Walang araw na di ka mababadtrip. Sabi yan saking ng classmate ko dati. Totoo yan. Kung badtrip ka sa umaga, good vibes sa hapon. Tapos vice versa. Ganyan ang takbo ng buhay. Puro kamalasan. Pero nangyayari lang naman yan kasi di tayo marunong tumingin sa mga magagandang nangyayari sa atin. Lagi nalang nating iniisip ang mga mali natin. Ang mga bagay na di natin nagagawa. Ganyan kasi ang tao. Laging nawawalan ng loob kasi may konting hindi tama. Naghahanap tayo ng perpekto. Akala natin posible yon. Pero wala naman talagang perpekto. Di naman kailangan niyan sa buhay eh. Maaaring magandang bagay ang pagiging perpekto pero aanhin mo yun? Di naman tayo nabuhay para maging perpekto ah. Magpasalamat ka nalang na nabuhay ka kasi may nangyayari sayo. Ikumpara mo nalang ang sarili mo sa bato. Ang bato, hindi nakakagalaw. Walang silbi. Pero nandito siya sa mundo. Wala din namang siyang magagawa kung gusto na niya mamatay, kung may buhay at isip man siya. Eh nandito siya eh. Mas malungkot siya kung wala siya dito. Dapat ganun din ang tao. Dapat matuto tayo makuntento. Wag na tayong maghanap ng wala. Hindi naman uunlad ang bansa pag nakakita ka ng perpektong bagay ah. Sa pagkabadtrip kasi natin, nagagalit tayo sa mundo. Naiiyak tayo kasi pakiramdam natin, tinatakwil tayo ng mundo. Ang taong ganyan mag-isip, mahina. Mahina ang loob. Natatakot kasi. Ang ugali naman ng isang tao, nadedevelop dahil sa mga tao sa paligid natin. Nakikigaya tayo kung pano mag-isip yung iba. Yan ang pinaka-maling bagay na nag-exist sa mundo. Pag nangyari kasi yan, nakukulong tayo sa pag-iisip ng iba. Natututo nalang tayo maki-gaya. Nawawalan tayo ng tiwala sa sarili natin kasi naiisip nating mas maganda yung naiisip ng iba. Walang sasay ang buhay mo kung ganyan ang takbo ng buhay mo. Parang clone ka nalang. Kawawa ka naman. Di mo na nakita ang buhay sa mo sa mata mo.
"Badtrip" "Malas". Mga salitang nagpapahiwatig ng ka-imperpekto-han ng buhay. Kahit normal lang yan sa mundo, hindi natin matanggap. Kasi iniisip natin lagi na may tutulong satin. Umaasa tayo. Mahirap naman talagang tanggapin eh. Pero kahit mahirap, ba't di mo subukan? Ang mga tao sa paligid natin ang nagiging dahilan ng pagiging mahina natin, kasi umaasa tayo sa kanila. May mga tao kasing di kaya manirahan nang mag-isa. Okay lang yon. Ganun naman halos lahat eh. Pero may mga tao ding kaya mag-isa. Kabilang ako sa mga taong ganun. Kung tutuusin, kaya ko. Siguro nga kaya mo din eh. Kaso ang mga bata kasi ngayon, puro relationship inaatupag kaya ayun, nasanay nang may kasama lagi. Pero pag nasanay tayo maging independent, mababawasan na ang iniisip natin sa ibang tao. Di mo na kailangan humingi ng tulong nila. Eh may mga tao talagang inutil. Konting problema, hingi agad ng tulong. Napaka-hina ng loob. Ang pangit ng ugali.
Problema ko ngayon ang nanay ko. Di ko gusto ugali niya. Kahit sabihin mong nagmamahal siya, (Lahat ng tao nagmamahal, parang presyo) may ugali siyang di kanais nais. Lagi siyang galit sa bahay. Pag nasa labas kasi siya, pinapakita niya sa mundong ayos lang siya. Siya yung mga taong di marunong humarap ng problema. Sa mga nakilala kong babae, pare-parehas silang ganun at siguro ay 2 lang yata ang kilala kong babaeng di ganon.. O 1 lang na babae. Ewan, konti lang ang kilala kong babae kasi nga di ko gusto ugali nila. Naiinis ako sa taong mahina. Mahina ang loob at mahina ang utak. Di ka pinanganak para maging ganyan, boi. May ugali din siyang mahilig siya magpanic. Mga nanay talaga. Ewan ko kung ganun yung iba, pero sa mga kaklase ko nung grade 6, wala akong nakilalang kagaya ng nanay ko. Lupit neto. Nakakainis din yung bigla siyang bubulong ng "Hayy buhayy" okaya "Hay jusko ang hirap" Sinabi ko na nga na hindi ko gusto ang weak. Ang hina ng loob. Kaya naman di ko talaga gusto ang mga babaeng pababae. Ang babae pa naman ang madalas mang gaya kung ano nakikita nila sa mga blog na walang saysay. Ang hirap intindihin ng babae. Tapos lagi silang nagpapahula. Ang daming gusto. Ang lalaki, sweet yan sa una pero mapapagod din yan ang magsasawa. Di pwedeng laging ikaw iniisip kasi dapat may balance ang relationship. Di pwedeng laging babae ang kawawa kasi babae. BS yun. Pero, balibaliktarin mo man ang mundo, wala akong nagawa kundi tanggapin sila. Di naman sila ang magiging dahilan sa pag-unlad ng bansa. I mean, yung ugali nilang pagiging... babae? Ewan. Basta. Bahala na. Tsaka di din naman ako naghahanap ng ka-relasyon kasi pasakit ang mga babae. Basta bahala na si batman. Okaya si Spiderman, mas astig yun eh.
No comments:
Post a Comment