Di ko alam kung natutuwa ako pag summer o nalulungkot. Masaya kasi di ako nag-aaral. Walang pressure. Chill chill lang. Pero sa sobrang walang magawa di na rin masyado nakakatuwa. Minsan nakatulala nalang ako. Nahihirapan matulog sa gabi. Di makalabas ng bahay dahil mainit, okaya walang pera. Buong araw akong sa bahay, walang kausap. Siguro kung nakipagpalit ako ng pwesto sa babaeng maarte di siya tatagal sa sitwasyon ko.
Malaking bagay para sakin ang pera sa panahon ngayon. Nagsimula din yon nung nagsimula na rin ang bakasyon. Konti lang naipon ko nung pasukan kasi magastos ako sa pamasahe pag galing sa school. Ginusto kong magstay muna kadalasan sa school kasi nga gagraduate na. Nung dumating yung bakasyon medyo nagipit na sa pera, lalo na't di na ko binabaunan. Isang beses pa lang ako nakabalik sa school para maglaro, isang beses din para kunin yung report card. Pero yun din yata yung mga naparami ang gastos ko nang hindi sinasadya. Boom. Gipit na gipit sa pera.
Ngayon, sa college naman. Dalawang beses pa lang ako nakapunta sa UST ngayong bakasyon. Isang beses wala akong gastos kasi kasama ko nanay ko, pero enrollment nun at sobrang sakit kasi may hawak akong perang napakalaki tapos ayun nga, pang tuition eh. Ang mahal kasi ng tuition namin, yung down payment samin, full payment na ng ibang college. Pero ganun talaga eh. Konsyensya ko nang hindi sayangin yung pera at nasa sakin na kung pagbubutihan ko mag-aral. (syempre oo)
Ewan ko, kung merong GC o Grade Conscious, ako naman conscious sa pera. Cheap talaga ako minsan. Wala akong pake. Minsan naman sobrang gastos ko. Kahit sweldo ng magulang ko alam ko yung date eh. Dapat alam mo rin yan 15,30. Minsan mga 13 o 28 na basta malapit dun sa date tsaka week na yun.
May pakealam talaga ako sa pera. Syempre yan ang dahilan kung bakit ako may internet ngayon. Yan ang dahilan kung bakit ako nagsasoundtrip ngayon at nagtatype ngayon. Ang pera ang nagbibigay ng kapangyarihan sa mga tao, lalo na sa panahon ngayon. Kaya nga nakakadismaya, mayroon ka lang malaking halaga ng pera pwede mo nang kontrolin ang mga tao. Pera nga minsan ang kahinaan ng tao. Lalo na sa panahon ngayon kasi yan ang simbolo ng kapangyarihan. Pag wala kang pera, patay ka.
No comments:
Post a Comment