Tuesday, 26 February 2013

Baluktot

Di ko ineexpect na magiging tuwid pa tong baluktot na buhay ko. Kahit may nag-aaway sa paligid ko, medyo ayos na. Di kasi uso mag-sorry dito eh. Pataasan ng pride. Kaya pala ganun ako minsan. Pero mabait ako. Di ako humihingi ng sorry. Ayos lang sakin kung mayroon kang sama ng loob sakin. Bahala ka, buhay mo yan eh.

Pero masaya na ako. Sa ngayon. Basta walang pakealamanan. Edi eto, naka pag-aral ako nang maayos. Medyo buryo pa naman ako sa subjects bukas. Pero masaya naman akong naiintindihan ko at ganado ako mag-aral ngayon. Di ko rin alam kung bakit. Siguro dahil huli na to. Ewan. Pero ayos na.

Ang mahirap lang ay hindi kaya ng isang gabi tong tatlong subjects na to. Pero ayos lang kahit magpuyat pa. Eh wala na kong magagawa eh. Tsaka lahat ng paghihirap ay sulit. Basta kasama mo ang Diyos.

Eto na nga. Huli na. Umpisa na ng katapusan. Di ko alam kung maeexcite ako o kung malulungkot ako. Pero hindi pa rin naman malinaw kung san ako babagsak eh. 50/50 pa nga ako sa UST dahil sa drawing exam sa architecture eh. Sana pumasa, dun lang kasi ang kaya namin na tuition eh at DLSU yung isa ko pang pinasahan, nakakahiya naman sa pera ng magulang ko.

Naging problema ko ang pera ngayon. Kahit noong nakaraang linggo pa. Yan na lang. Sa iba, wala na masyadong problema. Humihingi na ako sa tulong ng Diyos sa mangyayari sakin ngayong linggo.

Monday, 25 February 2013

Problema sa Bahay

Mas gugustohin ko pang magkaproblema sa school kesa sa bahay. Di ko naman kaano ano yung mga tao dun kaya bahala na. Pero ayoko talaga pag nagkakaproblema sa bahay. Para akong nasa kulungan. Di ko talaga trip magshare ng problema ko sa iba. Di naman sila nakakatulong eh. Ano bang alam nila. Iilan lang ang mga taong kilala kong nakakatulong talaga. Ang maganda pa doon ay di ko sila kapamilya.

Di rin ako masyado humihingi ng tulong. Ayokong tinutulungan ako sa mga simpleng bagay. Simpleng bagay, hindi yung sobrang hirap, malamang humihingi na ako ng tulong noon. Yung iba kasi, sobrang OA. Mas gusto kong mahirapan mag-isa kesa ipasa ko pa sa iba yung problema ko.

Ngayon puro problema nanaman ang humarap sakin, wala pang 10 minutes ang nakaraan. Wala, nawalan na ako ng gana mag-aral. Kaya ayokong nag-aaral sa bahay eh, dahil sa mga tao. Ayokong naiistorbo at ayokong nakaka istorbo. Isipin mo naman, nag-aaral ka ts puro gulo sa paligid mo. Ayoko ng gulo. Ayoko ng ingay. Ayoko ng sagabal. Kaya minsan, ayoko sa tao.

Ang dami ko na agad problema nagnonotes lang ako kanina eh. Di ko alam kung pano ko malalampasan tong gabi. Bahala na nga.

Hoy immature

Kung ikaw ay 15 o 16 years old na puro drama ang laman ng buhay, immature ka pa. Ang mundo ay hindi umiikot sa love life. Nasabi ko na yata yan. Pero sinabi ko ulit para alam mo. Nakakairita kasi eh. Estudyante ka palang, ts nag-eexpect ka ng mala-John Lloyd Cruz na love life? Ang bobo mo. Sorry pero ayan ka eh. Mag-aral ka. Pinaghihirapan ng magulang mo na makapag-aral ka sa magandang paaralan tapos puro kalandian inaatupag mo? Mag-aral ka.

Marami ng nadali ang buhay sa third year o fourth year sa high school. Dahil sa entrance exams. Paglabas ng resulta, ayon, maraming buryo. Akala mo kasi ang dali eh. Walang kabuluhan kasi inaatupag mo sa buhay. Isipin mo nalang kung pano ka na niyan. Wala na, lampas na yung pagkakataon. Kasi nandiyan na kung anu-ano inaatupag mo.

Nalulungkot lang ako kasi sayang. Marami kang pagkakataon tapos nasayang ang lahat dahil sa mga taong pumaligid sayo at naging sagabal sa kung ano gusto mong maging balang araw. Hindi ibang tao ang makakatulong sayo para umunlad ang buhay mo. Sarili mo lang. Depende kung pano ka magtrabaho. Paghirapan mo kasi ang mga bagay na gusto mo. Para hindi ka nanghihinayang ipamigay sa iba ang pinaghirapan mo. Kasi may mga bagay na nakukuha lang natin. Di natin pinapahalagahan kasi di naman natin pinaghirapan. Yan tayo eh.

Di ko masasabing huli na ang lahat para magbago ka. Walang nahuhuli sa pagbabago. Pag may pagkakataon ka, kunin mo na. Wag mo masyadong iasa pa sa ibang tao na baguhin ka. Maaaring maging ikaw yung taong gusto nila maging pero hindi mo magugustuhan ang sarili mo. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. Maaaring may nakikita sila sayo na hindi mo nakikita pero hayaan mo. Pero hindi porket gusto mong ganyan ka, hahayaan mo na. Iba pa rin yung taong mabuti.

Ang kabutihan ay hindi madali. Lalo na sa panahon ngayon, kakaunti nalang ang taong mabait. Espesyal ang pagiging mabait. Tandaan mo nalang, sa lahat ng bagay na ginagawa mo, basta tama, gawin mo. Tandaan mong mahalaga ang nakakatulong ka sa kapwa. Basta tandaan mo ang mga bagay na tama at mabuti.

Sunday, 24 February 2013

Paghihirap

Naranasan mo na bang maghirap? Yung hindi naman sa dahil pinaparusahan ka, pero naghihirap ka kasi alam mong may makukuha ka sa dulo. Yung nag-e-effort ka dahil alam mong spesyal ang pagbibigyan mo. Okaya dahil nasa mood ka magtrabaho at alam mong ikatutuwa ng lahat ang ginagawa mo.

Pero mali ka pala. Sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan mo, sa huli, wala palang mangyayari. Parang natapos mo yung isang laro tapos wala lang. Di ka nabiyayaan. Hindi ka nasuklian pagkatapos ng lahat ng paghihirap na nadaanan mo.

Masakit, diba. Yung ilang gabi mo pinaghirapan. May mga oras na nasayang. May mga pagkakataon kang pinalampas para sa ginawa mo. Tapos babalewalain lang nila. Masakit.

Pero naisip mo ba kung bakit mo ginawa yon? Hindi naman mangyayari yon kung wala kang dahilan. Hindi ka sumuko nung naghihirap ka. Ayos lang para sayo na dumaan ka sa paghihirap. Bakit?

Hindi ko rin alam ang sagot. Gusto ko lang na malaman mo na pag ikaw ay may ginagawa, wag mo kalimutang mag-isip. Isipin mo kung ano yung dahilan kung bakit mo ginawa yon. Kung bakit hindi ka sumuko. May mga bagay tayong ginagawa na may kanya-kanyang dahilan. Ang dahilan, pinaglalaban natin. Pinaninindigan. Di pwedeng "kasi gusto ko" lang. Hindi iyon sapat. Mag-isip ka lang.

Sa ating paghihirap, nag-eexpect agad tayo ng reward. Naghirap ka eh. Ang masakit dun ay noong wala kang natanggap. Pero may mali ka doon. Wag ka na mag-expect. Wag na wag. Di lahat ng tao sa mundo ay mabuti. May mga taong malakas manggamit. Hindi pwedeng tumutulong ka palagi kasi mamaya wala namang tutulong sayo. Try mo maging madamot minsan. Kasi madamot naman talaga ang mundo. Wag mong hahayaang makuha ang lahat ng pag-aari mo. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Naranasan ko na ring hindi ko alam kung tutulong ba ako o hindi. Kung sulit ba ang gagawin ko para sa ibang tao. Maraming beses nang nangyari sakin ito dahil ako ay mabait na tao. O ganyan nila ako nakikita. Mapagbigay. Kaya hindi sila sanay pag nagiging madamot na ako. Sa totoo lang, gusto ko na sila pagbubugbugin dahil ilang beses na akong napahamak dahil sa gusto kong makatulong. Masakit. Kasi pakiramdam ko ginamit lang ako. Gusto kong murahin yung pagmumukha nila. Pero hindi ko magagawa yon kasi nga mabuti akong tao.

Nagsisi na ako dahil sa pagtulong ko. Gusto ko lang na maging masaya ang iba. Pero nakalimutan ko lang siguro na dapat ay napapasaya ko rin ang sarili ko. Kailangan ko rin ang buhay ko. Kaya nagsanay ako maging mapag-isa. Hindi naman sa emo na ako. Pero yung tipo ng taong hindi muna iniintindi ang iba. Kung kailangan mo ng tulong, pwede ako minsan. Basta maliit na bagay lang. Ayoko lang na umasa ka eh. Pero pag malaking bagay yan, isipin mo nalang na kung kaya ng iba, kaya mo rin yan. Hindi lahat ng oras kailangan mo ng tulong. Siguro ganyan ka kasi bata ka pa lang, pero sinisigurado ko sayo na mag-iiba rin ang pananaw mo. May buhay ka, wag mo i-asa sa iba yang buhay mo. Pero kung gusto mo, bahala ka. Wag ka lang magsisi pag iniwan ka sa ere dahil desisyon mo yan at kailangan mong panindigan ang desisyon mo.

Tuesday, 19 February 2013

Kutob

May mga araw na malakas ang kutob ko. Kutob kahit saan. Malas man o swerte. Pag nararamdaman ko, napapabilis ang pagdesisyon ko. Impulsive ang kilos ko pero hindi naman sa ikapapahamak ko na. Basta napepredict ko kung ano mangyayari, yun na yon.

Tulad kanina. May project kasi kami sa Trigonometry. Eh February ngayon, buwan ng mga puso. Valentines Card ang trip. Di naman siya walang sense, magggraph lang naman kayo ng Polar equations. Medyo last week lang binigay yung kung ano ang pinakamagiging itsura pero medyo matagal na nung sinabi samin tungkol sa project. Pero syempre, walang perpektong estudyante.

Ang dapat na gagawin ay magawa na ang card. Ibigay sa babaeng hindi mo kadugo. Gumawa ng sulat para sa kanya. Magpapicture. At dapat may reply siya sa sulat mo. Tapos siya na rin magbibigay ng grade over 40. At nasabi ko na nga, walang perpektong estudyante.

Ang ginawa ko, nagawa ko na yung graphs. Nadesign-an ko na at lahat lahat. Syempre, nag-alanganin ako sa pinakabagay na pinakakahinaan ko. Ang ibigay ito sa babae. Ay syempre gumana ang aking hapit logic. Gumawa ako ng letter. Nagpasulat ako ng sulat sa classmate kong maganda yung sulat. At dito na ko muntik mayari. Pinaalam samin na ngayong araw daw ang deadline. At hanggang 6pm lang. Pero may kutob talaga ako. Di ako nagpanic. Di ako natakot. Di ko rin alam kung bakit.

Hapon na noon, uwian na. Tinapos ko na ng tuluyan yung project na wala pa ring picture. Bumaba na kami pero hindi ko pa isusubmit at binalak pa naming humanap ng babaeng pwede makipagpicture. Swertihan naman at yung kaibigan namin, maraming kilala. Ayun pwede. Pero di pa nagtatapos ang aming paghihirap. Napadaan pa kami sa mga computer shop para magpaprint. Sa una, black and white lang. Pangalawa, wala silang printer. Pati yung pangatlo. Naglakad pa kami sa medyo kalayuan para makahanap ng kumpletong computer shop. Kaso pangit yung pagkakaprint. Pero ayos na. Bahala na. Nagtricycle na kami pabalik. Naghihintay sa lobby yung teacher at tatlong minuto nalang daw ay aalis na siya.

Natapos ang araw ko sa eskwelahan nang nakangiti. Masaya. Malakas ang kutob ko sa araw na to eh. Di ko alam kung bakit minsan lang to. Siguro ganun talaga sa buhay. Hindi ka palaging tinutulungan. Maganda na rin yung nakita ko yung mga sign na hiningi ko. Basta hindi siya laging maganda pero pag nandyan na, sundan mo lang. Magtiwala ka lang at wag ka agad sumuko.

Monday, 18 February 2013

Huling Linggo

Di ko alam kung nakakasabik yung balitang huling linggo na to. Di naman sa huli pero eto na yung huling regular na linggo. Kahit walang pasok ngayon, ganun na rin yun. Pati next week, walang pasok ang Monday. Pero pupunta naman ako sa UST. Malas pa naman ang Monday, may pasok man o wala. Tapos yun na. Ilang projects nalang ibibigay siguro mga apat o tatlo na lang. Tapos exam na next week. Tapos may mga araw na walang pasok tapos graduation practice tapos graduation na. Mabilis pero mabagal ang isang araw, depende kung pano ka kumilos. Medyo alanganin pa ako sa projects pero matatapos na rin yun. Mukhang madali lahat ng gagawin pero hindi. Lalo na kung dakila kang tamad. Tapos marami pang sagabal kung pano ka mabuhay. Binalak kong humiwalay muna pero di ko magawa kasi tinatamad din ako. Alam kong mas masipag ako pag mag-isa ako pero malakas ang kapit pag matagal na kayong magkakaibigan.

Di ko inaakalang magiging ganon mga kaibigan ko. Yung ganon yung ugali. May mga pa-cool. May mga tamad mag-aral(mas tamad pa sakin na pumapalya na sila sa grades). Basta iba iba. Di ko maexplain. Tapos pag kulang, hindi sila nakakagalaw. Naiinis ako pag ganun. Minsan sakin nakasalalay yung mga desisyon nila. Di ako pumapayag pag ganun. Magtatanong sila, saan kami. Tapos sakin magtatanong. Di ko gusto yung mga ganun. Gusto ko lang na maging malaya ang pagdedesisyon nila.

Mahirap para sakin magdesisyon. Marami na akong pinagsisihan. Pero di ako yung nagluluksa pag nagsisisi. Ang nakaraan ay nakaraan. Pag tapos na, wala nang magagawa. Ganun lang ka-simple. Ako yung tipo ng taong mabilis mag-adapt sa sitwasyon. Tsaka ko na ieexplain kung bakit. Di bagay sa post na to eh.

Ayon, matatapos na rin tong Monday na to. Nabigyan ako ng kalinawagan sa paghingi ng sagot sa problema ko. Okay lang kahit ma-late na ko magpasa ng project, basta matino to. Kahit napaka-simple ng plano ng Diyos, yun na yon. Nakita ko na eh. Mahirap lang gawin. Pero inisip ko nalang na magtiwala sa mga aksyon na gagawin ko kesa ginagabayan naman Niya ako. :))

Saturday, 9 February 2013

Dart sa Heart

Naranasan mo na bang masaktan kahit hindi sinasadya? Yung tipong di naman talaga para sayo pero akala mo ikaw. Okaya naman pag sinasabi sayo pero hindi direkta yung pagkakasabi. Yung nang-iinsulto lang. Pero may mga taong ganun eh. Sinasadya nilang manakit. Pero hindi naman nila alam kung ano meron. Mas magaling pa sila kesa sayo eh. Parang sa audience ng basketball. Kung maka-trash talk akala mo kung sino eh di naman pala marunong maglaro. Wag na kasing magsalita kung di mo naman alam.

Ganyan ang mga tao sa mundo. Mapanghusga. May mga tao kasing hindi papayag na nalalamangan sila kaya gagawa sila ng paraan para magmukha kang hindi magaling. Pwedeng inggit sila. Pero yang dahilang ganyan ay luma na. Yung tipong yan yung sinasabi mo pag inaasar yung kaklase mong pangit tapos sinabihan mong "naiinggit lang sila" pero ang totoo pangit naman talaga siya.

Malapit na ang Valentine's day. Pero para sa iba, wala lang. Hindi bitter, hindi OA, wala. Saludo ako sa mga taong ganun. Yung hindi binabanggit kung ano nararamdaman nila. Kasi alam nilang walang may pakealam eh. Tsaka alam nilang di na nila kailangang maki-ride dun sa mga immature na magsasabing malamig ang valentines nila. Eh ano naman kasi ngayon. Try mo ipost sa facebook yan, tingin mo magkakaroon ka agad ng love life?

Hindi ko rin alam kung bakit merong papansin. Akala mong pag may nakakita sa kanilang may ginagawang kakaiba, uunlad na ang bansa. Okay lang namang gawin niyo yan eh, pero yung paghingi ng atensyon? Bili ka sa hardware, baka meron.

Ano nga bang meron sa atensyon? Pag may nagawa kang tingin mo maganda, gusto mong sana may nakakita. Pero pag may nagawa kang nakakahiya, ayaw mo naman. Bakit mo kailangang mag dalawang-mukha sa kahit anong bagay? Ayan, sa kahihingi mo ng atensyon, binigyan ka, ayaw mo na.

Natuto akong hayaang may mangyari sa harap ko. Yung mga naglilitawang problema. Pag nandyan na, harapin mo na. Kasi lumiko ka man, hindi yan mawawala kung di mo hinaharap. Ayoko lang sa ugali ko ay pag tinamad ako, makikipagtitigan lang ako sa problema hanggang sipagin akong harapin ito. Ganyan ko sinumulan ang fourth year ko pero nabawasan din sa bandang gitna. Nakakatuwa na pag sinasabi ko dito sa blog ko, kadalasang nagagawa ko talaga.

Paano kaya sa college. Di ko alam kung makakapasok ako sa UST Architecture. 70 lang average ko at 606 rank ko. Pati sa business economics wait-listed ako. Di ko nasabi sa isang kong post pero DLSU yung pinasahan ko. Siguro noong pinanganak pa lang ako, alam ko nang hindi ako makakapasok dun dahil sa mahal ng tuition. Ayokong maging problema ang pera. Sana sa UST ako, kung hindi, talagang dart sa heart yon.

Wednesday, 6 February 2013

Mga taong ekis

Ekis ka kung:


  1. Simple na nga lang pinapagawa sayo, di mo pa magawa.
  2. Puro ka arte pag dating sa trabahong binigay sayo.
  3. Mayabang ka kahit wala kang maipagmamayabang.
  4. Hambog ka at napakalaki ng ulo mo.
  5. Galit ka sa taong may ginagawang tingin mo mali pero ginagawa mo rin yung ginagawa niya.
  6. Nagpopost ka tungkol sa lovelife mo sa facebook kahit 14 years old ka pa lang.
  7. Nagpaparinig ka sa facebook o twitter.
  8. Pinagmamayabang mong umiinom ka at nagyoyosi ka kahit 15 ka pa lang.
  9. Pinagmamayabang mong di ka na virgin.
  10. Pinagmamayabang mo yung earrings mo kahit lalaki ka.
  11. Sinisisi mo yung mood swing mo.
  12. Pinagmamayabang mong pumupunta ka sa bar kahit 16 years old ka pa lang.
  13. Pinagmamayabang mong marami kang ex.
  14. Puro problema mo sa love life pinopost mo.
  15. Nakikihiram ka ng DLSR para ipagmayabang sa mga kaibigan mo.
  16. Sinasabi mong wild ka. Kahit saan.
  17. Sarili mo lang iniisip mo. Basta masaya ka ayos na.
  18. Sinasabi mong blogger ka sa tumblr pero wala kang post.
  19. Di ka marunong makiramdam.
  20. Pinagmamayabang mo galing mo sa paggitara.
Yan muna.

Tuesday, 5 February 2013

Payapa ang Umaga



Bago ako maligo kaninang umaga, pag tingin ko sa nakasarang bintana, kulay orange. Pagbukas ko ayan ang sumalubong sakin. Nagawa ko lang kunan ng litrato kasi naisip kong minsan lang yan lumabas. Di nga dapat magpalampas ng pagkakataon. Pag nasa harap mo na, kunin mo na.

Monday, 4 February 2013

Transition toughts

Sabi nila, "There is power in numbers." Kaya naman pag marami kang ginagawa, dahan dahan ka lang dahil nasa bingit ka na ng problema. Mahirap pag konti lang yung oras pero marami kang ginagawa. Hindi ka dapat naghahapit para matino yung gawa mo. At dapat maayos at malinaw ang lahat ng ginagawa mo. Kung hindi mo kaya, magpatulong ka na. "No man is an island" sabi nga rin nila. Hindi pwedeng akuin mo lahat dahil hindi lahat ng bagay ay para sayo. Minsan kailangan mong tanggapin na kung ano ang meron ka, dun ka lang. Ang tao napapagod din. Hinding hindi pwede na mag magaling ka dahil baka dahil sa ginagawa mo, ikaw rin ang magpapabagsak sayo. Kalma ka lang. Chill.

Tulad ngayon, marami dapat akong ginagawa, pero nagsusulat na ko dito sa blog ko para di pa mawala sa isip mo. May mga oras kasing nakaharap ako sa problema at gusto ko magsulat pero wala ako sa harap ng computer. Mas mabilis ang magsulat pag galit ako, diretso kasi yung tren ng pag-iisip ko, kesa kung hyper ako, sabog sabog kadalasan ang sulat ko. Minsan di ko maintindihan pero para lang may masulat kaya hinahayaan ko na lang. Tanggap ko rin namang baguhan lang ako sa mga gantong pagbblog at minsan na lang ako magsulat dahil sa mga ginagawa ko. Kailangan ko ring maexplore ang buhay ko, "You Only Live Once", ika nga nila.

Marami nga akong kailangang gawin pero tuloy tuloy na rin ang pag-iisip ko dito kaya hindi na ako tumitigil. Minsan nakakainis kasi may mga bagay na nalampasan ko at gusto ko magsulat tungkol doon pero makalipas lang ang ilang oras parang wala na sa isip ko. Parang sa pagpipicture lang. Di pwedeng maghintay. Dapat handa na, pag nandyan na, di na iyon mauulit. Kaya naman in-apply ko na yan sa buhay ko. Pag may pagkakataon, kunin mo na agad dahil kahit isang minuto lang ang lumipas, maaaring wala na yan sa harap mo.

Napakaraming gawain pero wala pa kong nauumpisahan kasi mahilig ako magdelay ng trabaho. Hindi siya maganda. Pero maaaring huling beses na ito, dahil binibilisan ko naman ang trabaho kaya marami pa rin akong nagagawa. Pero kung sa hinaharap ay ganto pa rin ako, baka wala akong marating. Mainam na rin na alam ko kung ano yung mga mali kong ginagawa, para maiwasan ko na kahit minsan lang.

Mga apat na Coldplay na kanta pa lang ang tumunog at ganto na kadami yung nasulat ko. Nakasanayan ko lang na habaan na yung sulat ko para hindi bitin. Parang hapit pag napaka-ikli ng ginawa ko eh, sayang naman. Tsaka may mga bagay kasing hindi ganoon kalawak yung topic kaya ganoon lang kaikli nagagawa ko, pero iniiwasan ko na rin talaga yon. Ang ganda para sakin na nakikita ko talaga yung pagbabagong pinipilit ko at yung mga maling nagagawa ko, tingin ko matatama ko na ang mga mali ko sa susunod.

Sa totoo lang gusto ko na magbago ugali ko. Di ko alam kung bakit hindi, siguro dahil hindi rin naman nagbabago yung paligid ko kaya hindi ko rin mabago sarili ko. Yung tipong parehas lang naman ginagawa mo araw araw kaya hindi mo rin mabago yung mga gawain mo. Hinihintay ko nalang magbakasyon para makita ko na ang mga hinahanap kong sagot. Sa bakasyon sana marami akong magawa para mabawas bawasan na rin ang mga tanong sa ulo ko, sayang naman yung bakasyon kung wala rin akong nasagot.

Sabi kanina, 13 school days na lang daw ang natitira saming mga senior. Medyo matagal na yon pero hindi sapat para madiskubre ang mga sagot sa aking mga katanungan. Di ko na rin alam kung saan ako magcocollege at hindi pa rin ako sigurado sa kurso ko. Tingin ko may hindi ako alam. May daan na para sakin pero hindi ko makita. Sa ngayon nakikiride muna ako sa daloy ng panahon, kung san ako mapadpad, susulitin ko. Pero pag oras na para pumili ng daang pupuntahan ko, sana kahit doon lang, maging tama naman minsan ang mga desisyon ko sa buhay.

Friday, 1 February 2013

bakit maarte ang babae

Ang babae, mahilig mag hint. Hindi laging diretso ang usapan. Pero kung ikaw yung naghint sa isang babae, hindi sila maniniwala at hindi nila maiintindihan. Minsan iba ang pagkakaintindi nila sa sinabi mo. Pag sinabi mong lumayo, lalayo nga. Nakaka-asar. Tapos pag sinabihan mo ng kahit ano, maniniwala agad. Kitams. Sila yung mahilig maghint, pero maiintindihan mong hint lang yon. Pero pag sinabihan mo ng hint o kahit maliit na detalye lang, maniniwala agad at magdadagdag pa ng detalye dun sa iniisip mo. Ang lakas mag-assume eh. Kajirits.

Ang babae dapat mahinhin, kalmado, seryoso. Hindi sila yung kung maka-asta parang lalaki rin na nakabuka ang hita kung nakaupo, kung tumawa akala mo wala ng bukas. Tapos hihingi sila ng dahilan para makatanggap ng respeto? Anak ng tipaklong naman oh. Babae ka, dapat lang na ginagalang. Kahit ang sarili mo dapat ginagalang mo rin.

Ang babae ay dapat lang na galingin, pero please wag mong hilingin. Pantay pantay lang tayo sa mundo. Wag ka rin magpadala sa mga sinasabi ng ibang tao. At kung may gusto ka, deretsuhin mo. Hindi manghuhula ang syota mo. Kung puro ka kaartehan, iiwan ka rin niyan. Ang lalaki, kung akala mo kuripot, nag-iipon lang yan. Syempre iniisip niya kung pano mabuhay. Mas maganda kung iniisip niya kung pano KAYO mabubuhay. Kung gusto mo ng mga bagay bagay, ikaw na mismo bumili noon para sayo kung tingin mong responsable naman ang boyfriend mo. Hindi ka prinsesa. At kung hindi ka naman nagtatarabaho, ibig sabihin ay estudyante ka pa, WAG KANG UMASANG MAKAKAPAG-ASAL REYNA KA. Bata ka lang. Kung ganyan ka mag-isip, napaka-immature mo. Tignan mo, kung magbago ka man, ikakahiya mo yan pag tanda mo. Kung hindi ka man magbago pag tanda mo, ewan ko nalang kung sino pang papatol sayo.

Ayusin mo ang pag-iisip mo. Magpakatotoo ka. Lalo na kung di ka naman mayaman. Hindi ka bibigyan ng mga bagay bagay sa mundo kung napakaarte mo. Hindi mo kasi napapansin na binibigyan ka na ng mga bagay na maliliit pero dahil sa kaartehan mo, yung effort nung taong nagbigay sayo parang wala lang. Ang kitid ng utak mo kung ganyan ka.

Pantay pantay lang tayo sa mundo. Kung gusto mo magmukhang diyosa, bahala ka. Pero hindi ka diyosa sa mata ng iba.

paano maging gago ang isang lalaki

Ang lalaki kadalasang magaling magsalita. Okaya mag sulat. Ang pag-iisip kasi ng lalaki, deretsahan. Hindi na yung pa-clue clue. Pag nanglalandi, clue-clue-clue-i love you. Ganyan ang banat. Pag gusto ka ng lalaki, di niya lang ipapakita, sasabihin niya sayo nang DIRETSO. Maliban nalang kung torpe yung lalaki. Ganyan ang lalaki. Pag may sinabi, yun na yon. Wala nang pasikut sikot pa. Kaya pag hindi niya talaga sinabi, wag ka muna mag-assume. Ang pag-aassume ay isang signo na ikaw ay isang malaking tanga.

Pero bakit nga ba may mga lalaking tatanga-tanga? Napaka immature. Yung tipong high school pa lang, akala mo matanda na eh. Ayun yung problema eh. Dapat pag high school mature na. Pero iba na kasi ang panahon ngayon eh. Mga lalaki ngayon, mas marami pa ex nila kesa sa tatay nila eh. Kahit 14 years old pa lang sila. Yung iba ang lakas na ng loob eh. Dahil sa pera. Yung galing sa mayamang pamilya, sila yung mga puro gala. Di marunong maghirap. At hindi marunong magpahalaga ng mga bagay bagay.

Ang lalaki dapat marunong manindigan. Yung pag may problema, hindi tatakbo. Nakakainis to sa isang relationship. Lalo na pag may nangyari. Tapos ayun, mang-iiwan na. Tapos ang lakas ng loob mag bulag bulagan sa nangyari. Hangal at duwag. Yan ka kung ganyan ka.

Sa susunod, pag gumawa ka ng desisyon okaya may sinabi ka, PANINDIGAN MO NA! Nagsasabi ka pero di mo pinapanindigan, mahiya ka naman sa sarili mo. Tsaka kung magkamali ka man, hayaan mo na, nakaraan na eh. Ayos lang magkamali basta may matutunan ka. Hindi naman tayo palaging natututo sa mga magagandang bagay eh, minsan mas maganda pa na matuto tayo kung san tayo nagkamali para hindi na maulit ang pagkakamali.

Wag maging gago, be gwapo.