Thursday, 28 June 2012

Estudyante Blues EP 12

May mga taong ang tingin nila sa pagiging matalino ay isang mabuting bagay. Kaya naman para sa kanila, magmukha lang silang matalino, mabait na sila. Pero hindi talaga ganun ang takbo ng buhay. Bakit mapupunta ang ugali sa talino. Ang layo dre.

Nasabi ko na dati na ayoko sa mga taong puro salita. Lalo na yung mga estudyanteng dinadaan sa mga sinasabi para magmukhang matalino. Masyado kong dineretso pero bahala na. Di lang yan sa recitation pero pati na rin sa reporting. Kanina ko lang to napansin. Kaklase ko kasi sa elective yung isa sa pinaka-matalino sa batch namin. Pina-report kami, may powerpoint siya. Ang nasa slides niya ay ang mga eksaktong salita na nakita ko sa isang website, parehas kasi kami ng topic. Nayamot ako. Di lang kasi alam ng teacher. So isang sentence lang na di naman kahabaan, ineexplain niya sa wikang ingles at mabilis ang kanyang pananalita at habang nageexplain siya ay tumingin ako sa paligid. Karamihan ng mga estudyante nakiki pag-usap. Ang teacher naman, di ako sigurado pero sarcastic siyang nakangiti. Kung nagsasalita utak niya, sinabi na siguro nun na "Ang dami namang sinasabi nito, wala naman kaming pakealam". Ewan ko, pero yan kasi ang naiisip ko nung nakangiti siya. Naiinis na ako kasi ang tagal talaga magsalita. Napasulat tuloy ako ng:

"Nagsasalita ka nga  di naman namin maintindihan. As a public speaker, dapat iniisip mo audience mo, hindi ang sarili mo. Magaling ka nga, sarili mo lang iniisip mo, makakatulong ka ba sa pag-unlad ng bansa pag ganyan ka?"

--
Di ko din maintindihan kung bakit lakas-amats ako niyan eh. Naiilang lang talaga ako sa mga mayayabang at pasikat. Di naman kasi kailangang makita ng ibang tao yun eh. Ano ba maitutulong ng pagmamayabang mo sa buhay nila? Sana matuto ka magpakumbaba kahit minsan lang. Ang part na to ay di na para dun sa kaklase ko pero para sa mga taong mayabang. Masakit man ako magsalit pero di ibig sabihin non galit ako sayo kasi kahit ganyan ka, tanggap kita. Wala naman akong magagawa eh, pinanganak kang ganyan, kasalanan ko pa ba yun? Kaya, wag ka muna umiyak, smile ka muna, uso yun. :)

Wednesday, 20 June 2012

Estudyante Blues EP 11

May mga tao talagang madaldal. Yung tipong di na nag-iisip bago magsalita. Kinamumuhian ko ang mga taong ganyan. Nakaka-bobo eh. Pinapakita nilang tila wala silang pinag-aralan. Walang modo. Inutil. Tanga.

Di ko alam kung paano sila lumaking ganun. Yung mga taong hindi marunong makiramdam sa paligid nila. Yung puro sarili lang iniisip. Wala man lang pakealam sa bansa. Kasi di pa sila naaapektuhan. Ganun talaga pag estudyante, naka-asa pa sa magulang eh. Di pa sila nakakaranas ng tunay na paghihirap. At ang akala nila, ang simpleng pagiging iresponsable sa schoolworks ay nakakatuwa, pa-cool. Pasikat. Akala din nila, madaming ex, mukhang mature. Para sa kin, hindi. Mukhang tanga. Napaka immature ng mga high school ngayon, lalo na yung mga 3rd year at 4th year. Tingin ko talaga, di pa kami handa. Ang tingin naman ng mga matatanda samin, kaya na namin sumabak sa mahihirap na bagay. Karamihan pa naman samin, iresponsable. Iba talaga mga tao noon at ngayon. Ang laki ng pagkakaiba. Siguro mas maayos dati, kaysa ngayon. Di ko alam kung pano uunlad ang bansa sa ganitong palagay. Yung mga taong puro salita at wala namang ginagawa, paano kaya sila matatauhan at kelan nila matututunang kumilos. Di ko na alam.

Di ko sinasabing perpekto ako, sinasabi ko lang na ang mga sagot sa ating problema, nasa harap na natin. Dapat kumikilos tayo. Kaya di ako masyado sumusuporta sa gobyerno. Bakit? Alam mo yung tipong naghihirap ang bansa, maraming nagugutom, ang ginagawa naman nila, pinag-uusapan lang. Alam kong ganun ang gawain ng mga tao sa gobyerno, pero kung ang isang tao ay mapera, pwede namang tumulong nalang sila sa mahihirap. Yung tipong magpakain nalang. Oh edi mas simple diba. Di ko alam kung immature tong naiisip ko, pero bakit kasi tayo natatakot kumilos. Kung walang gumagalaw, tamad din lahat. Kaya di umuunlad bansa eh.

May mga tao talagang hindi sensitibo sa nagaganap sa kanilang mundong ginagalawan. Akala nila na mas malala ang problema nila kaysa sa problema ng bansa. Akala mo, siya ang pinaka-importanteng tao sa mundo na siya na ang solusyon sa problema ng global warming. Pa-import. Kung isa kang ganyan, makonsyensya ka na sana. Hindi kailangan ng mundo ng taong katulad mo. Kung estudyante ka, sana maisip mo na pinapaaral ka lang ng magulang mo at ang kailangan mo lang gawin ay magaral. Isipin mo din sila sa lahat ng bagay na gagawin mo. Isipin mo na pag ginawa mo ito, matutuwa ba ang magulang mo. Sa lahat ng bagay talaga, kailangan mag-isip muna.

Tuesday, 19 June 2012

Estudyante Blues EP 10

Naks, naka-sampu na! :D

Pero estudyante blues ang title, estudyante blues din ang laman.

Di ako nasisiyahan sa mga taong nasa paligid ko. Hindi naman sa malaki ang galit ko sa kanila pero di ako natutuwa sa mga kinikilos nila. Kung isa ka lang sa mga naliligaw sa internet at napadpad sa blog na to, nais kong malaman mo na 4th year pa lamang ako. Di ako masyado nag bibigay ng impormasyon pero siguro naman ay sapat na yan.

Ngayon, ako ay nag-aaral sa all-boys school. Inaamin kong may pagkamahirap pag sanay kang ganito ang paligid mo na puro lalaki. Ang lalaki, kadalasang tamad. Gusto nila, madali lahat ng gagawin. Gusto nila, sila masusunod. Ang lalaki, pag dating sa babae, tingin namin ay kaya namin kayong intindihin. Gusto naming mag mukha kaming gentleman para syempre, maganda impression samin. Kaya ang babae, di dapat ganun kabilis nahuhulog sa lalaki. Dapat talagang maghintay na makita mo na kung sino talaga ang lalaking para sayo. Di porket sweet yan, gusto ka na niyan. Dapat makita mo na rin kung pano mainis yung lalaki, para maging handa ka pag nainis mo bigla ang lalaki mo. Gusto lang ng mga lalaking mahulog ang loob mo para friends kayo, kasi malaking bagay ang pagkakaroon ng kaibigan sa opposite sex. Gusto ng mga lalaki na pinapansin sila ng mga babae, kase ganun ang first move namin para ipakitang interesado kami sa babae. Sa panahon ngayon, wala kang mahahanap na lalaki na kakausap agad ng babae, kasi ang lalaki, nahihiya din. Siguro sa probinsya meron pang mga ganon, yung sweet na maghaharana pa, pero dito sa Maynila, di na uso yun.

Ang lalaki naman, pag dating sa trabaho, ayun na nga. Tamad. Pero depende din yan eh. Sa edad ko, sadyang tamad kami. Hindi kami yung tipong magpapakahirap sa mga maliliit na gawain kasi di naman mahalaga yan eh. At basta yung bagay na yon, di kami naaapektuhan, wala na kaming pakealam. Halimbawa may kailangan gawin, pag walang babae, di kami masyado kikilos. Yung mga may kusang loob lang ang kikilos. Pero pag dumating ang mga babae, automatic sisipag lahat. Gusto lang talaga naming magmukhang mabait pag nandyan na ang mga chicks.

Ako naman, iba ako. Di ako nagpapasikat sa mga babae. Di ako nagpapapansin. Di ko din sila masyado pinapansin. Siguro na-trauma lang ako, ewan. Pero di ko hilig ang pagkakaibigan sa babae sa personal. Sa text, ayos lang. Sadyang mahiyain ako. Hindi ko sinasabing good boy ako pero ayoko lang talaga. Hindi ako kumportable sa kilos ng mga babae. Di ako kumportable sa kung pano sila magsalita, kumilos, at kung pano sila nakikipag-usap sa mga lalaki. Di ko alam kung normal ang pagiging FC nila pag lalaki yung kausap, pero ako, ayoko ng ganun. Maganda nga impresyon mo sakin pero mukha ka namang desperada. Di ko din gusto yung landian agad. Mas maayos para sa akin makipag kaibigan pag nagkataon lang na kailangan kong makipag-usap sa ibang babae. Oo, inaamin kong di ako magaling makipag kaibigan kaya siguro ako nagkaganito. Ewan ko ba.

Sa trabaho naman, ang babae, todo bigay. Bihira ang mga tamad. Bihira yung mga petiks petiks pero sa lalaki man o babae, meron din talagang sadyang bobo o mahina ang utak. Yan yung mga taong kadalasan, sa landian at pacute umuunlad. Di ko alam kung bakit ganon, pero kung may positive trait ang isang tao, magsasacrifice ito ng isa pa. Parang sa alchemy...

Ngayon, sa school ko, madaming tamad, mahihina utak at pa-cute. Sari-sari kami, kaya patas din tingin namin sa lahat. Parang mga normal na tao lang. Wala saming magaling kahit saan. Napaka normal naming tao. Pero dahil nung entrance exam review ay nilagay ako sa grupo ng mga mahihiwagang tao kaya nag-iba siguro ako. Ewan ko. Pero nag-iba talaga pananaw ko sa edukasyon. Di ko na alam kung mabuting bagay to o hindi. Pero dahil naiinis ako sa mga taong nasa paligid ko na mga immature, tamad at puro mga laro ang bukambibig, di muna ako nakikihalubilo sa kanila masyado. Sabi ko nga, di ako nagtatrabaho ng may kasama, dahil kung may gusto akong gawin na ang kalalabasan ay ang gusto ko, ako na mismo ang gagawa. Naniniwala akong sa ibang tao tayo nagkakaproblema. May mga taong handang tumulong pero bihira lang sila at hindi sila ganun kabilis makita. Nakakalungkot sa earth.

Friday, 15 June 2012

Estudyante Blues EP 9

Friday, pangatlong araw ng pagiging 4th year ko. Di ko alam kung baliw na ako o ewan. Di pa naman kami masyado naghihirap, pero ang sakit sa ulo ng mga naganap nitong mga nakaraang araw. Malapit na ko mabaliw. Di ko alam kung ano uunahin ko. Di ako masaya sa mga nangyayari ngayon. Ang pinaghuhugutan ko lang ng saya ay ang mga kaibigan ko, pero sila yung mga kaklase ko last year, pero di na ngayon. "Nakaka-stress."

Sa section ko ngayon, di ko alam kung magkakaroon ng pagsasama sama o unity tong section ko ngayon. 3 lang ang mga kaklase ko last year, bali apat kami. Nandun din ang mga naging kaklase ko nung first year at second year pero di na sila namamansin. Di ko alam kung ba't sila ganon. Di ko alam kung bakit nung first year kami, di na kailangan mamili ng kaibigan, basta makausap mo lang, pwede na, samantalang ngayon, kung sinu-sino ang mga magkakakilala, sila sila nalang din hanggang dulo. Masyado na yatang nagiging sarado ang isipin ng mga tao ngayon. O baka naman kasi sa umpisa pa lamang yan at tatlong araw pa lamang ang nakakalipas.

"Nakaka-stress" din ang mga subjects at teachers. Nakakainis yung parang inaasahan nila kami na makapasa ng UP, eh ang mga tinuturo lang naman samin, yung mga basic, at kung ikukumpara mo ang talino ng mga bata samin at sa mga bata ng Science High Schools, kamoteng kamote ang magiging itsura namin non. May mga batang matalino samin, na pwede mong itabi sa mga bata ng science highschools pero, wala pa sila sa sampu. Di ko alam kung paano nila natututunan yon sa lagay ng school namin. Di ko alam kung swerte sila dahil pinanganak silang matalino, o pinanganak talaga akong malas at di ko alam ang gusto ko.

"Nakaka-stress" ang ginagawa sa school. Pero yan ang di ako sigurado kung pano di nasstress ang iba at nagagawa pa rin nila magsaya. Siguro masyado nga akong nakatago sa mundo. Minsan naaawa na ako sa sarili ko. Di ko alam kung bakit nahahayaan kong nangyayari ang mga kamalasan sa sarili ko. Nakakabaliw lang.

Thursday, 14 June 2012

Studyante Blues EP 8

Ang "PBB Teens" ay ginagamit nang pang-describe sa mga kalandian ng kabataan ngayon. (Ang lakas ng impluwensya ng media no?) Kung ikaw ay isang "teen" kung maituturing, nakaka offend. Pero wala ka dapat sisihin. Yan ang nakikita ng mga tao sa telebisyon, at huhusgahan lang naman nila ang nakikita nila at ibabalita na sa telebisyon din. Balik tayo sa mga kabataan. Sa panahon ngayon, tila di ka tao kung wala kang facebook/twitter account. Yan ang uso eh. Diyan nila hinahayag kung ano nararamdaman nila. Tapos yung mga maaarte pa, may tumblr pa sila. Di ko maintindihan yung blogsite na yun kaya ito ang gamit ko. Dahil sa bilis ng panahon, kahit mga 3year olds ngayon may iPad at kung anu ano pang gadgets, kasi wala silang magagawa kasi ito ang uso ngayon. Kaya naman pabata din ng pabata ang mga may facebook account. Ang kabataan ay naaapektuhan kasi kailangan nila maki-ayon sa panahon. Kaya naman nakikigaya naman ang mga bata. Kaya naman sila nagiging malandi din sila.

Ang bata, natututo lang sila sa nakikita nila, at ginagaya lang nila ang mga nakakatanda sa kanila. Nakakaawa. Di ko alam kung bakit di ito naiisip ng mga tao ngayon, na nakakaapekto ang ginagawa nila ngayon para sa kinabukasan, di lang sa kinabukasan nila pero sa kinabukasan din ng susunod na henersayon. Di ako galit pero naaawa ako sa pinaggagawa ng mga bata ngayon. Di ako killjoy na galit sa "pbb teens" na pang-asar pero napapaisip nalang ako kung bakit ganon. Ang masakit para sa kin, wala akong magagawa para mag-iba ang tingin natin sa isa't isa na equal tayo.

Pag laki ko talaga, gusto ko makagawa ng pagbabago, kaso di ko talaga alam, at no choice ako kundi sumikat. Komplikado ito para sa akin. Nakakaawa ako.

Masyadong minadali ito dahil inaantok na ako at malolobat na ang laptop. Pag sinipag nalang ulit ako, sorry sa irregular na updates, kahit wala namang nagbabasa nito.

Estudyante Blues EP 7

Issue ko ngayon ang edukasyon sa panahon ngayon. Tingin ko, sobrang hirap. Kanina sa school, elective. Yung teacher ko sa elective, graduate ng UP Manila. Inoorient niya kami sa subject niya. Tinanong kung anong course kukunin namin. Di talaga ako dapat nandun kasi wala akong science course, pero nahiya ako at naki-ride nalang akong MedTech kukunin ko. May mga nagtatanong tungkol sa course nila, etc. Si teacher naman, sa UP lang ang binabanggit niya. Parang ineexpect niya kami na papasa kami lahat dun. Eh yung nakaraang batch nga, 200 ang kumuha sa school ko, 15 lang yata ang nakapasa. Ewan ko kung bakit ang lakas niya mag-encourage tapos pag konti lang pumasa samin, maaawa ako, seryoso.
Hindi ko sinisisi ang school namin pero, di ko alam kung sapat yung tinuturo nila samin. Hindi naman nila pwede ibahin yung curriculum kasi alanganin na sa panahon ngayon. Pero kung ako papapiliin, mas gugustuhin kong mag-aral sa school ko ngayon noong 90s. Iba pa ang curriculum nila noon, strikto. Mapipilitan kang magsipag. Eh siguro naman sa panahon noon, dapat lang na masipag ka. Inaamin kong karamihan sa mga bata ngayon ay tamad. Kasi ako din eh. Pero mas maayos na yung striktong ganun, kasi siguradong mataas ang level ng edukasyon mo nun, school ba naman namin eh. Pero sa panahon ngayon, parang bumaba ang level ng tinuturo ng school namin. Nagkatutor ako last year na grumaduate ng school ko ngayon, sabi niya, pangit na daw yung school namin ngayon. Sang-ayon ako sa kanya.

Di naman sa tinitira ko school ko pero, ang sinasabi ko lang, lahat ang ginagawa mo makakaapekto sa kinabukasan mo. Di ko din sinasabing matalino lang talaga ang umaasenso sa buhay, pero dapat bata ka pa lang, alam mo na kung san ka magaling. Nag-aaral ka lang para mag-improve kung san ka magaling, at kaya iba't-ibang subjects ang nasa school ay para matutunan mo rin yung mga simpleng bagay na kahit di ka masyado magaling. Sa college tayo binibigyan ng pagkakataon na tuluyang mag-improve dun sa bagay na gusto natin. Pero mas mahirap dito kasi ito ang daan para maging handa tayo sa pagtatrabaho. Madali lang naman diba? Mali. Kasi matagal? Pwede. Pero sa panahon ngayon, mahirap na kung di ka nagmamadali. Dati, nakakapaghintay pa ang mga tao, natitiis nilang maglakad para makapunta sa iba't ibang lugar, ngayon naman, uso na ang mga sasakyan, kaya naman sa umaga, pag magcocommute, okay lang na medyo late dahil mabilis naman ang commute, at diyan tayo nagkakamali kasi di lang naman ikaw magiging pasahero nun at meron ka ding mga kapitbahay. Napakahirap mabuhay, lalo na ngayon kasi nasanay na tayo sa mga bagay na nagpapabilis ng trabaho, ngunit nagdala naman satin ng katamaran.

Estudyante Blues EP 6

Pangalawang araw ng school kanina. Di ko alam kung masayang balita yon o hindi. Pero, ewan ko. Bukas na ang pasahan ng UPCAT form, at may mga estudyante pa ring matigas ang ulo at kanina lang din inasikaso yung form. Di ko alam kung bakit ganun sila mag-isip. Yung tipong di ayon sa edad nila yung utak nila. Tanggap kong immature ako minsan, tanggap ko rin naman sila, pero di ko alam kung bakit wala man lang silang kaalam alam sa nangyayare sa kasalukuyan. Di ko alam kung pano sila pinapalaki ng magulang nila, at mas magandang tanong ay bakit hinahayaan nalang sila ng magulang nila. Tila bumabagal ang pag-iisip ng mga tao sa mundo. Di ko na maintindihan.

Ang gulo ng mga tao. Di ko kaya ikumpara sa mga tao noon at mga tao ngayon dahil bata pa lamang ako. Pero, masasabi kong kakaiba ang pag tanda ng isang tao. Ang mga bata ngayon, yung mga kasabay ko, eh malalandi, agresibo, nagmamadali. Di ko alam pero wala na talaga akong maisip na pang-describe. Totoong agresibo sila, (ayoko idamay sarili ko kasi taga obserba at experimento lang ako), yung tipong di marunong maghintay. Kahit ako minsan, naiinip. Pero hindi pa minsan yun, halos wala pang kalahati. Willing ako maghintay sa kung ano mang dapat hintayin. Lalo na ngayong gipit sa panahon, dahil ang naiisip ko kasi eh bata pa ako masyado para mag college. Pag-aralin man ako ng kahit ilang taon pa, ayos lang sakin. Pakiramdam ko di ako handa sa mundo. Di ko alam kung naging ganto ko dahil ganto ako pinalaki, o pinili kong ganto lumaki. Siguro, parehas. Ewan. Sa pagiging malandi, kasama na dun ang pagiging agresibo. Kung di mo ko maintindihan, nagpasabog ang Diyos ng halimbawa niyan. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, tawid.

Bukas ang twitter ko, napakadali mag-obserba ng mga tao. Ang bilis malaman kung ano ugali nila. May mga nagsasabing bipolar sila, eh di nga nila alam kung ano yun, pero mood swing lang naman, nakikiuso lang sila kasi tunog-astig. Parang polar bear na ewan. Tingin ko, sinasabi lang nila yon, kasi sa ganitong edad, di mo talaga alam kung ano gusto mo. Aminado ako diyan, sa di alam ang gusto. Hirap na hirap ako kasi tila gusto ko lahat, pero pag nandun na ko, ayaw ko pala at tatamarin din ako, kung pag-aaral man yun, parang sayang.

Tingin ko, alam ko na kung bakit agresibo ang henerasyon ngayon. Siguro kasi kung iisipin mo, mahirap na mag-aral sa panahon ngayon. Ang mahal ng tuition. At mukhang di ka aasenso kung di ka talaga matalino, di tulad dati, maging masipag ka lang, kahit wala masyadong pinag-aralan, pwede mo na angkinin mga lupa ng ninuno mo. Tapos ngayon, marami nang tao, tapos naghahalo ang mga taong walang silbi, ay mali, di alam ang silbi sa mundo at mga taong pinanganak nang matalino at nangkakarne ng mga bobo. Yung mga auto-asenso kasi biniyayaan ng Diyos ng kasipagan mag-aral. Di ko sinisisi ang Diyos pero sana, sa pagsusulat ko ngayon, pag gising ko bukas ay sipagin na ako at matuwa sa pag-aaral.

Siguro tapusin ko na to. Next part na para dumami posts ko. =))

Thursday, 7 June 2012

Estudyante Blues EP 5

Malapit na ang pasahan ng form sa UP. Yan ang problema ng mga senior ngayon. Pero ang problema ko, ang school namin. Hindi ko alam kung ano ang balak nila sa amin. Sa June 15 ang pasahan at June 13 ang pasukan. Kaya kung isa ka sa mga walang alam sa school namin, patay ka. Pero nainis lang ako, dahil nagkaroon ng review samin, tapos kanina, may orientation sila kung pano sagutan yung form. Walang sinabi saming ganyan noong third year. Nalaman ko lang lahat ng tungkol sa college ngayong bakasyon. Siguro wala lang ako pakealam noon, pero hindi, kasi kahit yung mga kaklase kong matatalino, di rin alam yan. Kanina, pumunta ako sa school dahil papatapos ko na sana yung form 2. Pag punta ko naman dun, retreat ng mga teachers, kasama yung guidance counselor, assistant principal at lahat ng admin ng school. Di ko alam kung joke time tong araw na to. Nakakagago eh. Ts yung kapatid ko, OA. Atat. Di ko maintindihan kung ba't ganon ang mga babae, pero ang gulo talaga. Akala mo, nanay eh. Ts ang yabang. Pinapagalitan niya ako. Aba kung ako yung masusunod, edi natapos ko na tong lecheng form na to. Eh hindi eh, school dapat eh. Edi yung school pagalitan niya. HINDI LAHAT NG GUSTO NATIN NASUSUNOD KASI PANTAY PANTAY LANG LAHAT TAYO.

Gusto ko sanang isigaw to eh, kaso di ako magaling sa pagsasalita, ewan ko kung bakit, pinanganak akong ganto eh:

"Wag kang mayabang kase wala ka namang alam! Kung gusto mo makealam, sabihin mo nang maayos, hindi yung tila boss ka. Yan ang problema pag nasanay na pinupuri eh, akala mo boss na ng mundo."

Di ko alam kung bakit ako gumagawa ng quote na gusto ko sabihin, pero nasanay na ako. Gusto yan isigaw sa mukha ng mayayabang kasi mayabang sila. Basta, mahirap intindihin ang lagay ko, baka next time, maexplain ko na nang maayos.