Sunday, 22 July 2012

ASDFGHJKL

Tingin ko di na ko marunong magblog. Ewan ko. Siguro laging wala sa panahon ako nagbblog kaya pangit na. Siguro kailangan may dinadamdam ako para makapagsulat. Kainis. Kung legal lang uminom eh. Di naman lahat ng tao, gumagana ng normal. May sikreto lahat ng bagay. Sana kasi madali nalang ang buhay. Masyado yata akong malungkot ngayon eh. Ewan ko. Okaya sadyang tinatamad. Inaantok na rin naman ako. Nakakastress kasi eh. Masyado akong nappressure kahit na chillax naman talaga ako. Parang wala akong kwenta. Parang yung mga barya sa wallet mo. Pero pag nawala sila, tsaka mo lang malalaman kung gaano sila kahalaga. Lahat naman ng tao ganyan eh. Except sa harap ng kaibigan mo. Di naman tatagal ang pakikipagsalamuha mo sa mga kaibigan mo kung di niyo pinapahalagahan ang isa't isa eh. Ewan ko. Aba, mukhang mas may sense pa tong post na to kesa dun sa naunang dalawa. Aba ang galing naman. Siguro kasi dinadamdam ko ang sinasabi ko dito. Parang nakalimutan ko na kung pano magblog eh. Kumbaga sa bisikleta, back to basics ako. Sumesemplang ulit. Pero sa totoong buhay ay di ako marunong magbike. Parang buhay ko. Di ko alam kung pano ako uunlad pero go lang, bahala na si batman.

No comments:

Post a Comment