Naranasan mo na bang masaktan kahit hindi sinasadya? Yung tipong di naman talaga para sayo pero akala mo ikaw. Okaya naman pag sinasabi sayo pero hindi direkta yung pagkakasabi. Yung nang-iinsulto lang. Pero may mga taong ganun eh. Sinasadya nilang manakit. Pero hindi naman nila alam kung ano meron. Mas magaling pa sila kesa sayo eh. Parang sa audience ng basketball. Kung maka-trash talk akala mo kung sino eh di naman pala marunong maglaro. Wag na kasing magsalita kung di mo naman alam.
Ganyan ang mga tao sa mundo. Mapanghusga. May mga tao kasing hindi papayag na nalalamangan sila kaya gagawa sila ng paraan para magmukha kang hindi magaling. Pwedeng inggit sila. Pero yang dahilang ganyan ay luma na. Yung tipong yan yung sinasabi mo pag inaasar yung kaklase mong pangit tapos sinabihan mong "naiinggit lang sila" pero ang totoo pangit naman talaga siya.
Malapit na ang Valentine's day. Pero para sa iba, wala lang. Hindi bitter, hindi OA, wala. Saludo ako sa mga taong ganun. Yung hindi binabanggit kung ano nararamdaman nila. Kasi alam nilang walang may pakealam eh. Tsaka alam nilang di na nila kailangang maki-ride dun sa mga immature na magsasabing malamig ang valentines nila. Eh ano naman kasi ngayon. Try mo ipost sa facebook yan, tingin mo magkakaroon ka agad ng love life?
Hindi ko rin alam kung bakit merong papansin. Akala mong pag may nakakita sa kanilang may ginagawang kakaiba, uunlad na ang bansa. Okay lang namang gawin niyo yan eh, pero yung paghingi ng atensyon? Bili ka sa hardware, baka meron.
Ano nga bang meron sa atensyon? Pag may nagawa kang tingin mo maganda, gusto mong sana may nakakita. Pero pag may nagawa kang nakakahiya, ayaw mo naman. Bakit mo kailangang mag dalawang-mukha sa kahit anong bagay? Ayan, sa kahihingi mo ng atensyon, binigyan ka, ayaw mo na.
Natuto akong hayaang may mangyari sa harap ko. Yung mga naglilitawang problema. Pag nandyan na, harapin mo na. Kasi lumiko ka man, hindi yan mawawala kung di mo hinaharap. Ayoko lang sa ugali ko ay pag tinamad ako, makikipagtitigan lang ako sa problema hanggang sipagin akong harapin ito. Ganyan ko sinumulan ang fourth year ko pero nabawasan din sa bandang gitna. Nakakatuwa na pag sinasabi ko dito sa blog ko, kadalasang nagagawa ko talaga.
Paano kaya sa college. Di ko alam kung makakapasok ako sa UST Architecture. 70 lang average ko at 606 rank ko. Pati sa business economics wait-listed ako. Di ko nasabi sa isang kong post pero DLSU yung pinasahan ko. Siguro noong pinanganak pa lang ako, alam ko nang hindi ako makakapasok dun dahil sa mahal ng tuition. Ayokong maging problema ang pera. Sana sa UST ako, kung hindi, talagang dart sa heart yon.
hi!galing mo po. :)) one thing lang,i think hindi naman lahat gusto para magpapansin lang.yung iba kasi it's either gusto iexpress yung saloobin nila.o kaya naman gusto nila maappreciate lang sila.lahat naman kasi may dahilan diba ..yun lang. :) sori sa comment ko ah.pero i dont have any bad intentions sa blog mo.in fact,i enjoyed reading it.BTW,inadd pala kita sa fb.sori nacurious lang.hope you do't mind. :))
ReplyDelete