Thursday, 12 July 2012

Estudyante Blues EP 14

Ayos tong araw na to. Ganto lang pala mabuhay. Kailangan ay nagpapakahirap ka para lang sumaya. Walang shortcut sa kasiyahan. Kung di ka marunong maghirap, dadating ang panahon na di mo kakayaning tanggapin ang kahirapang nararanasan mo.

Sa mundo, kahit na masaya ka na, may mga tao pa ring masama, pati ang mga mayayabang. May mga taong porket magaling sila sa isang bagay, akala nila sila na ang boss sa larangang iyon. Ayoko sa mga taong makasarili. Yung tipo ng tao na hindi man lang marunong ialay ang buhay nila sa iba. Mataas pa ang tingin sa sarili.Nakakaiyak. Puro sarili lang nila ang masusunod. Ang mga taong ganto ay kadalasang mayaman. Di ko alam kung bakit pero, pag may yaman, may yabang. Wala pang lima ang mga kakilala kong mapagkumbaba, pero mayaman. Nakakainis. Napakalaking salot sa mundo ng mga taong hindi marunong magpakumbaba. Akala mo, batas eh. Ang masakit sa lahat, pag matalino yung tao, wala ka. Kunsyensya nalang nila ang papatay sa kanila. Kaso ang mga taong ganyan, hindi marunong makinig sa kunsyensya. Mga tao nga sa paligid nila, di nila pinapakinggan eh, kunsyensya pa kaya? Nakakaabnormal.

Ang mga taong ganon ay malapit na sa perpekto. Pero kung pagbabasehan ang ugali ay patay sila. Negative sila pero naka absolute value, medyo delikado yun. Sila yung mga may magagandang resulta sa mga ginagawa pero ang ugali nila ay malapit na sa demonyo.

Alam niyo ba na ang demonyo, hindi yan nagpapakita nang pangit. Bakit siya mananakot? Eh pano siya magkakaroon ng impluwensya sa iba kung nakakatakot siya? Hindi dapat siya nananakot, para may magtiwala sa kanya. Tapos pag nakuha na niya ang tiwala mo, sisirain ka niya. Ang demonyo ay nasa tao. Ang tao ay demonyo. Di ko sinasabing totoo to pero mga representasyon lang ito. Ang taong masama ay yung mga taong maganda sa labas, pero ang totoo nilang ugali ay lalabas din pag nag-tagal. Di ka dapat nagtitiwala sa mga taong di mo pa nakikita magalit. Ang taong mabait, hindi yan palaging galit. Nakakatakot magalit ang mga taong mabait. Di kasi sila sanay. Iba sa pakiramdam ang pagiging masama kung nasanay ka nang maging mabuti. Yan din ang hirap nang pagiging mabuti. May mga taong nangangahas sayo kasi sarili lang nila iniisip nila. Nakakadismaya ang mga tao ngayon. Ang yayabang. Nakakadismaya talaga.

Kung ako sayo, magbago ka na. Di pa huli ang lahat para magbago. Tatanggapin ka naman eh. Tsaka di mo naman kailangan makinig sa iba para ka lang mabuhay. Bakit mo ba hinahayaang ibang tao pa ang magdesisyon para sayo, eh buhay mo yan eh. Nakakadismaya ka. Natuto na ko diyan. Pero may mga tao talagang matigas ang ulo at umaasa pa rin sa mga sagot ng iba. Bakit mo bubuksan ang buhay mo sa taong di mo pa lubos na kilala. Mag-iingat ka. Ganyan ang buhay. Di ko namang sinasabing magmadali ka. Sinasabi ko lang na darating ang mga ganitong sitwasyon sa buhay mo at kailangan mo lang maging handa. Sinasabi ko lang to kasi naranasan ko na ito. Bata pa naman ako eh. Sinasabi ko lang talaga na maging handa ka sa paghuhusga ng iba. Maging matatag ka, mabubuhay ka. Magkaroon ka lang ng tiwala sa sarili mo, mabubuhay ka. Pero ang pagiging ma-pride ay hindi ipinagmamayabang. Di mo kailangan ipag-sigawan sa mundo kung ano ang ginawa mo, kasi di naman kailangan. Aanhin ba nila yon? Hayaan mo na ang mga taong gusto kang makilala na kilalanin ka. Mag-iingat ka lang talaga palagi. Ganyan kasi dito sa earth.

----------------------------------------------------------------------------------------------

Dahil walang internet at hindi ko pa ito ma-post, dudugtungan ko.

Ngayong gabi, napansin kong napaka-sarado pala ng buhay ko sa pamilya ko. Ayos lang ito sa akin. Parang hangin lang ako sa bahay. Hindi ako sanay maging mayabang. Nag-apply ako bilang photographer, writer at cartoonist sa magasin ng school namin. Wala pang nakakaalam nito except dun sa classmate ko dati na pinilit ako sumali. Siya palang at ilan kong mga kaibigan ang nakakaalam. Di ko alam kung bakit mas komportable ako sa harap nila kaysa sa magulang ko. Ang pangarap ko sa buhay ay pagtanda ko, babalikan ko sila at pasasalamatan. Pero dahil nga mahiyain ako, di nila yon alam. Nagkasakit ang lola ko noon, ang nanay ko, di ko maintindihan ugali. Hindi naman sa galit pero yamot siya samin at sinabi niya pang siguro pag siya naman daw yung magkasakit, wala kaming pakealam. Di ko na maalala kung ba't niya sinabi yon. Naka sakit lang sakin yon dahil tila binasag niya yung pangarap kong walang nakakaalam, except sa bumabasa nito.

Yun lang talaga eh. Yung pangako kong pasasalamatan sila, binasag pa. Ang sakit isipin eh. Nakakabaliw. Tila sinasabing sana di nalang ako nabuhay sa mundo eh. Hindi niya lang kasi alam.

May mga tao kasing di alam kung sino sisisihin pag may problema eh. Kaya nag-uumpisa silang magturo ng kung sinu-sino para sisihin. Sila yung tipo ng mga taong di alam humawak ng alanganin na sitwasyon. Di ako nagpapaapekto sa mga taong mabilis mataranta. Pero may mga tao din talagang kung makadamay, wagas. Ang alam kasi nila, wala naman talaga silang mali, kaya pinipili nalang nilang sisihin ang mga tao sa paligid nila. Kung ganyan ka, pwes, sasabihin ko na sa'yo; NAKAKATANGA. Di mo kailangan manisi ng iba kasi may maliit na pagkakamali. Natural lang ang pagkakamali sa buhay kasi hindi perpekto ang buhay. Hindi pwedeng ikaw lagi magaling porket magaling ka na. Give chance to others nga naman. Sa mundo, hindi laging ikaw ang bida. Sa buhay mo, oo pero sa mundo, isang malaking hindi. Ang buhay ng tao ay isa lamang kwento. Hindi ka pwedeng maki-bida sa buhay ng iba, kasi may buhay ka naman. At kung ikaw naman yung taong tipong mahina ang loob at laging may gumagawa ng desisyon sa buhay mo, tigilan mo na. Tama na. Ang buhay mo ay buhay mo. Ang bait nga ng Diyos kasi binigyan ka Niya ng buhay eh. May mga tao ngang pagkapanganak ay kulang kulang. At kung isa ka din sa mga taong mahina ang loob kasi minamaliit ka ng iba, pwes sasabihin ko sayong HINDI MO KAILANGAN MAGING MATALINO PARA UMUNLAD. Sa buhay, di porket bobo, wala nang pag-asa. Ang Diyos, binigyan niya tayo ng kakayahan/talento. Sa totoo lang, yan ang pinaka-naaappreciate kong bigay ng Diyos. Di kasi ako ganoon katalino. Pero nung na-realize ko yan, nagbago pananaw ko. Naging malakas ang loob ko. Kasi kung di ko nalaman kung ano ang talento ko, di mo sana binabasa tong blog na to. Siguro matagal na kong sumuko sa buhay. Siguro isang post lang nagawa ko dito. Siguro, petiks petiks ako ngayon sa school. Pero iba na talaga ang pakiramdam ko sa sarili ko ngayon. Ang laki ng pagbabago.

Isa pang problema sa mundo ang pagbabago. Minsan, ikaw lang ang nakakakita niyan. Minsan din, ibang tao pa. Pero kung ibang tao pa ang nakapansin sa pagbabago mo, sila yung mga tunay mong kaibigan. Para sa mga kabataan, di ako naniniwalang mas mahal ka pa ng syota mo kesa sa mga kaibigan mo. Lalo na kung yung syota mo eh iilang buwan mo pa lang nakikilala. Ang kaibigan, hindi sila yung mga kailangan pa ng label na bf/gf kasi hindi mo naman sila magiging kaibigan kung di ka niyan mahal eh. Ang pagmamahal, nararamdaman yan kapag tingin natin o nararamdaman nating tanggap tayo ng iba. Wala akong tiwala sa mga mag-syota sa panahon ngayon, lalo na kung wala pa silang 20 years old, nak ng tupa naman, di kapanipaniwala. Ang kaibigan ang pinakamagandang lugar kung saan pwede ka makipag matagalan sa babae/lalaki mong kaibigan. Ganto kasi yan, pagka kaibigan lang, hindi ka matatakot na mawalan ng label na bf/gf kasi wala namang 'kayo'. Kahit simpleng away yan, di ka masasaktan kasi kaibigan lang naman kayo eh, eh kung syinota mo yan, edi away bati naman kayo, parang tanga lang. Edi sana kung kaibigan mo lang siya, ayos lang ang lahat. May mga tao kasing desperado pagdating sa mga ganyang bagay. Gusto nila, may pinopossess silang tao, na akala mo naman pag dating ng araw eh mapapangasawa niya yan. Nagmamadali kasi eh. Eh kung madaliin din kaya ang buhay niyo at bukas eh malagutan ka na ng hininga, payag ka? Mamadali ka pa ah.

Naniniwala lang naman akong sa buhay natin, may mga taong dadating at mawawala. Proseso yan. Di ko maexplain kung bakit o paano pero yan lang ang opinyon ko. Kunwari, may nakilala ka noong grade 1 ka. Pag grade 2 ka na, maaaring di mo na siya classmate, so move on. Tapos may darating. Ang tao, hindi yan mabubuhay pag walang karamay. Ganyan ang proseso, may mawawala, may dadating may mawawala. Hanggang sa maghahanap ka na ng pag-ibig. Di ko sinasabing syota, tulad ng inaakala ng mga kabataan sa high school. ang pag-ibig, mararamdaman natin sa taong hindi natin kakayaning mawala. At sila din yung taong willing ibahagi ang natitirang buhay nila kasama ka. Sa konseptong yan, dapat match kayo. Dapat parehas kayong oo. Kung may doubt isa man sa inyo, ekis. Mag-isip isip ka muna. Ang buhay kasi, hindi naman talaga dapat minamadali. Ewan ko, pero ang mundo ngayon, ang bilis talaga ng lahat eh. Kaya rin siguro bumibilis ang lifespan ng tao. Atat na atat tayong marating ang dulo, hindi na natin nakikita ang mga nasa paligid natin. Kung ako sayo, chill lang. Kalma. Slowly but surely dapat. Para easy going at chillax. Pag ganyan, natututo tayong maghanap ng kasiyahan sa mga simpleng bagay ng buhay.

No comments:

Post a Comment