Thursday, 14 June 2012

Studyante Blues EP 8

Ang "PBB Teens" ay ginagamit nang pang-describe sa mga kalandian ng kabataan ngayon. (Ang lakas ng impluwensya ng media no?) Kung ikaw ay isang "teen" kung maituturing, nakaka offend. Pero wala ka dapat sisihin. Yan ang nakikita ng mga tao sa telebisyon, at huhusgahan lang naman nila ang nakikita nila at ibabalita na sa telebisyon din. Balik tayo sa mga kabataan. Sa panahon ngayon, tila di ka tao kung wala kang facebook/twitter account. Yan ang uso eh. Diyan nila hinahayag kung ano nararamdaman nila. Tapos yung mga maaarte pa, may tumblr pa sila. Di ko maintindihan yung blogsite na yun kaya ito ang gamit ko. Dahil sa bilis ng panahon, kahit mga 3year olds ngayon may iPad at kung anu ano pang gadgets, kasi wala silang magagawa kasi ito ang uso ngayon. Kaya naman pabata din ng pabata ang mga may facebook account. Ang kabataan ay naaapektuhan kasi kailangan nila maki-ayon sa panahon. Kaya naman nakikigaya naman ang mga bata. Kaya naman sila nagiging malandi din sila.

Ang bata, natututo lang sila sa nakikita nila, at ginagaya lang nila ang mga nakakatanda sa kanila. Nakakaawa. Di ko alam kung bakit di ito naiisip ng mga tao ngayon, na nakakaapekto ang ginagawa nila ngayon para sa kinabukasan, di lang sa kinabukasan nila pero sa kinabukasan din ng susunod na henersayon. Di ako galit pero naaawa ako sa pinaggagawa ng mga bata ngayon. Di ako killjoy na galit sa "pbb teens" na pang-asar pero napapaisip nalang ako kung bakit ganon. Ang masakit para sa kin, wala akong magagawa para mag-iba ang tingin natin sa isa't isa na equal tayo.

Pag laki ko talaga, gusto ko makagawa ng pagbabago, kaso di ko talaga alam, at no choice ako kundi sumikat. Komplikado ito para sa akin. Nakakaawa ako.

Masyadong minadali ito dahil inaantok na ako at malolobat na ang laptop. Pag sinipag nalang ulit ako, sorry sa irregular na updates, kahit wala namang nagbabasa nito.

No comments:

Post a Comment