Ako ay nasa kwarto ko ngayon. Nagbabasa ng comics sa internet. Madilim. Hindi naman sa takot ako sa dilim pero takot ako sa hindi ko alam. Wala talaga akong dahilan para magblog ngayon eh pero wala. Parang di nau-update yung blog ko. Tingin ko lang naman.
Ang post na ito ay walang kinalaman sa Mothers Day. Okaya sa eleksyon. Hindi ko pag-uusapan dito yung mga bagay na wala naman akong alam okaya natural na pangyayari na kaya hindi na kailangang pag-usapan.
Pero eto lang masasabi ko sa ngayon. Dahil malapit nang magsimula ang buhay ko sa college, nais ko lang balikan yung mga araw na nakaapekto sa kung anong mga school ang papasukan ko.
Malaking bagay sakin ang pag-aaral, nasabi ko na. Diyan na kasi nakasalalay kung anong future mo. Maliban nalang kung alam mong talentado ka hindi ka nahihiyang ipakita yung talent mo sa mundo. Instant na pagsikat yun. Sa totoo lang hanggang ngayon di ko alam talent ko. Kaya medyo alanganin ako sa buhay, lalo na rin nung di ko pa alam kung anong magiging school ko. Pag di ka rin sigurado sa kung anong kaya mong gawin, mag-aral ka nalang ng mabuti at pag-igihan mo yung mga entrance exam mo. Hindi yan biro.
At since mahalaga sakin ang pag-aaral, mahalaga saking makapasa kahit saan sa big 4. Dapat alam mo na yan, UP, ADMU, DLSU, UST. Dapat may sure ball kang papasahan diyan. Di ko sinasabing guguho na buhay mo pero mahihirapan ka na maghanap ng trabaho kung di ka diyan.
Hindi kasi porket may school ka na, eh sa paghahanap ng trabaho madali pag nakagraduate ka. Iba iba talaga ang school. At di rin porket natapos mo yung kurso mo makakahanap ka agad ng trabaho. Ganto kasi yan, nag entrance exam ka sa big 4. Wala kang pinasahan. Tapos nagkaroon ka ng school na hindi ganoon kasikat. Tapos pag graduate mo, may mga kalaban ka na sa paghahanap ng trabaho. Eh pano kung may kasabay kang grumaduate ng UP. Eh iisa lang ang makakapasok. Alangan namang ikaw pa unahin nila.
Hindi ako nananakot. Yan lang naman kasi yung totoo. Hindi rin ako nangmamaliit ng iba pang mga eskwelahan. Iba-iba kasi ang standards ng mga paaralan. Pwedeng yung dos mo sinko na sa iba. At para hindi ka matakot, magseryoso ka.
Saludo ako sa mga batang high school pa lang alam na nila kung anong pangarap nila. Yung mga may goal na sa buhay. Hindi kasi ako naging ganon. Naging "bahala na" ang buhay ko. Pero nasalba yan nung nagfourth year na ako. Iniisip ko na yung sarili ko bago sa mga kababawan ng iba. Gusto kong may marating sa buhay kaya pinilit kong umayos pa yung buhay ko. Pero inatake na ako ng katamaran nung may mga school na ako. DLSU at UST. Masaya ako. Pero di pa dun nagtatapos yon.
Ilang buwan nang nakalipas. Sa totoo lang gusto ko sa Ateneo kasi malapit. Pero wala, since hindi ko na-practice ang English ko eh wala. Seryoso kahit magaling ka pa sa math pero bano ka sa english wala. Kung filipino naman trip mo dapat yung swabe. Hindi npwede yung modernong tagalog.
At kahit di ako umaasa sa UP nangarap rin naman ako. Ang UPCAT kasi madali lang talaga yan. Kailangan sobrang maingat ka lang. Pero hindi sapat yung oras para hindi ka mag-ingat. Masaya sana sa UP. Mag-ingat ka lang sa mga tao sa paligid mo. Pero yung pag-aaral, mas iba.
Strikto naman sa UST. Sa course ko. Kung nabasa mo yung Divergent parang ganun yung pakiramdam. Di ka pa opisyal kahit nakapasa ka na. Ang first year namin mahigpit. May cut-off eh pag di ka umabot, factionless ka na. Pwede pa namang lumipat sa ibang college pero medyo alanganin na. Basta strikto kaya ayoko munang magyabang.
Sa DLSU naman di ko inexpect na papasa ako kasi yun yung pinakamahirap na exam na nakuha ko. Kahit yung sample question di ko alam yung sagot eh. Pero wala, di ko talaga alam. Basta alam mo lang yung basic ng english math at science eh siguro ayos na. Wag ka lang mabobobo pag nageexam ka na, kailangan lahat masagot mo.
Andami kong naiisip sa dilim. Naparami tuloy yung sulat ko, boring na basahin. Ayos lang, tingin ko naman walang nagbabasa. Basta nakakapressure ang paghahanap ng skwelahan, maghanda ka na. Maghanda ka na rin magsisi pag di ka pumasa sa gusto mo. Okay lang yan maraming nakaranas ng ganun.
No comments:
Post a Comment