Tuesday, 19 February 2013

Kutob

May mga araw na malakas ang kutob ko. Kutob kahit saan. Malas man o swerte. Pag nararamdaman ko, napapabilis ang pagdesisyon ko. Impulsive ang kilos ko pero hindi naman sa ikapapahamak ko na. Basta napepredict ko kung ano mangyayari, yun na yon.

Tulad kanina. May project kasi kami sa Trigonometry. Eh February ngayon, buwan ng mga puso. Valentines Card ang trip. Di naman siya walang sense, magggraph lang naman kayo ng Polar equations. Medyo last week lang binigay yung kung ano ang pinakamagiging itsura pero medyo matagal na nung sinabi samin tungkol sa project. Pero syempre, walang perpektong estudyante.

Ang dapat na gagawin ay magawa na ang card. Ibigay sa babaeng hindi mo kadugo. Gumawa ng sulat para sa kanya. Magpapicture. At dapat may reply siya sa sulat mo. Tapos siya na rin magbibigay ng grade over 40. At nasabi ko na nga, walang perpektong estudyante.

Ang ginawa ko, nagawa ko na yung graphs. Nadesign-an ko na at lahat lahat. Syempre, nag-alanganin ako sa pinakabagay na pinakakahinaan ko. Ang ibigay ito sa babae. Ay syempre gumana ang aking hapit logic. Gumawa ako ng letter. Nagpasulat ako ng sulat sa classmate kong maganda yung sulat. At dito na ko muntik mayari. Pinaalam samin na ngayong araw daw ang deadline. At hanggang 6pm lang. Pero may kutob talaga ako. Di ako nagpanic. Di ako natakot. Di ko rin alam kung bakit.

Hapon na noon, uwian na. Tinapos ko na ng tuluyan yung project na wala pa ring picture. Bumaba na kami pero hindi ko pa isusubmit at binalak pa naming humanap ng babaeng pwede makipagpicture. Swertihan naman at yung kaibigan namin, maraming kilala. Ayun pwede. Pero di pa nagtatapos ang aming paghihirap. Napadaan pa kami sa mga computer shop para magpaprint. Sa una, black and white lang. Pangalawa, wala silang printer. Pati yung pangatlo. Naglakad pa kami sa medyo kalayuan para makahanap ng kumpletong computer shop. Kaso pangit yung pagkakaprint. Pero ayos na. Bahala na. Nagtricycle na kami pabalik. Naghihintay sa lobby yung teacher at tatlong minuto nalang daw ay aalis na siya.

Natapos ang araw ko sa eskwelahan nang nakangiti. Masaya. Malakas ang kutob ko sa araw na to eh. Di ko alam kung bakit minsan lang to. Siguro ganun talaga sa buhay. Hindi ka palaging tinutulungan. Maganda na rin yung nakita ko yung mga sign na hiningi ko. Basta hindi siya laging maganda pero pag nandyan na, sundan mo lang. Magtiwala ka lang at wag ka agad sumuko.

No comments:

Post a Comment