'First impression lasts' daw. Dahil ba dito kaya pag may nakikita tayong sumisikat, hinuhusgahan natin yung itsura niya? Kahit anong ugali, kung pangit yung mukha, pangit agad ugali niya? Okaya naman ay kapag banyaga ang bumangga sating mga Pilipino, huhusgahan agad yung race niya? Di bale na kung magaling, kung naiiba siya sating mga Pilipino eh kaaway na natin siya. Diyan lang naman tayo magaling eh. Gumagana lang pagiging agresibo natin pag may napapansin tayo sa iba.
Noong tumakbo si NB bilang isang senador, ayaw ng karamihan sa kanya. Dahil lamang sa kulay ng balat niya. Meron pa namang dahilan pero kung tumambay ka lang sa facebook at twitter at karamihan sa mga 'friends' mo o kaya sa mga fina-'follow' mo ay ang kabataan, ayan ang bukambibig. Maitim daw kasi.
Eto naman, noong lumaban ang basketball team ng Pilipinas sa mga karatig bansa natin, ang lakas na nating mang-asar. Ang galing no, di bale na kung may talent o wala eh, kung ano lang itsura niya yung agad ipapamukha sa kanya. Natalo lang tayo sinisisi na natin yung mukha niya.
Diyan naman tayo magaling eh. Nanghuhusga tayo depende sa nakikita natin. Napaka-babaw. Napaka-immature. At karamihan sa mga nasa facebook at twitter ay mga studyante pa lamang. Pero hindi yun dahilan para magkaroon sila ng karapatan mang-asar ng mga ayaw nilang tao. Pa-respect respect pa sila eh sila nga hindi marunong rumespeto. Akala mo kanila yung mga social networking sites eh.
San ba natin nakuha yang pag-iisip na yan? Napapansin ko lang, karamihan satin nang-aabuso na ng kalayaan eh. Tulad ngayong linggo, may bagyo lang, "Sana suspended" ang bukambibig. Ayun nasuspend. Ts kinabukasan ulit. Ayun napagbigyan nanaman. Ngayong araw, holiday. Ang sarap no. Pero hindi. May mga loko-loko kasing humihiling ng bagyo para lang sa ikabubuti nila eh. Hindi naman lahat ng mamamayan ng bansang to may natitirhan. Ang tataas kasi ng tingin sa sarili, hindi nila alam na mayroon pa palang nasa baba nila.
Sakit na nga ba to ng mga Pilipino? Siguro. Nakakasawa na nga tignan eh. Tatambay ka lang sa mga social networking sites, ang dami mo nang mapapansin. Maraming nagmamarunong, mali naman. Yung iba naman akala nila nakakatawa sila, hindi, nang-aasar lang. Kelan pa naging nakakatuwa ang pang-aasar sa likod ng computer. Buti kung harapan silang nang-aasar eh.
Mababago pa ba to? Pwede. Kung kumikilos lang yung mga taong alam ang katotohanan at nakikita yung tama, baka magbago pa. Kaso hindi naman posibleng magbago ng ilang araw lang yan eh. Isipin mo nalang. Yung mga 13-16 year olds na mahilig mang-asar na nasa facebook mo ngayon, tingin mo ba mababago nila yung bansa? Sila-sila rin naman yung mga taong naghahanap pa ng kakampi bago mang-asar. Pag marami na sila, tingin nila tama sila. Nakakaiyak kasi wala man lang silang sariling pananaw kung pano sila mabubuhay nang wala ang iba.
Pag-asa pa ba ng bayan ang kabataan? Eh kung matitino lang role models ng mga kabataan ngayon eh. Pero hindi, yung iba, dun lang sa mga musika. Mga magagaling kumanta at may itsura at dugong banyaga, dun sila. Pano magbabago yung bansa natin ng mga kabataang hindi mahal yung sarili nilang bayan? Eh pano mo nga ba mapapakitang mahal mo ang sarili mong bayan?
Ako? Representasyon lang ako ng mga mahihiyaing Pilipino. Maraming opinyon pero wala lakas ng loob magsalita at kumilos. Hindi ako ganoong tao. Alam ko naman eh. Kilala ko ang sarili ko. Pero hindi pa ngayon ang panahon. Sino bang makikinig sakin, bata lang naman ako. Karamihan pa naman sa mga tao ngayon di marunong makinig. Iba lang paraan ko ng pagkilos. Sapat na yan, wag mo muna akong husgahan.
No comments:
Post a Comment