Fourth year student ka na? Congrats! Malapit mo nang marating ang kalayaan. Malaki ang kaibahan ng kalayaan sa high school, kung saan na pinapalabas ka na ng guard sa campus pagtapos ng klase, at sa kolehiyo na kahit anong oras ka nang pwede lumabas sa campus. Pero depende yan kung nasaang unibersidad ka.
Kalayaan. Tama ang narinig mo! Malaya ka na. Pero hindi ibig sabihin noon ay gagawa ka na ng kabalastugan at katarantaduhan sa mga natitira mong taon ng pag-aaral. Kung sa high school ay ikaw yung alipin, sa kolehiyo hindi ka na alipin! May karapatan ka na sa buhay mo. Ang saya diba? Naeehersisyo ang karapatan mo bilang isang tao sa kolehiyo. Ikaw na bahala kung pano mo gusto mabuhay, kung gusto mong makapagtapos, magpasa ka ng mga kailangan at galingan mo sa klase at mag-aral nang mabuti okaya i-petiks mo na rin lahat, kalimutan na yung mga requirements at wag nang pumasok sa klase at maging tambay nalang sa labas.
Ganto kasi yan. Sa kolehiyo, hindi lahat ng gagawin sasabihin sayo. Di ka na grade 3. Ikaw na bahal dumiskarte kung pano mo gagawin yung pinagawa sayo, syempre hindi sapat yung may nagawa ka lang, dapat competitive ka pa rin, wag mo hayaang hanggang average nalang kaya mo, mahirap hirap yan kasi yang mga kaklase't kaibigan mo, magiging kaagaw mo yan sa paghahanap ng trabaho.
Isa pang mahirap sa college ay ang pag-aadjust. Magandang naeexercise mo yung kalayaan mo pero dapat matuto ka rin gumawa ng limitasyon. Yang limitasyong iyan ang magsasalba sa buhay mo. Totoong sa college, walang direksyon ang buhay mo. Ang maganda dun ay ikaw ang gagawa ng direksyon mo sa buhay at magsisimula yan sa mga maliliit mong desisyon araw araw.
Hindi ko intensyong manakot, nais ko lang magbahagi kung anong mangyayari sa mga unang araw mo sa kolehiyo. Wag kang mag-alala. Yung katabi mong hindi mo kilala, kinakabahan at natatakot din yan. Pero sinisigurado ko sayo, isang linggo lang lumipas, sobrang saya niyo na. Pero tandaan mong hindi lahat ng sobra ay maganda.
No comments:
Post a Comment