Sunday, 24 February 2013

Paghihirap

Naranasan mo na bang maghirap? Yung hindi naman sa dahil pinaparusahan ka, pero naghihirap ka kasi alam mong may makukuha ka sa dulo. Yung nag-e-effort ka dahil alam mong spesyal ang pagbibigyan mo. Okaya dahil nasa mood ka magtrabaho at alam mong ikatutuwa ng lahat ang ginagawa mo.

Pero mali ka pala. Sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan mo, sa huli, wala palang mangyayari. Parang natapos mo yung isang laro tapos wala lang. Di ka nabiyayaan. Hindi ka nasuklian pagkatapos ng lahat ng paghihirap na nadaanan mo.

Masakit, diba. Yung ilang gabi mo pinaghirapan. May mga oras na nasayang. May mga pagkakataon kang pinalampas para sa ginawa mo. Tapos babalewalain lang nila. Masakit.

Pero naisip mo ba kung bakit mo ginawa yon? Hindi naman mangyayari yon kung wala kang dahilan. Hindi ka sumuko nung naghihirap ka. Ayos lang para sayo na dumaan ka sa paghihirap. Bakit?

Hindi ko rin alam ang sagot. Gusto ko lang na malaman mo na pag ikaw ay may ginagawa, wag mo kalimutang mag-isip. Isipin mo kung ano yung dahilan kung bakit mo ginawa yon. Kung bakit hindi ka sumuko. May mga bagay tayong ginagawa na may kanya-kanyang dahilan. Ang dahilan, pinaglalaban natin. Pinaninindigan. Di pwedeng "kasi gusto ko" lang. Hindi iyon sapat. Mag-isip ka lang.

Sa ating paghihirap, nag-eexpect agad tayo ng reward. Naghirap ka eh. Ang masakit dun ay noong wala kang natanggap. Pero may mali ka doon. Wag ka na mag-expect. Wag na wag. Di lahat ng tao sa mundo ay mabuti. May mga taong malakas manggamit. Hindi pwedeng tumutulong ka palagi kasi mamaya wala namang tutulong sayo. Try mo maging madamot minsan. Kasi madamot naman talaga ang mundo. Wag mong hahayaang makuha ang lahat ng pag-aari mo. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Naranasan ko na ring hindi ko alam kung tutulong ba ako o hindi. Kung sulit ba ang gagawin ko para sa ibang tao. Maraming beses nang nangyari sakin ito dahil ako ay mabait na tao. O ganyan nila ako nakikita. Mapagbigay. Kaya hindi sila sanay pag nagiging madamot na ako. Sa totoo lang, gusto ko na sila pagbubugbugin dahil ilang beses na akong napahamak dahil sa gusto kong makatulong. Masakit. Kasi pakiramdam ko ginamit lang ako. Gusto kong murahin yung pagmumukha nila. Pero hindi ko magagawa yon kasi nga mabuti akong tao.

Nagsisi na ako dahil sa pagtulong ko. Gusto ko lang na maging masaya ang iba. Pero nakalimutan ko lang siguro na dapat ay napapasaya ko rin ang sarili ko. Kailangan ko rin ang buhay ko. Kaya nagsanay ako maging mapag-isa. Hindi naman sa emo na ako. Pero yung tipo ng taong hindi muna iniintindi ang iba. Kung kailangan mo ng tulong, pwede ako minsan. Basta maliit na bagay lang. Ayoko lang na umasa ka eh. Pero pag malaking bagay yan, isipin mo nalang na kung kaya ng iba, kaya mo rin yan. Hindi lahat ng oras kailangan mo ng tulong. Siguro ganyan ka kasi bata ka pa lang, pero sinisigurado ko sayo na mag-iiba rin ang pananaw mo. May buhay ka, wag mo i-asa sa iba yang buhay mo. Pero kung gusto mo, bahala ka. Wag ka lang magsisi pag iniwan ka sa ere dahil desisyon mo yan at kailangan mong panindigan ang desisyon mo.

No comments:

Post a Comment