Tuesday, 15 May 2012

Estudyante Blues EP 2

malikot nanaman utak ko ngayon. sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ako mag popost ngayon kahit wala akong issue na maikkwento. ahh. tumawag si nanay kanina lang, bago ko tignan ang blog na to. dahil galing ako sa review, at last day na bukas, mga mock exams nalang inaabala namin. eh si nanay, nangamusta. sabi ko "ayos lang" dahil yan lang ang dalawang salita na pwede mo isagot sa halos lahat ng tanong ng nanay. napaisip tuloy ako at ngayon, naisip kong itopic nalang iyan.

kung iyong mapapansin, problema ko talaga ang plano ko sa college. di ko talaga alam ang mangyayare sa hinaharap pero di ko na din masyado iniisip at hinahayaan ko nalang lumipas ang oras. maraming nangyayare sa paghihintay, madami ding nasasayang. siguro nga, kampante talaga ako, pero yung mga tao sa paligid ko, hindi. malakas ang kutob kong kinakabahan ako kase kinakabahan sila para sakin. normal lang to sakin, ang maging kampante. pero pag may ibang taong naglalagay ng ideya na kabahan ako, kakabahan talaga ako. yung okay na lahat sabay magkakaroon ng di kanais nais na bagay.

halimbawa na nito ang magulang ko. kadalasan to pag nagdadrive ang tatay ko. tapos biglang may tatawid nang biglaan, ang nanay ko naman, tila umiire ng sandalian(sorry nay! :D). tapos si nanay, congrats! instant na papagalitan siya ni dadeh. gusto pa ni itay na itape na yung bibig ni mameh dahil nayayamot siya pag ganun. kung sabagay, sinong tao bang matutuwa pag biglang nagpapanic ang ibang tao, eh kung maayos naman ang daloy ng lahat.

kampante ako sa lahat ng bagay. hindi totally lahat dahil etong college nga, nakakasakit pa sa ulo. pero pagdating sa mga nangyayare sa mundong ginagalawan ko, di na ko nagpapanic. isang beses pa nga sa service ko, yung babae naming driver, tila nagbasketball at nag no-look drive! no-look pass nga hirap ako ts siya kaya niya yun! muntik na kaming sumayad sa pader ng isang kanto. nasa harapan pa ako nun, 3 kame sa harap, kasama na si no-look ate driver. kaklase ko din ang katabi ko sa harap. pag dating namin sa classroom ay sabi nung kaklase kong katabi ko, bakit di daw ako nagreact. ewan ko kung ano meron sa kin. eh ganun talaga eh, edi go lang.

may tawag sa mga taong kagaya ko. "nonconformist" ang tawag. diniscuss samin yan last year. buti at sinabe samin yan, kundi, di ko alam kung anong pandescribe saken. may mga sikat ding nonconformists tulad nina Albert Einstein, Marilyn Manson, Martin Luther, Ghandi, at marami pang iba, pero sila lang talaga yung nakilala ko at naging dahilan ng pagkumpara ko sa sarili ko sa kanila. ang nonconformism ay iba sa pagiging makasarili. sila yung mga taong may opinyon sa buhay pero di nila pinapakealaman ang opinyon ng iba. hinahangaan ko sila. hindi sila yung taong kokontrahin ka dahil sinabi ko na nga, wala silang pakealam. sa madaling sabi, marunong sila rumispeto. maliban nalang kung alam nilang may mali. dahil bukas ang isipan nila, itatama nila ang nakikita nilang mali. ganyan ang nangyari kay Martin Luther, inaway niya ang simbahan. kung di mo alam ang kwento, isearch mo nalang sa wikipedia. pero di niya kasalanan yun, dahil may mali naman talaga ang simbahan sa panahong iyon. basta yun na yon, di ko na maikkwento dito.

sa totoo lang, ganun din ako. ang kaibahan lang sakin, alam kong bata pa ako kaya di muna ako nagsasalita at di ko muna pinapansin ang mga taong di marunong rumespeto at mabuhay ng mabuti. sa susunod ko na ididiscuss yan. pero ngayon, sinasabi ko lang na hindi ako matapang para lumaban kahit saan. kaya wala nalang akong pakealam ngayon. ang mga opinyon ko, di ko na ipinahahayag sa iba. di ko alam kung magiging ganto ako habang buhay o magbabago pa ako. pero di ko na muna iniisip yan ngayon. dumadaan lang sa isipan ko ang mga bagay na yan pero di ko na din masyado iniisip. hayaan mo na.

mahirap din maging nonconformist. iniisip nila kakaiba ka. pero sa maling paraan. ang tao, laging unang hinahanap ang mali. kahit gano pa kabait ang isang tao, di maiiwasan yan. normal na ata yan sa lahat ng bagay, kahit siguro sa mga palaka at iba pang mga hayop. pag ako hinuhusgahan, pinapansin ko pero di talaga ako aangal. marunong akong umintindi ng tao, hinahayaan ko nalang. totoo pala sinabi nila, down-to-earth daw ako. eh tinanong ko lang meaning niyan, pinang describe na yan saken. hehe.

napakaweirdo ko. kaya naman may quest akong hanapin ang mga taong gaya ko. napakahirap nito. pero kaya ko maghintay. sanay ko sa hintayan. wala akong pake. hehehe.

No comments:

Post a Comment