napaka init ng panahon ngayon, bawal ang badtrip.
alas kwatro na, pero parang tanghali pa rin
wala akong ideya kung ano ang sasabihin
di mo din naman ako papansinin
wag kang lumayo sa akin
nais kitang ibigin
sana mahulog ka sa bangin
at maghihintay ako doon sa ilalim
doon tayo magsuswimming
pwede rin sa beach, ayoko lang ng malalim
baka mapalayo ka lang sa akin
kahit na di mo ko kayang intindihin
kahit maguguluhan ka sa aking sasabihin
nais ko lang malaman mo
na bagay na bagay tayo
wag mo akong iwan
baka di ko kayanin
narinig ko na yan dati
di naman nila kaya tuparin
makinig ka nalang sa aking sasabihin
umasa kang marinig mo ang boses ko
kasi baka di ko kayanin magsalita sa harap mo
ewan ko kung bakit, pero ngumiti ka lang, nakakatigil ng puso
wag ka masyadong ngumiti, baka mapatay mo ako
pero syempre, joke lang yun
oo alam kong corny ako
di ko talaga alam sasabihin ko
dati lang, di kita kaya kausapin
pero ngayon nasa harap na kita
nabibighani lang ako sa iyong ganda
pwede ba pwede ba, tumigil ka na
pero dahil pakipot moves lang to, wag mo seryosohin
ang gulo ko, kaso syempre, conyo conyo din
bye bye
No comments:
Post a Comment