Wednesday, 30 January 2013

Anong meron ngayon

May mga bagay sa mundong bigla nalang lilitaw sa harapan mo. Minsan may kwenta, minsan wala. Minsan may lilitaw na wala sa oras at minsan ay tama ang timing. Pero may mga bagay ding lilitaw sa harapan mo pero di naman para sayo.

Pero bakit ganun. Sa oras na to, walang lumilitaw sa harap ko. Di naman sa nag-eexpect ako ng multo o kung ano pang nilalang. Tila nakatigil ang mundo ko at wala akong magawa. Hindi ko alam kung mabagal ang takbo ng mundo ko o sadyang tumigil na ito. Di ko rin alam kung maganda ba ito o hindi.

Hindi ako natutuwa sa lagay ko ngayon. Hindi man lang ako pressured. Hindi ako pumepetiks dahil pakiramdam ko may kulang, kahit wala naman. At lalong hindi ako natutuwa sa mga tao sa paligid ko. Parang gusto kong maiba naman ang mga nakikita ko. Gusto ko na magbago. Pero para sakin, hindi maganda ang paghiling. Para sakin, pag may hiningi, may kapalit. Pag may bad luck, may good luck. Di ko alam kung bakit pero nakasanayan lang.

Ang gulo ng mundo. Hindi lahat ng bagay na plinano natin ay nangyayari. Magulo ang mundo dahil sa mga taong nasa paligid natin. Iba-iba tayo kung mag-isip. Tanggap ko na yan. Minsan kailangan ikaw na yung mag-adapt para makaalis ka agad dun sa problema. May mga tao kasing pagdating ng problema, bumabagal na sila. Sabi nga nila pag dumaan ka sa problema, daanan mo lang. Pag tumambay ka, wala ka talagang mararating.

Ilang linggo nalang talaga ay magtatapos na ako sa high school. Alanganin yung mga unibersidad na pinasahan ko. Yung dalawa, mahal yung tuition. Yung isa, wait-listed ako sa parehas na course. Hindi nakakatuwa kasi alanganin din naman score ko kahit average lang. Alanganin pa rin para sa akin. Hindi yon mataas para sakin dahil marami akong kaagaw dun sa course na yun. Tingin ko mapipilitan ako dun sa school na malayo na nga, mahal pa ang tuition.

Simula non, parang nahiya na ako dun sa score ko. Tsaka sa naranasan ko. Yung mga taong alam mong mas matalino ka pa, sila pa yung mas mataas yung score kesa sayo. Anong klaseng buhay naman yun. Hindi yan yung sitwasyon ko pero yan yung sitwasyon ng isang kaibigan ko. Pero naaawa talaga ako eh. Gusto mong makatulong pero wala kang magawa. At wala na talagang magagawa. Kahit naman hindi lang yun yung colleges sa buong Pilipinas, nakakalungkot pa rin na hindi mo nagawa ang akala mong magagawa mo. Umasa ka kasi may pag-asa pero wala, hindi natuloy. Yung simple mong pangarap gumuho na.

Sana sa lahat ng kamalasang ito ay may lumitaw na milagro sa harap ko/mo/nila. Sana nga masuklian ng tama ang mga pangit na nangyari sa buhay nila. At sana maging malinaw ang daan na aming tatahakin ilang buwan nalang ngayon.

No comments:

Post a Comment