Monday, 21 May 2012

Estudyante Blues EP 4

Sa totoo lang, tinatamad akong magsulat. Tamad pala ako sa lahat ng bagay. Sorry naman.

May mga taong malaki ang problema. Malaki ang problema nila kasi hindi nila ito pinansin agad. Sa lahat ng bagay sa mundo, problema ang pinaka ayaw ko. Bilang isang estudyante, marami na kong naharap na problema, at siguradong maliit pa lamang iyon sa haharapin ko sa hinaharap. Hindi ko masasabing magaling ako diyan. Down to earth ang pang describe sakin, kaya mga problema ko, di ko masyado pinapansin. Alam kong nandiyan sila at kaya ko silang tapusin. Pero nasabi ko na nga, tamad ako.

Normal ang problema araw araw. Kaya naman minsan, di na ko gumagalaw para walang problema. Edi petix. Pero bihira ding nangyari sakin yan. Kawawa naman ako. Dahil nangyayari parin ang mga bagay bagay na ayaw ko. Kase go with the flow lang ako. Siguro ganyan talaga ang mga tamad. Malay mo, ganyan ka rin. Ewan ko sayo.

May mga tao namang kailangan talaga ng tulong sa problema nila. May iba pa ngang di talaga marunong humarap dito. Ako, marami akong natulungan. Di naman sa nagmamayabang ako pero laging ako ang hinihingan ng tulong. Lalo na sa love life. Di ko alam kung pano nila nalamang makakatulong ako, pero sige, go lang. Nakakatuwa ang mga problema nila, may isang lalaking torpe, kagaya ko. Tapos kung ano sinasabe ko sa kanya, yun din ang kailangan ko. Totoo ngang mahiyain ako, pero pag may takip ang mukha ko, mas madali mag salita. Hindi literal yan. Ganto nalang. Para akong super hero. Sa mundo ng mga super hero, hindi uso ang ipakita yung mukha ng mismong superhero. Kailangan ng maskara. Ganyan ang ginagawa ko ngayon. Di ako naglalagay ng mukha ko dahil... uhm. Ewan ko. Di ko trip eh. Mahalaga sakin ang privacy at ang personal space. Pero lumalayo na tayo sa topic. Balik tayo sa mga taong humihingi sakin ng payo. May babaeng bitter, pero sabi niya hindi daw. Parehas kaming galit sa malandi. Nangangati ako pag may nakikita akong malandi. Kainis.

Tutol ako sa mga kalandian ng mga bata ngayon. Siguro dahil ito sa internet. Mas madali nga ang buhay pag ang kaibigan mo, nasa harap lang ng computer. Pero syempre, iba pa rin sa personal. Kung ako pag pipiliin, mas gusto ko ang interaction pag personal kayong nag uusap. Hindi ako magaling diyan, kaya yan pinili ko. Sabi nga nila, pinipili mo lang ang wala ka. May mga taong torpe (gaya ko) dahil sa internet at text. At dahil na rin siguro sa pagkakatali ko sa linsyak naming bahay na wala akong kausap. Ayokong dumami ang mga taong kagaya ko na pag nilabas ng bahay, hindi nila alam kung pano harapin ang mundo.

Ang bata, hindi yan nilalagay sa isang lugar na walang kausap. Baka pag balik mo, nangangain na yan ng tao. Di naman sa galit, pero naiinis ako sa mga magulang na akala nila, tama ang pag lalayo nila ng kanilang anak sa sibilisasyon sa labas ng bahay. Magiging problema yan ng mga batang tulad ko. At sinasabi ko na sayo, hindi maganda ang may problema. At dapat may tao tayong mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay. At dapat wala sila sa internet.

Di ko maintindihan kung ano na ba talaga ang silbi ng facebook ngayon. Di ko alam kung aanuhin ng iba ang mga picture na pinost mo. Ang status na pamparinig sa mga kaaway. Nahihirapan ang tao humarap sa kaaway dahil hanggang facebook nalang sila. Kawawa naman. Pero ano nga ba mas maganda, yung madaling buhay sa internet o ang pag harap ng problema sa personal?

Magulo ang opinyon ko. Mahirap alamin kung ano ang tama at mabuti. Ang gulo ng mundo.

No comments:

Post a Comment