Malapit na ang pasahan ng form sa UP. Yan ang problema ng mga senior ngayon. Pero ang problema ko, ang school namin. Hindi ko alam kung ano ang balak nila sa amin. Sa June 15 ang pasahan at June 13 ang pasukan. Kaya kung isa ka sa mga walang alam sa school namin, patay ka. Pero nainis lang ako, dahil nagkaroon ng review samin, tapos kanina, may orientation sila kung pano sagutan yung form. Walang sinabi saming ganyan noong third year. Nalaman ko lang lahat ng tungkol sa college ngayong bakasyon. Siguro wala lang ako pakealam noon, pero hindi, kasi kahit yung mga kaklase kong matatalino, di rin alam yan. Kanina, pumunta ako sa school dahil papatapos ko na sana yung form 2. Pag punta ko naman dun, retreat ng mga teachers, kasama yung guidance counselor, assistant principal at lahat ng admin ng school. Di ko alam kung joke time tong araw na to. Nakakagago eh. Ts yung kapatid ko, OA. Atat. Di ko maintindihan kung ba't ganon ang mga babae, pero ang gulo talaga. Akala mo, nanay eh. Ts ang yabang. Pinapagalitan niya ako. Aba kung ako yung masusunod, edi natapos ko na tong lecheng form na to. Eh hindi eh, school dapat eh. Edi yung school pagalitan niya. HINDI LAHAT NG GUSTO NATIN NASUSUNOD KASI PANTAY PANTAY LANG LAHAT TAYO.
Gusto ko sanang isigaw to eh, kaso di ako magaling sa pagsasalita, ewan ko kung bakit, pinanganak akong ganto eh:
"Wag kang mayabang kase wala ka namang alam! Kung gusto mo makealam, sabihin mo nang maayos, hindi yung tila boss ka. Yan ang problema pag nasanay na pinupuri eh, akala mo boss na ng mundo."
Di ko alam kung bakit ako gumagawa ng quote na gusto ko sabihin, pero nasanay na ako. Gusto yan isigaw sa mukha ng mayayabang kasi mayabang sila. Basta, mahirap intindihin ang lagay ko, baka next time, maexplain ko na nang maayos.
No comments:
Post a Comment