Hindi ko alam kung na-blog ko na to (as always).
Hindi man ako magaling mag-English okaya mag-Filipino(kahit na laging yan ang ginagamit ko), sinusubukan ko ang lahat para maparating yung gusto kong sabihin. Hindi ako magaling magsalita. Magaling ako magsulat. Ayoko sa boses ko, ayokong nagsasalita. Hindi ko tipo yung edukasyong kailangan mong magsalita kasi ge-grade-an ka ts pag di ka nagsalita eh bagsak ka na. Pwede namang isulat. Pero wala eh, prof ang batas sa classroom.
Ayokong gumagastos ng sobrang laki para "makapag-aral". Iba-iba ang gastos sa iba-ibang skwelahan at kurso/kolehiyo. Pero kung gusto mong bigtime yung matutunan mo, bigtime din yung babayaran mo. Sinong matutuwa dun? Pano kung wala kang pera, san ka nalang pupulutin niyan? Wala namang mesiyas na magliligtas sa mga mahihirap at bibigyan sila ng mga pagkain at pera. Kung walang tutulong galing sa taas, ang mga nasa baba ay hindi tataas.
Scholarship? Nakaka-loko to minsan eh. Bakit kailangan mong maging matalino para makaltasan yung babayaran mo? Ang katalinuhan ba ang pinaghuhugutan ng kapangyarihan? Kailangan bang matalino nalang lagi yung bida? Sila nalang yung laging namumuno? Eh pano kung matalino ka nga, mas masahol ka pa pala kay Satanas? At pano nanaman yung mga matatalinong wala talagang pera? Pano kung nakatira siya sa gubat at wala namang siyang pera para makapagpatuloy ng pag-aaral? Wala na?
Mga libro? Bakit mahal ang libro? Kasi mahalagang impormasyon yung nilalaman? Eh bakit kailangan mong magbayad ng 300+ para sa librong hindi naman lahat ng pahina ay may katuturan? Bakit mo babayaran yung impormasyon, eh yung tsimis mas mabilis pang kumalat. Eh kung i-tsismis nalang din kaya natin yung mga theorem sa geometry okaya mga trigonometric identities na yan?
Iilan lang to sa mga problemang hindi madaling baguhin sa bansa natin. Paglipas ng panahon pamahal nang pamahal yung edukasyon. Wala eh, ganyan talaga ang buhay. Hindi naman natin pwedeng i-reset nalang yung mundo. Pero ang masama diyan, ayun na nga, pamahal nang pamahal yung edukasyon, pahirap nang pahirap yung mga tao. Pano na uunlad yung bansa natin niyan?
Maaaring tunog immature ako, wala akong pakealam. Yung point of view ko, pov ng isang studyante. Pero kahit studyante lang ako, malaki ang concern ko sa pera. Magastos kasi sa pinasukan kong course at school. Hindi naman sa nagsisisi ako pero nakakapanghinayang lang talaga. Pano kung may mangyari tapos sa isang iglap, mawala nalang yung lahat ng pinaghirapan mo? Ano nalang naging silbi mo sa mundo? Wala, para ka lang isang alikabok na nabigyan ng buhay tapos magiging alikabok ka nalang pala habang buhay, wala rin. Wala na.
No comments:
Post a Comment