May mga taong hindi mo maintindihan yung paniniwala. Kung anu-ano pinagsasabi. Alam nilang tama sila. Pag-iisip nila yun eh. Pero pano nila nalaman yung paniniwalang yun? May patunay ba sila? May nagsasabi sa kanila kaya lang sila naniwala? Na-uto lang ba sila?
May mga tao ding pabago bago ng isip. Hindi tuwid ang pag-iisip. Minsan ganto ts magiging ganyan. Di mo alam kung anong tunay na kulay. Minsan sasabihin niya ayaw niya ts mamaya gusto na pala. Bakit ang gulo? Bakit nga ba may mga taong ganun? Bakit di nila kaya panindigan yung sinasabi nila?
May mga tao kasing salita nang salita, di na nag-iisip. Tapos yung iba, gumagaya nalang sa opinyon ng iba. Kasi di naman nila alam yung nangyayari, eh gustong makisali kaya nakikisang-ayon nalang sila sa mga sinasabi ng iba. Pero bakit di nalang sila magkaroon ng sariling opinyon? Bakit takot silang husgahan sila ng iba? Bakit kasi may mga taong napakayabang kaya hindi na sila nakikinig sa opinyon ng iba
Minsan magulo rin ako. Lalo na pag nadadala nalang ng sitwasyon at wala ng oras para mag-isip. Pero madalas kasing wala akong kausap, lalo na ngayon kaya marami akong oras para mag-isip. Kaya minsan hindi sanay ang utak ko na mag-isip pag may kausap na iba. Nakasanayan na eh.
Paninindigan. Para sakin, mas napaninidigan ko mga sinasabi ko kesa sa mga ginagawa ko. Eh ganun talaga eh, wala na akong magagawa. Kaya malaking bagay sakin pag may mga taong hindi napaninindigan yung mga sinasabi nila. Nakakasama ng loob ng ibang tao yung pag let down mo sa kanila eh. Kaya maraming umaasa sa mundo eh, kasi may nagpapaasa.
Karamihan sa mga taong kilala kong hindi kaya panindigan ang mga sinasabi ay mga lalaki. Di dahil sa karamihan ng kilala ko ay lalaki pero napapansin ko rin naman eh. Kaya nga karamihan sa mga lalaki nambobola. Ang mga babae kasi, sabihan mo lang ng kahit anong maliit na bagay, maniniwala agad. Kaya naman natuto nang i-take advantage ng mga lalaki ang gantong sitwasyon sa mga babae.
Masakit isiping nakakasakit ka ng ibang tao. Kung di ka nakokonsyensya, eh tinubuan ka na ng sungay, di mo lang napansin. Pag may sinabi ka, panindigan mo. Touch move. Lalaki ka eh. Marangal maging loyal at pag ginagawa mo talaga yung sinabi mo. Para di ka kabilang sa mga lalaking karaniwan na sinasabihan ng "manloloko."
No comments:
Post a Comment