May mga oras talagang bigla mo nalang naiisip kung ano bang meron sa buhay mo. Kung sulit pa ba to. Kung bakit ka pa nabubuhay. Bakit marami kang problema. Bakit yung iba parang walang ginagawa pero umuunlad pa rin yung buhay at nakakalusot pa rin sa mga problema.
Nakakainis. Minsan naiisip mong mali ka pala. Tapos di mo alam na mali pala yung ginagawa mo. Tapos hindi mo alam kung bakit mo nagawa yon. May mga bagay kang hindi alam na kailanman ay hindi tinuro sa paaralan. Pero bakit? Yung mga mahihirap na bagay ang madaling isipin. Pero yung mga bagay na madaling gawin, ang hirap isipin. Bakit ganun?
Tulad na lamang ng isang robot. Magandang ideya para sa mga thesis o investigatory project. Pero ang hirap naman gawin. Tapos may mga simpleng bagay na nasa harap mo na, di mo pa rin makita. Mahirap. Bakit ganun.
Bakit may mga bagay na mahirap paniwalaan? Bakit kailangan pa ng patunay para maniwala? Dahil sa iba-ibang ugali ng mga tao sa mundo? Eh bakit kasi hindi nalang tayo maging tapat at totoo sa mga sinasabi natin? Bakit kailangan nating manloko ng iba at sa ganoong paraan ay di natin nakikita na niloloko na rin natin ang ating sarili?
Bakit nga ba mahirap mabuhay ng normal?
Siguro dahil wala naman talagang normal na buhay. Kung iyong iisipin, patas lang talaga tayong lahat. Naghihirap. May mga tao lang talagang magaling magtago ng paghihirap at magaling humanap ng kasiyahan sa buhay nila. Hindi naman kasi lahat ng kasiyahan ay matututunan natin sa eskwelahan. May mga bagay na hinihiling kong sana tinuro nalang sa eskwelahan, sabagay at nandoon ka na rin, para naman yung mga simpleng bagay kaya na nating gawin. Siguro ang pagiging simple nalang ang magiging dahilan para mabuhay tayo ng "normal."
No comments:
Post a Comment