Tuesday, 19 June 2012

Estudyante Blues EP 10

Naks, naka-sampu na! :D

Pero estudyante blues ang title, estudyante blues din ang laman.

Di ako nasisiyahan sa mga taong nasa paligid ko. Hindi naman sa malaki ang galit ko sa kanila pero di ako natutuwa sa mga kinikilos nila. Kung isa ka lang sa mga naliligaw sa internet at napadpad sa blog na to, nais kong malaman mo na 4th year pa lamang ako. Di ako masyado nag bibigay ng impormasyon pero siguro naman ay sapat na yan.

Ngayon, ako ay nag-aaral sa all-boys school. Inaamin kong may pagkamahirap pag sanay kang ganito ang paligid mo na puro lalaki. Ang lalaki, kadalasang tamad. Gusto nila, madali lahat ng gagawin. Gusto nila, sila masusunod. Ang lalaki, pag dating sa babae, tingin namin ay kaya namin kayong intindihin. Gusto naming mag mukha kaming gentleman para syempre, maganda impression samin. Kaya ang babae, di dapat ganun kabilis nahuhulog sa lalaki. Dapat talagang maghintay na makita mo na kung sino talaga ang lalaking para sayo. Di porket sweet yan, gusto ka na niyan. Dapat makita mo na rin kung pano mainis yung lalaki, para maging handa ka pag nainis mo bigla ang lalaki mo. Gusto lang ng mga lalaking mahulog ang loob mo para friends kayo, kasi malaking bagay ang pagkakaroon ng kaibigan sa opposite sex. Gusto ng mga lalaki na pinapansin sila ng mga babae, kase ganun ang first move namin para ipakitang interesado kami sa babae. Sa panahon ngayon, wala kang mahahanap na lalaki na kakausap agad ng babae, kasi ang lalaki, nahihiya din. Siguro sa probinsya meron pang mga ganon, yung sweet na maghaharana pa, pero dito sa Maynila, di na uso yun.

Ang lalaki naman, pag dating sa trabaho, ayun na nga. Tamad. Pero depende din yan eh. Sa edad ko, sadyang tamad kami. Hindi kami yung tipong magpapakahirap sa mga maliliit na gawain kasi di naman mahalaga yan eh. At basta yung bagay na yon, di kami naaapektuhan, wala na kaming pakealam. Halimbawa may kailangan gawin, pag walang babae, di kami masyado kikilos. Yung mga may kusang loob lang ang kikilos. Pero pag dumating ang mga babae, automatic sisipag lahat. Gusto lang talaga naming magmukhang mabait pag nandyan na ang mga chicks.

Ako naman, iba ako. Di ako nagpapasikat sa mga babae. Di ako nagpapapansin. Di ko din sila masyado pinapansin. Siguro na-trauma lang ako, ewan. Pero di ko hilig ang pagkakaibigan sa babae sa personal. Sa text, ayos lang. Sadyang mahiyain ako. Hindi ko sinasabing good boy ako pero ayoko lang talaga. Hindi ako kumportable sa kilos ng mga babae. Di ako kumportable sa kung pano sila magsalita, kumilos, at kung pano sila nakikipag-usap sa mga lalaki. Di ko alam kung normal ang pagiging FC nila pag lalaki yung kausap, pero ako, ayoko ng ganun. Maganda nga impresyon mo sakin pero mukha ka namang desperada. Di ko din gusto yung landian agad. Mas maayos para sa akin makipag kaibigan pag nagkataon lang na kailangan kong makipag-usap sa ibang babae. Oo, inaamin kong di ako magaling makipag kaibigan kaya siguro ako nagkaganito. Ewan ko ba.

Sa trabaho naman, ang babae, todo bigay. Bihira ang mga tamad. Bihira yung mga petiks petiks pero sa lalaki man o babae, meron din talagang sadyang bobo o mahina ang utak. Yan yung mga taong kadalasan, sa landian at pacute umuunlad. Di ko alam kung bakit ganon, pero kung may positive trait ang isang tao, magsasacrifice ito ng isa pa. Parang sa alchemy...

Ngayon, sa school ko, madaming tamad, mahihina utak at pa-cute. Sari-sari kami, kaya patas din tingin namin sa lahat. Parang mga normal na tao lang. Wala saming magaling kahit saan. Napaka normal naming tao. Pero dahil nung entrance exam review ay nilagay ako sa grupo ng mga mahihiwagang tao kaya nag-iba siguro ako. Ewan ko. Pero nag-iba talaga pananaw ko sa edukasyon. Di ko na alam kung mabuting bagay to o hindi. Pero dahil naiinis ako sa mga taong nasa paligid ko na mga immature, tamad at puro mga laro ang bukambibig, di muna ako nakikihalubilo sa kanila masyado. Sabi ko nga, di ako nagtatrabaho ng may kasama, dahil kung may gusto akong gawin na ang kalalabasan ay ang gusto ko, ako na mismo ang gagawa. Naniniwala akong sa ibang tao tayo nagkakaproblema. May mga taong handang tumulong pero bihira lang sila at hindi sila ganun kabilis makita. Nakakalungkot sa earth.

No comments:

Post a Comment