Sabi nila, "There is power in numbers." Kaya naman pag marami kang ginagawa, dahan dahan ka lang dahil nasa bingit ka na ng problema. Mahirap pag konti lang yung oras pero marami kang ginagawa. Hindi ka dapat naghahapit para matino yung gawa mo. At dapat maayos at malinaw ang lahat ng ginagawa mo. Kung hindi mo kaya, magpatulong ka na. "No man is an island" sabi nga rin nila. Hindi pwedeng akuin mo lahat dahil hindi lahat ng bagay ay para sayo. Minsan kailangan mong tanggapin na kung ano ang meron ka, dun ka lang. Ang tao napapagod din. Hinding hindi pwede na mag magaling ka dahil baka dahil sa ginagawa mo, ikaw rin ang magpapabagsak sayo. Kalma ka lang. Chill.
Tulad ngayon, marami dapat akong ginagawa, pero nagsusulat na ko dito sa blog ko para di pa mawala sa isip mo. May mga oras kasing nakaharap ako sa problema at gusto ko magsulat pero wala ako sa harap ng computer. Mas mabilis ang magsulat pag galit ako, diretso kasi yung tren ng pag-iisip ko, kesa kung hyper ako, sabog sabog kadalasan ang sulat ko. Minsan di ko maintindihan pero para lang may masulat kaya hinahayaan ko na lang. Tanggap ko rin namang baguhan lang ako sa mga gantong pagbblog at minsan na lang ako magsulat dahil sa mga ginagawa ko. Kailangan ko ring maexplore ang buhay ko, "You Only Live Once", ika nga nila.
Marami nga akong kailangang gawin pero tuloy tuloy na rin ang pag-iisip ko dito kaya hindi na ako tumitigil. Minsan nakakainis kasi may mga bagay na nalampasan ko at gusto ko magsulat tungkol doon pero makalipas lang ang ilang oras parang wala na sa isip ko. Parang sa pagpipicture lang. Di pwedeng maghintay. Dapat handa na, pag nandyan na, di na iyon mauulit. Kaya naman in-apply ko na yan sa buhay ko. Pag may pagkakataon, kunin mo na agad dahil kahit isang minuto lang ang lumipas, maaaring wala na yan sa harap mo.
Napakaraming gawain pero wala pa kong nauumpisahan kasi mahilig ako magdelay ng trabaho. Hindi siya maganda. Pero maaaring huling beses na ito, dahil binibilisan ko naman ang trabaho kaya marami pa rin akong nagagawa. Pero kung sa hinaharap ay ganto pa rin ako, baka wala akong marating. Mainam na rin na alam ko kung ano yung mga mali kong ginagawa, para maiwasan ko na kahit minsan lang.
Mga apat na Coldplay na kanta pa lang ang tumunog at ganto na kadami yung nasulat ko. Nakasanayan ko lang na habaan na yung sulat ko para hindi bitin. Parang hapit pag napaka-ikli ng ginawa ko eh, sayang naman. Tsaka may mga bagay kasing hindi ganoon kalawak yung topic kaya ganoon lang kaikli nagagawa ko, pero iniiwasan ko na rin talaga yon. Ang ganda para sakin na nakikita ko talaga yung pagbabagong pinipilit ko at yung mga maling nagagawa ko, tingin ko matatama ko na ang mga mali ko sa susunod.
Sa totoo lang gusto ko na magbago ugali ko. Di ko alam kung bakit hindi, siguro dahil hindi rin naman nagbabago yung paligid ko kaya hindi ko rin mabago sarili ko. Yung tipong parehas lang naman ginagawa mo araw araw kaya hindi mo rin mabago yung mga gawain mo. Hinihintay ko nalang magbakasyon para makita ko na ang mga hinahanap kong sagot. Sa bakasyon sana marami akong magawa para mabawas bawasan na rin ang mga tanong sa ulo ko, sayang naman yung bakasyon kung wala rin akong nasagot.
Sabi kanina, 13 school days na lang daw ang natitira saming mga senior. Medyo matagal na yon pero hindi sapat para madiskubre ang mga sagot sa aking mga katanungan. Di ko na rin alam kung saan ako magcocollege at hindi pa rin ako sigurado sa kurso ko. Tingin ko may hindi ako alam. May daan na para sakin pero hindi ko makita. Sa ngayon nakikiride muna ako sa daloy ng panahon, kung san ako mapadpad, susulitin ko. Pero pag oras na para pumili ng daang pupuntahan ko, sana kahit doon lang, maging tama naman minsan ang mga desisyon ko sa buhay.
No comments:
Post a Comment