Tuesday, 26 February 2013

Baluktot

Di ko ineexpect na magiging tuwid pa tong baluktot na buhay ko. Kahit may nag-aaway sa paligid ko, medyo ayos na. Di kasi uso mag-sorry dito eh. Pataasan ng pride. Kaya pala ganun ako minsan. Pero mabait ako. Di ako humihingi ng sorry. Ayos lang sakin kung mayroon kang sama ng loob sakin. Bahala ka, buhay mo yan eh.

Pero masaya na ako. Sa ngayon. Basta walang pakealamanan. Edi eto, naka pag-aral ako nang maayos. Medyo buryo pa naman ako sa subjects bukas. Pero masaya naman akong naiintindihan ko at ganado ako mag-aral ngayon. Di ko rin alam kung bakit. Siguro dahil huli na to. Ewan. Pero ayos na.

Ang mahirap lang ay hindi kaya ng isang gabi tong tatlong subjects na to. Pero ayos lang kahit magpuyat pa. Eh wala na kong magagawa eh. Tsaka lahat ng paghihirap ay sulit. Basta kasama mo ang Diyos.

Eto na nga. Huli na. Umpisa na ng katapusan. Di ko alam kung maeexcite ako o kung malulungkot ako. Pero hindi pa rin naman malinaw kung san ako babagsak eh. 50/50 pa nga ako sa UST dahil sa drawing exam sa architecture eh. Sana pumasa, dun lang kasi ang kaya namin na tuition eh at DLSU yung isa ko pang pinasahan, nakakahiya naman sa pera ng magulang ko.

Naging problema ko ang pera ngayon. Kahit noong nakaraang linggo pa. Yan na lang. Sa iba, wala na masyadong problema. Humihingi na ako sa tulong ng Diyos sa mangyayari sakin ngayong linggo.

No comments:

Post a Comment