Monday, 14 May 2012

Hello :)

Dahil wala akong maisip sa una kong blog, di ko alam kung busy ako masyado o tamad lang talaga ako. Mahirap mag isip. Pero ganun eh. Dito nalang ako magsusulat, para walang conyo conyo. Di ko first time mag blog, pero nakadami na ako dahil wala sa kanilang umasenso. At yung iba, nayamot lang ako. pero that's life. dahil high school pa lang ako, di ko pa alam gusto ko sa buhay kaya chill chill muna. tinatamad na din ako mag capital kaya walg ka na maarte. kung gusto mong magbasa, ituloy mo lang, kung ayaw mo, close tab mo na, bahala ka. di ko alam kung ano malalagay ko sa blog na to, pero wala lang, type type lang din. blog lang naman eh. mahirap mag isip ng sasabihin kahit intro pa lang. mahirap mag isip kasi madami akong naiisip. parang bumubuhos ang mga idea(di ko alam tagalog niyan kaya conyo conyo diiin) sa utak ko, hindi ko na masulat at lumalayo ako sa mismong topic. pero kung alerto ka, wala pa naman talaga akong topic. sino tanga sa'tin ngayon? pero syempre joke lang yun. kung sa tingin mo para kong bata, sorry bata pa talaga ako. as in tila immature na weirdo na walang direksyon ang buhay. ang dapat ko ngang ginagawa ngayon ay ma... mag.. mag ar.. mag... ara.. aral.. pero may sayad utak ko at wala sa mood. di ko alam, di ko din maintindihan sarili ko. kaso kahit baliktarin man ang mundo, nangyayari pa rin ang mga ayaw ko. eh ganun eh, edi okay, wala naman akong magagawa sa flow ng mundo. mukhang mahaba na natype ko pero di ko alam kung pano ititigil. muntanga eh, pero ganun talaga. tsaka wala pa nga akong topic at first post din to. ewan ko. siguro maglalagay nalang ako ng kung ano nangyayare saken. as if may pake ka, pero wala akong pakealam sa pakealam mo, meron man o wala. ikaw na mag isip niyan at tinatamad ako mag explain. basta yun na yon. tatapusin ko na to. yun. ge. k. bye.

No comments:

Post a Comment