May kakilala akong FC. Kasi isang beses pa lang naman kami nagkikita. Tapos yon, fc siya. hehe. Pero hindi dun nagtatapos ang lahat. Nagsisisi akong in-accept ko siya sa facebook (pero naka-hide yung mga pinopost niya) at finollow niya ako sa twitter (malamang fa-followback ko baka umiyak eh(jk)). Nakaka-asar yung ugali niya. Di ko matandaan kung naging dahilan na siya ng mga blog post kong pang-immature eh, pero immature talaga siya.
Siya yung tipo ng taong tingin niya, pala-kaibigan siya. Pero sumosobra siya minsan eh. Nakikiride siya sa mga trip ng tao at feeling niya nagkakaintindihan sila. Pero hindi kasi dapat ganun. Wag mong pwersahin yung conversation. Hindi porket gusto ng iba gugustohin mo rin. Okaya pag naiiba yung opinyon mo isasaksak mo sa baga ng iba. Pakealam ba nila? Nirerespeto ka naman nila eh edi respetuhin mo rin sila. Umeepal pa sa buhay ng iba eh hindi naman kayo magka-lapit na magkaibigan.
Tanggap kong may mga taong hindi pa nagmamature pero ang sakit kasi tignan. Ibang iba yung ugali ng mga taong ineexpect mong aasta na tugma sa age nila. Akala ko naman pag magha-high school na ako eh mas madali na intindihin yung mga tao. Ayun, hindi pala. Ts pagtungtong ko sa college, akala ko eto na talaga yun. Sabay ganun din pala. Minsan mas malala pa. Pero ayos lang. Umpisa pa lang naman eh. Ang hindi kaya sumunod, maiiwan. Bahala na sila diyan. Paalam.
No comments:
Post a Comment