Tuesday, 16 April 2013

Di ako magaling gumawa ng title

Karamihan nga sa mga tao ngayon, overweight na. Obese. Hindi ako nang-aasar. Sinasabi ko lang kung ano nakikita ko. Pero hindi lang yan ang masama. Hindi na nga sila nag-eehersisyo, ang tamad pa nila. Yung tila wala man lang lakas ng loob para kumilos man lang. Umaasa na sila sa ibang tao para mabuhay. Ayoko sa mga taong laging umaasa para mabuhay. Edi sana hindi nalang nabuhay yung ibang tao kung paglilingkuran nila.

Katamaran na ang uso ngayon. Dahil sa wifi. Dahil sa cellphone. Maglalakad lang papunta sa tindahan para bumili ng tsitsirya, kailangan dala pa ang cellphone dahil sa syota. Lecheng syota yan bibili ka na nga lang ng pagkain kailangan pang kausap ka. Pero di nga, sa lahat nalang ng gagawin mo, kailangang may tinetext ka pa? Kaya wala kang natatapos eh. Mamaya makakalimutan mo na yung ginagawa mo. Ts tatamarin ka na. Wala na, sayang ang oras, sayang ang buhay.

Pero may mga tao ring hindi kumakain pero di sila pumapayat. Kawawa naman. Sinasabi nilang "Di ako kakain para papayat na ako." Kung ganyan ka, pwede ba, wala yan sa kinakain. Nasa ginagawa mo yan. Kung sadyang tamad ka walang ikagaganda yang katawan mo. Di lang naman kasi ako concerned sa ikalulusog mo, iniisip ko lang yung nasayang na pagkaing hinanda para sayo ng magulang mo.

Alam mo, sa panahon ngayon, mahirap pag nagsasayang. Ang dami ng mahal na bilihin. Tapos ikaw kung anu-ano pa pinapabili mo. Hindi lang yon, sayang kasi yung pagtatrabaho, paghihirap na dinadaanan ng mga taong hinihingan mo. Kaya saludo ako sa mga taong naghihirap para makuha yung gusto nila, kesa dun sa mga walang ginagawa sa buhay pero nakukuha rin nila yung gusto nila. Mali kasi talaga eh.

No comments:

Post a Comment