Minsan pag may problema tayo, nag-iiba ang paraan natin ng pag-iisip. Yung tila dirediretso ka na sa buhay ta's bigla kang napa-u turn. Parang nakakabaliw. Yung may plano ka na pero biglang nagiba, nawasak. Ngayon, ang una nating ginagawa ay ang magpanic. Di na kita masisisi kung ganyan ka. Ang problema naman ay laging biglaan. Hindi na ito pinaghahandaan. Pag may problema na, tsaka lang tayo kikilos. Pero may mga problemang kaya naman paghandaan. Pero kahit alam na nating andyan na siya ay di pa rin tayo kumikilos. Parang math. Alam na natin na may quiz pero di tayo naghahanda. Pero may punto din naman yun eh. Di naman natin alam kung ano ang mga eksaktong bagay na lalabas sa quiz. Ang mahalaga lang ay alam natin ang gagawin. Pero may mga taong di alam ang gagawin pag dumating na ang problema. Di sila handa. Siguro naman alam nilang hindi sila handa. Pero hinahangaan ko din ang mga taong masaya pa rin pag may problema. Pero syempre, may down side din ang mga taong ganto. Sila pa yung magaling mag-acting. Akala mo, masaya sila. Yun pala, nagkukunwari lang. Di ko alam kung nakakaawa yun o nakakatuwa. Ewan.
Para sa kin, ang pinaka-madaling paraan sa pag harap sa isang problema ay ang pagiging ikaw. "Be yourself". Tama. Di mo kailangan mag panggap na ibang tao ka para maging maganda ang tingin sayo ng iba. Ang problema, ikaw lang ang haharap. Kada tao ay may problema. Maaaring may tao nga sa paligid natin pero gabay lamang natin sila at sa kanila tayo natututo. Di din pwedeng laging nakasara ang utak natin. Maaaring di natin naeexperience kung ano ang buhay na meron sila, pero at least may natututunan tayo sa iba.
Ang buhay natin ay maaaring mahirap. Laging may problema. Pero dapat ay hindi tayo nagpapatumba sa mga simpleng problema. Di dapat tayo agad sumuko. Isang araw lang ay marami nang pwedeng mangyari, basta marunong tayong kumilos.
No comments:
Post a Comment