nung ginagawa ko yung EP 2, natagalan ako. may araw pa noong mag umpisa pero ngayon, gray at orange na ang mga ulap. ang daming distractions eh, sorry naman. pero wala pa naman sigurong nagbabasa dito, di ko naman kasi kinakalat tong blog ko. halos ayoko ngang sumikat to eh. baka kung ano pa isipin nila sakin. pag sikat ako, sisikat din ako sa kaaway. kaya iniiwasan ko sumikat. pero meron na din akong stalkers, yan din ang dahilan kung bakit inalis ko ang unang matino kong blog. sayang pero ayos lang. pwede naman umulit eh, hehe. lahat naman ng nasa internet, kaya ibalik. siguro.
dito ko din nakuha yung iba pang nonconformists. mabuhay kayo, saludo ako sa inyo! :))
http://www.linkedin.com/answers/professional-development/career-management/PRO_CMA/575821-4028717
sa totoo lang dati ko pa nakita yang site na yan pero syempre ngayon lang din blog ko, ngayon ko lang din masheshare. mehehe. di ko alam kung bakit binabasa mo pa to pero kung gusto mo talaga, go lang. maghintay ka lang minsan at magdasal ka ding wag ako tamarin dahil baka mabulok din to balang araw. pero bahala na sa ngayon. hehehehe
No comments:
Post a Comment