Thursday, 14 June 2012

Estudyante Blues EP 6

Pangalawang araw ng school kanina. Di ko alam kung masayang balita yon o hindi. Pero, ewan ko. Bukas na ang pasahan ng UPCAT form, at may mga estudyante pa ring matigas ang ulo at kanina lang din inasikaso yung form. Di ko alam kung bakit ganun sila mag-isip. Yung tipong di ayon sa edad nila yung utak nila. Tanggap kong immature ako minsan, tanggap ko rin naman sila, pero di ko alam kung bakit wala man lang silang kaalam alam sa nangyayare sa kasalukuyan. Di ko alam kung pano sila pinapalaki ng magulang nila, at mas magandang tanong ay bakit hinahayaan nalang sila ng magulang nila. Tila bumabagal ang pag-iisip ng mga tao sa mundo. Di ko na maintindihan.

Ang gulo ng mga tao. Di ko kaya ikumpara sa mga tao noon at mga tao ngayon dahil bata pa lamang ako. Pero, masasabi kong kakaiba ang pag tanda ng isang tao. Ang mga bata ngayon, yung mga kasabay ko, eh malalandi, agresibo, nagmamadali. Di ko alam pero wala na talaga akong maisip na pang-describe. Totoong agresibo sila, (ayoko idamay sarili ko kasi taga obserba at experimento lang ako), yung tipong di marunong maghintay. Kahit ako minsan, naiinip. Pero hindi pa minsan yun, halos wala pang kalahati. Willing ako maghintay sa kung ano mang dapat hintayin. Lalo na ngayong gipit sa panahon, dahil ang naiisip ko kasi eh bata pa ako masyado para mag college. Pag-aralin man ako ng kahit ilang taon pa, ayos lang sakin. Pakiramdam ko di ako handa sa mundo. Di ko alam kung naging ganto ko dahil ganto ako pinalaki, o pinili kong ganto lumaki. Siguro, parehas. Ewan. Sa pagiging malandi, kasama na dun ang pagiging agresibo. Kung di mo ko maintindihan, nagpasabog ang Diyos ng halimbawa niyan. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, tawid.

Bukas ang twitter ko, napakadali mag-obserba ng mga tao. Ang bilis malaman kung ano ugali nila. May mga nagsasabing bipolar sila, eh di nga nila alam kung ano yun, pero mood swing lang naman, nakikiuso lang sila kasi tunog-astig. Parang polar bear na ewan. Tingin ko, sinasabi lang nila yon, kasi sa ganitong edad, di mo talaga alam kung ano gusto mo. Aminado ako diyan, sa di alam ang gusto. Hirap na hirap ako kasi tila gusto ko lahat, pero pag nandun na ko, ayaw ko pala at tatamarin din ako, kung pag-aaral man yun, parang sayang.

Tingin ko, alam ko na kung bakit agresibo ang henerasyon ngayon. Siguro kasi kung iisipin mo, mahirap na mag-aral sa panahon ngayon. Ang mahal ng tuition. At mukhang di ka aasenso kung di ka talaga matalino, di tulad dati, maging masipag ka lang, kahit wala masyadong pinag-aralan, pwede mo na angkinin mga lupa ng ninuno mo. Tapos ngayon, marami nang tao, tapos naghahalo ang mga taong walang silbi, ay mali, di alam ang silbi sa mundo at mga taong pinanganak nang matalino at nangkakarne ng mga bobo. Yung mga auto-asenso kasi biniyayaan ng Diyos ng kasipagan mag-aral. Di ko sinisisi ang Diyos pero sana, sa pagsusulat ko ngayon, pag gising ko bukas ay sipagin na ako at matuwa sa pag-aaral.

Siguro tapusin ko na to. Next part na para dumami posts ko. =))

No comments:

Post a Comment