Monday, 25 February 2013

Hoy immature

Kung ikaw ay 15 o 16 years old na puro drama ang laman ng buhay, immature ka pa. Ang mundo ay hindi umiikot sa love life. Nasabi ko na yata yan. Pero sinabi ko ulit para alam mo. Nakakairita kasi eh. Estudyante ka palang, ts nag-eexpect ka ng mala-John Lloyd Cruz na love life? Ang bobo mo. Sorry pero ayan ka eh. Mag-aral ka. Pinaghihirapan ng magulang mo na makapag-aral ka sa magandang paaralan tapos puro kalandian inaatupag mo? Mag-aral ka.

Marami ng nadali ang buhay sa third year o fourth year sa high school. Dahil sa entrance exams. Paglabas ng resulta, ayon, maraming buryo. Akala mo kasi ang dali eh. Walang kabuluhan kasi inaatupag mo sa buhay. Isipin mo nalang kung pano ka na niyan. Wala na, lampas na yung pagkakataon. Kasi nandiyan na kung anu-ano inaatupag mo.

Nalulungkot lang ako kasi sayang. Marami kang pagkakataon tapos nasayang ang lahat dahil sa mga taong pumaligid sayo at naging sagabal sa kung ano gusto mong maging balang araw. Hindi ibang tao ang makakatulong sayo para umunlad ang buhay mo. Sarili mo lang. Depende kung pano ka magtrabaho. Paghirapan mo kasi ang mga bagay na gusto mo. Para hindi ka nanghihinayang ipamigay sa iba ang pinaghirapan mo. Kasi may mga bagay na nakukuha lang natin. Di natin pinapahalagahan kasi di naman natin pinaghirapan. Yan tayo eh.

Di ko masasabing huli na ang lahat para magbago ka. Walang nahuhuli sa pagbabago. Pag may pagkakataon ka, kunin mo na. Wag mo masyadong iasa pa sa ibang tao na baguhin ka. Maaaring maging ikaw yung taong gusto nila maging pero hindi mo magugustuhan ang sarili mo. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. Maaaring may nakikita sila sayo na hindi mo nakikita pero hayaan mo. Pero hindi porket gusto mong ganyan ka, hahayaan mo na. Iba pa rin yung taong mabuti.

Ang kabutihan ay hindi madali. Lalo na sa panahon ngayon, kakaunti nalang ang taong mabait. Espesyal ang pagiging mabait. Tandaan mo nalang, sa lahat ng bagay na ginagawa mo, basta tama, gawin mo. Tandaan mong mahalaga ang nakakatulong ka sa kapwa. Basta tandaan mo ang mga bagay na tama at mabuti.

No comments:

Post a Comment