Inaasahan kong makakalabas ako ngayong bakasyon. Magiging busy. Magiging maka-tao. Akala ko mabubuo na ang social life ko. Hindi pala. Mas lalo lang akong naging mag-isa. Wala akong legit na kaibigan. Puro ako. Walang iba ang buhay ko. Puro ako, nakakonekta sa mundo.
Hindi madali mag-isa. Kasi ikaw gagawa ng lahat. Maaaring naiiwasan mo ngang magkaproblema sa ibang tao pero mahirap talaga. Kailanman hindi ko sinabing masaya mag-isa. Umiiwas lang kasi talaga ako sa mga tao. Ayoko nung makikihati pa sila ng problema. Ayoko nung may binabahagi sila sa ibang tao. Mahirap magtiwala. Lalo na sa panahon ngayon.
Hindi pwedeng yung buhay mo inilalahad mo sa mundo. Nadali na ako diyan. Okay lang naman kasi minsan. Pero kung pinopost mo yan sa facebook mo okaya tinitweet mo palagi kung anong ginagawa mo, karamihan ng nakakakita niyan ay walang pakealam. At hindi ka rin naman artista na kailangang may biography sa internet. Wag kang paimportante.
Minsan naisip ko na yan. Gusto ko ikwento ang buhay ko. Pero wag na pala. Di ko na tinuloy. May mga post na nagbabahagi pero at meron din akong post tungkol sa high school life ko at hindi ko na tinuloy. Hindi naman siya worth it basahin. Kaya yung mga post ko, eto, mga opinyon at mga kamalian ko na pwedeng pagkuhanan ng aral. Narealize kong pag marami kang kapalpakan marami ka ring matututunan.
At balik tayo sa mga "natututunan". Sa buhay mo, normal lang magkamali. Pero di na katanggap tanggap yung paulit ulit na pagkakamali. Maaaring narinig mo na to pero seryoso, nakakainis kasi yung mga taong parang walang natututunan eh. Yung ilang beses na nilang nararanasan pero wala. Wala kasing pakealam.
Hindi ko alam kung bakit lahat ng post ko napupunta sa kayabangan ng isang tao. Siguro yun talaga yung kaaway ko. Ang galing no. Dahil sa wala akong kaibigan tuwing bakasyon kung anu-ano nagiging problema ko. Malapit na magpasukan, di ko nga alam kung kelan ako makikipagkaibigan sa mga kaklase ko eh. Bahala na.
No comments:
Post a Comment