Monday, 26 August 2013

Walang Kwenta

Ngayon ko lang nalaman kung ano pang pinaka-ayaw ko bukod sa mga mayayabang. Group works/projects.

Nakakapikon. Hindi naman kasi lahat kikilos eh. Yung iba puro umaasa lang sa isa. Walang kwentang mga kagrupo yan oh. "Bayaran nalang kita" Ulul. Sayo na yang pera mo. Pasuntok nalang. Pero seryoso, ang sarap manapak nung mga taong umaasa nalang palagi. Nakaka-barda lang kasi alam mong college ka na. College na kayo lahat. Ts pepetiks petiks ka pa rin. Edi dapat di ka nalang nag-enroll. Sayang slot. Pahirapan diyan ts magsasayang ka lang. Nakakahiya ka.

Wala naman talaga kong pakealam kung ikaw yung chill chill lang sa grupo. Nangengealam lang ako pag ako nadadamay. Eh ayoko ng ganun eh. Wag ka nang magpahamak ng iba. Hindi ka boss, hindi ka reyna, hindi ka hari dito. Kung ganyan ka sa bahay mo, pinapaalala ko lang na wala ka sa bahay mo. Maging responsable ka naman.

Ayang 'responsable'ng yan, konting bata lang may alam. Malas mo nalang pag nasama ka sa grupong walang alam niyan. Pabigat yan eh. Kung sarili lang iniintindi niya edi hayaan niyo na siya. Pero kung ikaw yung taong yun, wag ka nang sumunod. Pabigat ka eh. Siguro kailangan mo na ng salamin para malaman mong ikaw yan. O magpasampal ka nalang sa mukha. Matuto kang makiramdam.

Marami akong hinahanap sa tao. Mapili akong kaibigan. Nakakausap ko rin naman kahit sino pero iba yung kaibigan. May kwenta sila. Mapili ako kasi may kakayanan akong kontrolin kung sinong mga taong nasa buhay ko. Maliban nalang syempre yung given na(kaklase). Kung di ka marunong makisama, iiwan kita. Matulungin ako pero kung di mo kaya tulungan sarili mo, ayoko na mag-aksaya ng panahon sayo. Maaaring di ko lang makita ang silbi mo o pinili mo na talagang maging walang kwenta.

No comments:

Post a Comment