ko talaga, UST. Wala raw kaming pang-tuition. Ateneo naman gusto ko pero alanganin ang pagpasa ko dun. Lalo na sa UP. Ateneo at UP ang pinakamalapit samin kaya naman gusto ko dun. Pero as if naman papasa ako. Kaya pinipilit ko sa UST at Architecture naman ako dun, magaling naman ako sa Math at pagddrawing. Ang problema ko lang, sinasabihan ako ng kapatid kong mahal daw dun. Edi umiyak ako sa kaloob-looban ko kahit hindi talaga, pero nainis at nalungkot lang ako. Wala naman akong magagawa eh. Pumasa na rin ako sa UA&P pero di ako scholar, kung mag-aral na ako dun di na kami kakain. Ewan ko kung ba't nagsayang kami ng pera sa pag-eentrance exam eh, nakakayamot lang. Hassle lahat gumawa ng school works. Kaya nag-umpisa ang fourth year kong badtrip ako sa magulang ko eh. Ewan ko kung pano nawala. Yung tatay ko medyo nahulaan kung ba't gusto ng kapatid ko mag-exam sa iba't ibang school eh. Science school kasi siya, ts sa recognition, binabanggit kung saang school pumasa. Ewan ko lang. Baka awayin pa ko ng kapatid ko pag nakita niya to, pero di ko alam kung nagbabasa siya dito, bulok na rin naman tong blog na to eh. Ang blog ko kasi dapat may mga pictures kaso tinatamad ako kumuha ng pictures sa school last year kaya di na natuloy, naging mga storya nalang. Ngayong taon at sa fourth quarter, magsisipag na rin ako sa pagpipicture. Baka magamit ko balang araw. Tsaka may inspiration na rin ako eh, photographer siya, ka-age ko at nakakainspire yung mga pictures niya. Ayoko sabihin kung sino baka magmukha akong stalker eh. Hehe. Ayan naparami ang sulat ko kasi tuloy tuloy ako. Sana tuloy tuloy din ang sipag ko ngayong taon. At magsisimula yan sa pageedit ko ng blog ko ngayon din. Goodluck nalang sakin. :D Happy New Year ulit :D