Sa buhay, sa bahay o kahit san man ako mapunta, ayokong mapaligiran ng taong galit. Nakakahawa sila sa vibes ng mundo. Kaya mahalaga ang pag iisip ng positibo. Pero kung may abno talagang naghahanap ng away palagi, yan yung mga taong ang sarap patayin. Yung chill chill ka na sa buhay tapos biglang kakausapin ka na badtrip sila. Ts mahahawa ka pa at madadamay ka pa at mag aaway pa kayo. Kung ganyan ka, pwede ba, MAG ISIP MUNA BAGO MAGSALITA. Di yung puro satsat. Ang tao pa naman, mas nadudulas pag galit. Minsan salita ng salita, di nila napapansing nakakasakit na sila. Bobo kasi eh. Ang pagiging bobo, wala sa talino kundi sa kung pano mo hinaharap buhay mo.
Ang masama sa lahat, may mga taong hindi talaga nag iisip bago magsalita. Di nila alam na kayabangan yun eh. Di ko alam kung bakit ganun ang tingin nila sa sarili nila. Masyadong lumaki ang ulo, akala nila tama ang ginagawa nila. Tapos iniisip din nilang batas sila. Kaya siguro naging ganun ang utak nila. Sa totoo lang. Kumukulo dugo ko sa mga taong ganyan eh. Makasarili. Di marunong umintindi. Tapos pag galit, nangdadamay pa. Kasi akala nila, nakakatulong ang pagsasalita. Ang mga pipi naman, kaya mabuhay ng di nagsasalita ah. Basta may taong handang tumulong para sa kanila. Pero yung taong iniisip niyang magaling siya tapos pag may kaharap ng problema, mag sisisigaw at sinisisi ang mundo. Bakit mo sisisihin ang mundo sa buhay mo? Gusto mo ang mundo pa ang mag adjust para sayo? Eh parte ka lang naman ng malaking bagay ah. Pag namatay ka ba, tingin mo makakatulong sa mga nagugutom na mga bata. Hindi ka kawalan dahil isa ka lamang tao at marami pang tao sa mundo. Hindi rin ikaw ang solusyon sa lahat ng problema, lalo na kung wala kang ginagawa para makatulong sa kapwa. Pero bakit ka nga ba aasahang tumulong sa kapwa, sarili mo nga, di mo matulungan. Kaawa awang nilalang.
Kung isang kang taong makasarili, kung gusto mong magbago ang mundo, baguhin mo muna sarili mo. Ang respeto, nakukuha, hindi hinihingi. Kung dapat kang respetuhin, ipakita mo kung bakit. Kaya bago tayo gumawa ng mga bagay, dapat kaya natin itong gawin sa sarili natin. Ang lahat ng gagawin natin, nagsisimula din sa atin. Parang sa Algebra lang, mag uumpisa sa loob papunta sa labas. Lahat ng bagay naguumpisa sa maliit, at lalaki din ito balang araw, wag lang tayong mawalan ng pag asa.
Kung nakakasakit ka ng ibang tao, magbago ka na. Hindi magbabago ang taong nasasaktan dahil binago mo na ang buhay niya. Eh tngn ka kasi eh. Lagot ka.
No comments:
Post a Comment