Wednesday, 10 April 2013

Ang alam ng lalaki sa babae

Sa mata ng lalaki, ayos ka na kung maganda ka. Mapunta ka man sa ibang planeta eh pag may makakita sayo hangga't maganda ka, wala problema diyan. Ang second level naman, dapat maayos. Yung marunong gumalang, mahinhin, at kampante lang. May mga babae ring maayos naman pero marunong din magpatawa. Ayos yon, pinapakita mong confident ka. Wag lang yung nagpapatawa ka eh yung tawa mo naman mas malakas pa sa lalaki, uso mahiya. Kung mababa ang tingin mo sa sarili mong itsura at masyado kang mahiyain, medyo mahiraphirap na yan. Dapat alam mo kung san ka magaling. Hindi pwedeng wala kang alam sa mundo. Mas maganda ang babae pag maraming alam. Turn on yun.

Medyo magulo yata ako kaya lilinawin ko. Sa first level, eto yung mga oras na unang kita pa lang sayo sa mga lalaki. Syempre dahil tao ka at tao tayo lahat, maghuhusgahan tayo. At bilang lalaki, sa unang level pag nakita ka nila dapat maayos ka. Bale ang first level = appearance. Kaya wag ka na magtaka kung bakit sa unang araw ng klase at may nagkakagusto na sayo, ibig sabihin maganda ka. Magandang balita yon, yung simpleng alam mong may nagkakagusto sayo, pero wag lang sa masamang paraan.

Sa first level din, kung tingin mo sa sarili mong hindi ka ganoon ka ganda, kahit sa pananamit lang dapat marunong ka. Tsaka dapat naaayon kung nasan ka. Hindi yung puro magagandang damit susuptin mo pero palengke lang naman pala pupuntahan mo. Hindi rin ganoon nakakatuwa kapag nagsusuot ka ng masyadong revealing na damit. Nakakairita. Wag kang manubok ng lalaki kung di mo kaya panagutan kung ano ang mangyayari. Nasa huli ang pagsisisi.

Sa second level, eto lang, ugali. Hindi nakakatuwa na mas malakas pa yung boses mo sa lalaki pag nagkkwento ka, kahit babae pa kausap mo. Hindi rin maganda na bastos ka, as in walang manners. Parang wala kang pinag-aralan. Lalo na kung ang school mo yung pang bigtime at sikat. Tapos exclusive for girls. Kahit pareparehas kayong babae kailangan may manners. Pangit tignan lalo na sa pamilya mo. Mukhang pinalaki ka nila na wala silang pakealam. Eto mahalaga: pangit ang maraming ex. Tama. Hindi maganda tignan lalo na kung 14 ka pa lang!!! Di maganda pakinggan eh. Sa edad na yan dapat nag-aaral ka pa lang. Tapos sasabihin mo naka 7 na ex ka na?! Nahiya naman kami sa experience mo. Dahil sa 7 na ex mo, naglitawan din ang mga 7 sa card mo, nakakahiya. Eto pinakamahalaga sa lahat, dapat may alam ka. Nasabi ko na yan. Di bale na kung panglalaki yung alam mo o pambabae. Basta sa buhay mo, dapat may isa kang field na expert ka. Kunyari, mahilig ka sa music, maganda na yon. Pero dapat alam mo yung ginagawa mo, hindi yung basta basta mo nalang ginagawa. Best example kasi dito ay talino, pero di naman lahat ng tao matalino. Kaya nga dapat may bagay na expert ka talaga. Kunwari mga sapatos. Kung mahilig ka sa sapatos dapat alam mo lahat yun. Kahit mga Nike lang okaya Adidas. Okaya dapat alam mo rin ang history ng Air Jordans. Maganda kasi pakinggan kung may alam ka talaga eh, mukha kang matalino. Di bale nang bagsak ka sa card mo pero dapat lang talaga may ipagmamalaki ka sa ibang tao.

Hindi ko sinasabing kailangan mo to lahat. Eto lang kasi madalas pinapansin ng mga lalaki eh. Kung hindi sa looks, sa attitude. Ang babae ay babae. May mga katangian kayo na maganda at interesting para sa mga lalaki kaya may nagkakagusto sainyo. Hindi ko rin dinidikta kung pano ka dapat mabuhay. Ang post na ito ay para dun sa mga babaeng naguguluhan pag tungkol sa mga lalaking nagkakagusto sa kanila. Basta yun.

No comments:

Post a Comment