Monday, 14 May 2012

Estudyante Blues, EP 1

yiuuun. episode 1 daw oh, daming alam. di ko pa alam kung tungkol san to. siguro ilalaad(wow lalim) ko nalang siguro sa sitwasyon ko ngayon.

notes: tagalog na gamit ko, di tulad ng dati kong blog, pag english kasi mabagal ako magtype at mag isip.

okay. di lahat ng bata, nakakapag aral. merong nakakapunta sa eskwelahan pero wala ding pumapasok sa isipan. meron ding mga batang gusto matuto, kaso bangag ang teacher at di sila natuturuan ng maayos. ilan yan sa problema ng bansa ukol sa edukasyon. naranasan ko na yan at sigurado akong hindi lang ako nakaranas niyan. minsan dadating sa puntong mahirap pumasok ang isang bagay sa utak, pakipot pa kasi eh, no.

ngayon, alam nating ang high school, lalo na ang 3rd year at 4th year ang tulay patungo sa college. dito papasok ang napakatinding problema ng isang batang bobo at mangmang tulad ko. siguro mag pasalamat ka na at sasabihin ko to, at lalo kang magpasalamat kung mababasa mo ito at di ka pa high school o mag hahigh school ka pa lang.

eto na. ang tao, iba iba ang paraan kung pano sila matuto. dapat bata(as in bago mag aral at pumasok sa impyerno) pa lang ay inaalam na ng MAGULANG kung ano kaya mo, kung mabilis ka bang matuto, kung saan ka mahilig, kung anong mga bagay ang ayaw mo. dapat lahat ng iyan, alam nila. tandaan: MAGULANG lang ang dapat gumawa niyan, o kaya kahit sinong nakakatandang may matinoong pag iisip at di sugarol at.. at, wala na kong maisip. basta matinong nakatatanda.

ngayon, pag di nila alam kung pano gawin yon, ipinapakita na ng bata iyon. sabihin na nating kaya na nito magsalita. dapat magaling ka mag obserba. minsan, may mga batang magaling makatanda ng mga bagay bagay na sinasabi mo, kahit walang katuturan. nayari ako ng pinsan ko dahil diyan. mag ggrade 2 pa lang (yata) siya ngayon, last last week eh pumunta siya sa bahay namin, 3 araw siya dito, isang bagay na di ko pa nagagawa(yung overnight na walang magulang sa bahay ng pinsan). noong hapon, sabi niya magbasketball kame, maaraw nun at inaantok ako, di ako pumayag. sabi ko pag gising ko nalang. nakatulog ako ng 3 oras, pagbaba ko, sinabi niya, magbasketball na daw kame. eh yung magulang ko, di naman ako pinapalabas at sixpm na nun, wala ng araw. wag mo na intindihin storya ko at isipin mo nalang na matalino ang batang ganun. may mga magulang kasing kung anu ano trip kung pano magpalaki ng bata. basta yun na yon, matalino siya.

minsan din, ang bata, nagpapakita ng interes sa mga bagay bagay tulad ng pagkanta, pag sayaw. normal to sa bata. hindi pa siguradong talent yan. ngayon, pag laki nila, gusto pa rin nila kumanta o sumayaw, at ayaw na nilang bitiwan yun, talent na talaga nila yan. tinuruan ako last year ng tutor ko na galing din sa school na pinapasukan ko ngayon, tinuruan niya ako kung pano malaman yung talent mo. madali lang naman: pag pinakanta ka, tapos di ka na nahihiya, talent mo yun. yung as in wala nang angal angal na, ''eh nakakahiya'', kung may relasyon ka sa pagkanta, tapos mahihiya ka din kumanta, nako hiwalayan mo na yan.

eto mahalaga para sa magulang: WAG MO IKULONG ANG BATA NANG WALANG GINAGAWA. ganyan ako pinalaki kaya di ko alam talent ko, di ko alam gusto ko. seryoso. hindi ako lumaking lumalabas ng bahay para makipag laro, wala akong kaibigan sa kapit bahay. di din ako pinalaking ineenroll kung saan saan tulad ng basketball, dancing lessons, at mga kung anu anong lesson pa, kaya parang wala din akong kakayahan na pisikal. buti ngayon nahihilig ako sa basketball kaso DI AKO PINAPALABAS NG BAHAY KAHIT SA COURT. kung payagan man ako, mukha akong tangang walang kaibigan pag dating sa court samen. HIRAP DIN AKO MAKIPAG USAP. promise. di kasi ako lumalabas ng bahay at nagsisisigaw sa harap ng tindahan, bale daig pa ko ng mga prep na bumibili sa tindahan. hirap ako magsalita. kaya hirap din ako makipag kaibigan. kung titignan mo pa twitter ko, eh anim lang yata nakakausap ko, mga classmate at mga sa text ko lang nakakausap na babae, pero di sa personal. di din ako pinalaki sa video games kaya di ako gamer. puro computer lang ginagalaw ko at NBA 2k10 lang nilalaro ko, galing pa yun sa kaklase ko. Hindi nga ako natuto mag crack ng file kase kulang talaga ako sa exposure. di lang sa computer pero kulang exposure ko sa lahat ng bagay sa labas.

pag ganyan pinalaki ang bata, congrats, 70% dead kid yan. maaaring binubully pa yan sa school, malay mo. buti nga di ako nabubully dahil mabait pa naman ako at medyo madaldal at hindi totally dead kid at may konting talino pa din ako. salamat sa Diyos.

pero seryoso, kung magulang ka, wag mong masyadong limitahan ang ginagalawan ng anak mo. wag mo din masyado luwagan ang ginagalawan niya, baka maging banakal pa yan. tsaka mahalaga ang pagbobonding niyo, unahin mo ang pisikal na activities, dahil dun, nagkakatiwala ang bata sa magulang at pag may tiwala na, masasanay silang lumapit sa inyo.

bilang isang bata ngayon, di ako masyadong malapit sa magulang ko. sinisisi ko sila kung bakit di ko alam gusto ko ngayon. dahil malapit na din ako mag college, hirap talaga ako kung ano gusto ko. tapos kung ikukumpara mo ang mga tinuro sa school namen sa ''nirereview'' ko lang dapat sa review center, tila wala din akong natutunan sa school ko. mayroon nga pero di sapat. mahalaga ang pag aaral at ang paaralan. sa review center, ''REVIEW'' dapat ang ginagawa, pero ang nangyayare sakin, halos dun ko lang din nalalaman lahat, at dahil nga ''review'' lang yon, mabilis ang turo. di ko talaga alam course ko. wala akong alam ngayon. nakakainis dahil pakiramdam ko, late na akong lumutang sa mundo. maraming taong nakaranas nito ngunit sa kasamaang palad ay sila ay sumuko. madami na kong nasubukan at marami na din akong hindi sinubukan, madami na akong sinukuan, at ayokong ginagawa ko yun. nais kong mag bago. pero ngayon, di ko muna pinoproblema yan. sumuko man ako sa pag aaral, no choice talaga ako na mag aral pa din. ginagawa ko din kahit ayaw ko. malay mo may marating din ako. ewan ko nalang. basta di ako sumusuko, kahit mahirap. iniisip ko ngang, kung bagsak, edi bagsak basta wag sumuko.

ang paglaki ko naman, ay syempre, sa lahat ng tao, lumalaki tayo kasama ang magulang. sila dapat ang gabay natin sa buhay. pero kung di ka kinakampihan ng magulang mo, sundin mo ang mabuti at gawin mo ang mabuti, kahit maliit lang ito. kahit sinisisi ko magulang ko kung bt ako abno(hoy di yan literal), wala din naman akong magagawa dahil magulang ko sila. kahit di ko sila masyado pinagkakatiwalaan, basta naniniwala ako sa sarili ko at sa Diyos, yun lang ang mahalaga sa akin.

No comments:

Post a Comment