Linggo. Gabi. Hinihiling ng mga estudyante na walang pasok bukas. May bagyo eh. Tsaka ayaw lang talaga ng mundo sa Lunes. Tapso ilang linggo nalang, mag-uumpisa na ang entrance test sa isang University na maraming nangangarap. Nakakastress. Di ko alam kung uunahin kong ipasa ang first quarter ng huli kong taon sa high school o yung entrance test. Pero syempre, yung entrance exam pipiliin ko. Pero mababaliw na talaga ako eh. Di ko na kaya magdecide. Pakiramdam ko, pag di ako pumasa sa Big 4 Universities eh guguho na mundo ko. Hay buhay.
Mga kabataan ngayon. Sinisisi ang gobyerno dahil sa kahirapan. Ewan ko, pero ako, wala akong pakealam kung may ginagawa ang gobyerno o kung wala. Di na mahalaga yun. Para sakin, basta mayaman ka, prayoridad mong tumulong.
Ang mga bata ngayon, pag tinanong mo kung ano course, syempre sasabihin nila yung course na oag may trabaho, yayaman. Para sakin, hindi factor ang pera sa pagbagsak o pag-ahon ng bansa. Wala yan sa nakikita natin sa hinaharap. Ang lahat ng ginagawa natin ngayon, yan ang maghuhubog ng hinaharap natin. Kumbaga, mahalaga ang pagkilos. Di pwedeng puro salita nalang tayo. Kung gusto mo lumabas kung ano yung iniisip o pinaplano mo, dapat ay ginagawa mo.
Ang mga bata ngayon, gusto nila yumaman pag laki nila. Lahat naman eh. Pero ano nga ba mapapala ng bansa kung mayaman sila? Kung gusto mong makatulong sa bansa, bawas ang yaman mo. Di ko alam kung ano ang mangyayari satin sa hinaharap. Di ako ganun kagaling manghula. Pero malay mo. Kaso wag na. WAg mag-assume.
Hindi lahat ng tao, may pakealam sa bansa. Hindi lahat ng tao, gusto mabuhay. Hindi lahat ng tao, masaya sa buhay. Hindi lahat ng bagay madali. Hindi patas ang buhay. Hindi laging ikaw ang bida. Hindi laging ikaw ang malungkot at masaya. Hindi lahat ng tao mabait at hindi din lahat ay masama. Di lahat ng bagay sa mundo maganda. Hindi lahat ng tao, matino. Hindi lahat ng tao, marunong makuntento.
No comments:
Post a Comment